Digital TV ng Radyo Veritas, ilulunsad bago matapos ang taong 2025

SHARE THE TRUTH

Send your Love Offering

SAVINGS ACCOUNT NAME

DZRV Radio Veritas Foundation, Inc.

  1. Metrobank Savings Account No.: 076-3-076270210
  2. Banco De Oro Savings Account No.: 001-630011876
  3. BPI Savings Account No.: 0213-3251-91
  4. PNB – Savings account No.: 105-910-013-091

 23,601 total reads

Mas paiigtingin ng Radyo Veritas 846 ang gawaing ebanghelisasyon sa pamamagitan ng mas makabagong platform upang mas maabot ang mga pamilyang Pilipino sa iba’t ibang bahagi ng bansa.

Ayon kay Fr. Roy Bellen, pangulo ng himpilan, inaasahang mailulunsad na ang digital TV ng Radyo Veritas sa Cebu bago matapos ang taon bilang bahagi ng pagpapalawak ng ministeryo ng simbahan sa multimedia.

“In the age of modern technology, we will continue to embrace modernization to share the joy of the Gospel in every Filipino home. Hopefully, we will fully launch the digital TV in Cebu by the end of this year, so that our evangelization and catechism programs are not only heard through radio or watched online, but also on television,” pahayag ni Fr. Bellen sa Radyo Veritas.

Binigyang-diin ng pari na ang hakbang na ito ay tugon sa panawagan ng Simbahang Katolika na gamitin ang makabagong teknolohiya upang mapalawak ang pagtuturo ng katesismo at mga aral ng simbahan sa bawat komunidad.

Ito rin ay pagtalima sa Digital Terrestrial Television Broadcasting (DTTB) program ng Department of Information and Communications Technology (DICT) na nagtatakda ng paglipat mula analog patungong digital broadcast.

Sa ika-22 ng Nobyembre 2025, ipapatupad ng National Telecommunication Commission ang “total shutdown”ng analog sa National Capital Region o Metro Manila.

Bilang media arm ng Archdiocese of Manila, tiniyak ni Fr. Bellen na patuloy na pagbubutihin ng himpilan ang mga paraan ng pagpapahayag ng Mabuting Balita.

“Radyo Veritas continues to enhance its communication methods to reach even the most remote areas of our country. True to the mission of our station to expand the Church in multimedia and our vision to be the leading social communications ministry for truth and new evangelization,” dagdag ng pari.

Kamakailan ay lumagda ang Radyo Veritas, sa pangunguna ni Fr. Bellen, ng kasunduan sa Word Broadcasting Corporation ng Society of the Divine Word (SVD) missionary sa Cebu, na nangangasiwa sa DyRF Radio Fuerza.

Layon ng kasunduan ang pagtutulungan upang maitaguyod ang mga programa ng simbahan sa telebisyon. Sa ilalim ng partnership, mapapanood ang digital TV ng Radyo Veritas sa Channel 47, kasama ang DyRF, TV Maria at Cebu Catholic Television Network (CCTN).

SLP, nakahanda sa national LAIKO assembly

 20,101 total reads

 20,101 total reads Nakahanda na ang Sangguniang Laiko ng Pilipinas, implementing arm ng CBCP-Episcopal Commission on the Laity para sa kauna-unahang National LAIKO Assembly. Nakatakda ang

Read More »

BE OUR PARTNERS

THIS PORTION IS BROUGHT YOU BY

ADVOCATE

Radyo Veritas Advocacy Category by Author

Veritas Editorial

Picture of Rev. Fr. Anton CT Pascual

Rev. Fr. Anton CT Pascual

LEADERSHIP PROBLEM

 40,230 total reads

 40,230 total reads Kapanalig, nahaharap sa kasalukuyan sa samu’t-saring suliranin ang ating bayan. Hindi pa tapos ang problema sa matinding epekto ng oil crisis, tumaas na

Read More »

GUILTY?

 79,837 total reads

 79,837 total reads Nakatanggap ang House prosecution panel ng ulat mula sa social media na maaring humingi ng “compromise agreement” ang defense panel ni VP Sara

Read More »

Bunga ng araw-araw na karahasan

 113,965 total reads

 113,965 total reads Mga Kapanalig, nitong mga nakaraang linggo, nagkaroon ng malawakang kilos-protesta sa mga bansa sa Europa gaya ng France, Italy, Spain, at Portugal. Ilan

Read More »

Umaalis ang mga nars

 170,370 total reads

 170,370 total reads Mga Kapanalig, may ganitong tanong sa isang sikat na kanta: “Napakaraming nars dito sa amin, ngunit bakit tila walang natira?” Ang sagot? “Nag-a-abroad

Read More »

Watch Live

RELATED ARTICLES

Scroll to Top