Liturgical music, paglilingkod sa kawan ng Panginoon-Pope Leo XIV

SHARE THE TRUTH

Send your Love Offering

SAVINGS ACCOUNT NAME

DZRV Radio Veritas Foundation, Inc.

  1. Metrobank Savings Account No.: 076-3-076270210
  2. Banco De Oro Savings Account No.: 001-630011876
  3. BPI Savings Account No.: 0213-3251-91
  4. PNB – Savings account No.: 105-910-013-091

 10,613 total views

Hinimok ni Pope Leo XIV ang mga koro ng Simbahang Katolika na pagyamanin ang kanilang ministeryo sa diwa ng pagkakaisa, kapakumbabaan at malalim na espiritwalidad, sa kaniyang homiliya para sa Dakilang Kapistahan ng Kristong Hari sa St. Peter’s Square.

Pinangunahan ng Santo Papa ang banal na misa sa pagtatapos ng Jubilee of Choirs at binigyang-diin na ang liturgical music “ay hindi isang pagtatanghal kundi paglilingkod sa kawan ng Panginoon.”

Ayon sa kaniya, ang kapistahan ay paalala ng tunay na paghahari ni Kristo, na nahahayag sa “walang hanggang awa ng puso ng Diyos.”

Kaya’t mahalaga na ang mga koro ay maging daluyan ng panalangin at pag-asa ng sambayanan sa pamamagitan ng kanilang pag-aawit.

“His power is love, his throne the Cross, and through the Cross his Kingdom shines forth upon the world.” Idinagdag pa niya ang aral ni San Agustin na “Singing belongs to those who love,” bilang paalala na ang musika ay nagmumula sa puso at tumatawag patungo sa pag-ibig.

Pinasalamatan ng Santo Papa ang natatanging gampanin ng musika sa liturhiya na isang paraan upang maipahayag ang mga damdaming hindi kayang ilarawan ng salita.

Aniya, ang pag-awit ay hindi lamang pagpupuri kundi paglalantad din ng “pagdurusa, lambing at pagnanais” na dinadala ng bawat mananampalataya.

Hinamon din ng santo papa ang mga koro na iwasan ang “tukso ng pagpapasikat” at sa halip ay ituon ang sarili sa pagtulong sa mga mananampalataya na makilahok nang buo sa liturhiya.

“You are not on stage, but part of the community you serve. Being part of a choir means taking our brothers and sisters by the hand and helping them to walk with us,” ayon sa santo papa.

Inilarawan ni Pope Leo XIV ang mga koro bilang “maliit na pamilya” sa loob ng mas malawak na pamayanang simbahan, na dapat maging huwaran ng pagkakaisa kahit sa gitna ng hindi maiiwasang tensyon at pagkakaiba.

Sinabi rin niya na ang pagkakaisa ng mga koro ay nagiging buhay na tanda ng Simbahang sinodal na “sama-samang naglalakbay, nagpupuri sa Diyos at nagdadala ng pag-asa” sa gitna ng mga hamon ng panahon.

BE OUR PARTNERS

THIS PORTION IS BROUGHT YOU BY

ADVOCATE

Radyo Veritas Advocacy Category by Author

Veritas Editorial

Picture of Rev. Fr. Anton CT Pascual

Rev. Fr. Anton CT Pascual

Hindi lang ‘for the content’

 3,279 total views

 3,279 total views Mga Kapanalig, dahil sa paglaganap ng social media, marami ang naeengganyong maging content creators.  Kung anu-ano na nga ang nilalaman ng mga video

Read More »

DUMARAMI ANG NAGUGUTOM NA PILIPINO

 177,213 total views

 177,213 total views Puro politika…puro grandstanding….political manuevering… political interest…political survival! Kapanalig, ito ang nangingibabaw ngayon na usapin sa bansa. Puro para sa kanila, lahat para sa

Read More »

FAILURE OF LEADERSHIP

 154,846 total views

 154,846 total views political dynasty ay maituturing na “shameful event” sa kasaysayan ng tinatawag na “AUGUST CHAMBER”. Kapag bahagi ka ng AUGUST CHAMBER, maituturing ka dapat

Read More »

Trabaho lang, walang personalan

 218,916 total views

 218,916 total views Mga Kapanalig, naging mainit kamakailan ang mga eksena sa Senado matapos ang tensyon sa pagitan nina Senador Robin Padilla at Senador Francis “Kiko“

Read More »

Serbisyo para kanino?

 238,453 total views

 238,453 total views Mga Kapanalig, si Senador Alan Peter Cayetano na ngayon ang bagong Senate President, kapalit ni Senador Vicente “Tito” Sotto III.  Marami sa mga

Read More »

Watch Live

RELATED ARTICLES

Scroll to Top