Search

Veritas PH

The WORD. The TRUTH.

Paninindigan laban sa katiwalian, panawagan ni Cardinal David sa mga Pilipino

SHARE THE TRUTH

Send your Love Offering

SAVINGS ACCOUNT NAME

DZRV Radio Veritas Foundation, Inc.

  1. Metrobank Savings Account No.: 076-3-076270210
  2. Banco De Oro Savings Account No.: 001-630011876
  3. BPI Savings Account No.: 0213-3251-91
  4. PNB – Savings account No.: 105-910-013-091

 42,071 total views

Inaanyayahan ni Kalookan Bishop Pablo Virgilio Cardinal David ang mga Pilipino na makiisa sa paninindigan laban sa katiwalian sa pamahalaan.

Iginiit ni Cardinal David na nararapat sama-samang kumilos ang taumbayan sa pagsusulong ng transparency at mapanagot ang mga sangkot sa ibat-ibang anomalya sa pangangasiwa sa kaban ng bayan.

Sa November 23, ipagdiriwang ang ika-100 taon ng Christ the King sa National Shrine of Mary Queen of Peace o EDSA Shrine.
2:30 ng hapon, magsisimula ang prusisyon na iikot sa Ortigas pabalik ng EDSA shrine at ganap na 4:30 ng hapon, pangungunahan ni Cardinal David ang banal na misa at programa kasama ang civil society groups bilang paghahanda sa ikalawang Trillion Peso march sa ika-30 ng Nobyembre sa People Power monument.

Inihayag ni Cardinal David na layon ng pagkilos na muling isaayos ang mga institusyon na winasak ng kultura ng katiwalian.

“Para sa muling pagsasaayos ng mga institusyong winasak ng kultura ng katiwalian. Marami po ang mga bagong mukha ng people power ngayon: ang mamamayang naninindigan, nagmamatyag, nagbabantay, nagmamalasakit. At narito ang Simbahan, katuwang ng gobyerno at civil society organizations upang tiyakin na totoo, matino, at tapat ang paggamit ng kaban ng bayan. Dumarami na rin po ang mga kabataan at mga digital influencers — hindi mga paid trolls, hindi propaganda machines,” ayon sa mensahe ni Cardinal David.

Binigyan diin naman ni Running Priest Father Robert Reyes, kasapi nang Clergy for Good Governance at isa sa mga organizer ng pagkilos na napakahalaga ng pakikiisa ng mas maraming Pilipino ngayong nababalot ng katiwalian ang pamahalaan.

Sa pamamagitan nito ay mapapalakas ang paninindigan at panawagan ng mga Pilipino na labanan ang katiwalian at mapanagot ang mga sangkot sa mga korapsyon katulad ng maanomalyang flood control project.

“Kayo ay humingi ng tawad, kayo ay magsisi talaga at isauli nyo ang inyong ninakaw. Yan po ang diwa ng pagdiriwang natin ng Krisong Hari. Magkita-kita po tayong lahat sa EDSA Shrine, lahat ng nais sumama dito. Alas 2:30, tulak ng prosesyon sa paligid ng EDSA Shrine, Ortigas, ADB Avenue.Balik dito. At alas 4.30, sa bisa ni Cardinal Ambo David at doon natin mapapakinggan ang kanyang malalim na pagninilay tungkol sa mga naganap,” ayon sa mensahe ay paanyaya ni Father Reyes.

BE OUR PARTNERS

THIS PORTION IS BROUGHT YOU BY

ADVOCATE

Radyo Veritas Advocacy Category by Author

Veritas Editorial

Picture of Rev. Fr. Anton CT Pascual

Rev. Fr. Anton CT Pascual

Andaming sumasawsaw

 21,987 total views

 21,987 total views Mga Kapanalig, nakikiramay tayo sa mga naiwang pamilya ng dalawang student-athletes ng Ateneo na nalunod at namatay habang nasa isang team-building activity (na

Read More »

SINGIL SA KURYENTE

 67,710 total views

 67,710 total views Kapanalig, kahit humupa na ang sigalot sa pagitan ng Amerika at Iran, hindi pa rin tayo nakakahulagpos sa matinding pasakit na dulot ng

Read More »

SENATE GRIDLOCK

 69,920 total views

 69,920 total views Kapanalig, ang “impasse” ngayon sa Senate of the Philippines, ang labanan sa poder., sa liderato., committee chairmanships, ang talamak na grandstanding, pakikipagsabwatan ng

Read More »

Malaya pero bihag pa rin

 142,571 total views

 142,571 total views Mga Kapanalig, sa dalawang araw, ipagdiriwang natin ang Araw ng Kalayaan. Ngunit taun-taon nating tinatanong: tunay nga ba tayong malaya? Para masagot ito,

Read More »

Mga bisyong tayo rin ang may gawa

 153,696 total views

 153,696 total views Mga Kapanalig, nanawagan kamakailan ang grupong TobaccoOFF Now! na tuluyan nang ipagbawal ang mga vapes at e-cigarettes. Ang TobaccoOFF Now! ay binubuo ng

Read More »

Watch Live

RELATED ARTICLES

Manggagawa, hindi pa ganap na malaya

 1,468 total views

 1,468 total views Iginiit ng Ecumenical Institute for Labor Education and Research o EILER na nananatiling mailap para sa milyun-milyong manggagawang Pilipino ang tunay na kalayaan

Read More »
Scroll to Top