10,778 total views
Ayon kay Presidential Communication Office (PCO) Undersecretary Claire Castro, ang naging pahayag ni Vice President Sara Duterte ay isang anyo ng destabilisasyon.
Una na ring inihayag ni VP Sara na handa siyang humalili kay Pangulong Ferdinand Marcos Jr.
“It is not acceptable for a Vice-president to anticipate the resignation of the President. Presidente na pinagsisigawan nilang bumaba sa pwesto. This is definitely a form of political destabilization,” ayon kay Castro.
Ayon pa kay Castro, “Pinapahina niya ang public confidence ng tao sa administrasyon. And those words, contribute to the climate of uncertainty and crisis.
Ang pahayag ng Bise Presidente ay kaugnay na rin sa panawagan ng ilang grupo nang pagbibitiw ni Pangulong Marcos dulot na rin ng mga anomalya sa flood control projects ng pamahalaan.
Base sa video post ni dating Rep. Zaldy Co, tinukoy nito ang pangulong Marcos at pinsan nitong si dating Speaker Martin Romualdez na may kinalaman sa insertions ng 2025 budget.
Sa pinakabagong video, iniuugnay rin ni Co si House Majority leader Sandro Marcos sa mga insertions sa mga nakalipas na kongreso.
Sa nalalapit na malawakang pagkilos ng Trillion Peso March na muling gaganapin sa Nov. 30 sa Edsa People Power Monument, una ng nilinaw ng mga pinuno ng alyansa na hindi bahagi ng layunin ng pagkilos ang pabagsakin ang administrasyon.




