Paghandaan nang pagdating ni Hesus, paalala ng CBCP sa mga mananampalataya

SHARE THE TRUTH

Send your Love Offering

SAVINGS ACCOUNT NAME

DZRV Radio Veritas Foundation, Inc.

  1. Metrobank Savings Account No.: 076-3-076270210
  2. Banco De Oro Savings Account No.: 001-630011876
  3. BPI Savings Account No.: 0213-3251-91
  4. PNB – Savings account No.: 105-910-013-091

 39,621 total views

Hinimok ni Taytay Palawan Bishop Broderick Pabillo, chair ng CBCP Office on Stewardship, ang mananampalataya na gawing pagkakataon ang panahon ng Adbiyento upang paghandaan ang pagdating ng Panginoong Hesus, magbalik-loob sa Diyos at maging mas aktibong tagapaghatid ng mabuting balita sa komunidad.

Sa paglapit ng pagsisimula ng Adbiyento sa November 30, binigyang-diin ng obispo na ang panahong ito ay paalala ng unang pagdating ni Hesus at pagpapatibay ng Kanyang patuloy na presensya sa buhay ng bawat Kristiyano.

“Kaya layuan na natin ang mga gawa ng masama at italaga na natin ang sarili sa paggawa ng mabuti… Ang kasalanan ang nagiging hadlang sa ating pagtanggap kay Jesus. Tanggalin na natin ang sagabal na ito,” ani Bishop Pabillo.

Iginiit ng obispo na ang pagkilala kay Hesus ay higit na nakikita sa pagmamahal at paglingap sa kapwa. Dahil dito, hinikayat ng obispo ang mas masidhing pagdarasal, pagbabasa ng Bibliya, paglahok sa gawaing pangkomunidad at pagtulong sa nangangailangan lalo na sa mga nasalanta ng kalamidad.

Sinabi rin ni Bishop Pabillo na hindi nalalaman kung kailan magaganap ang muling pagdating ni Hesus, kaya’t dapat laging handa ang bawat isa. Inihalintulad niya ang biglaang pagdating ng Panginoon sa mga hindi inaasahang pangyayari tulad ng lindol at magkakasunod na pagbaha sa Visayas at Luzon na nagdulot ng malaking pinsala at buhay na nawala.

Kasabay nito, hinimok ng obispo ang publiko na makita ang pagdating ni Hesus sa mukha ng mga higit na nangangailangan, kabilang ang mga biktima ng Bagyong Tino sa Cebu.

Binigyang-diin din ni Bishop Pabillo ang kahalagahan ng pagtataguyod ng isang lipunang pinaghaharian ng kapayapaan, katarungan at malasakit.

“Wala nang mangungurakot sa bayan. Makikinabang na ang lahat sa yaman ng bayan at hindi na mapupunta sa bulsa ng iilan,” aniya.

Dagdag pa ng obispo, mahalagang isabuhay ang misyon ng Kristiyanong pagmamahal lalo na sa paghahanda para sa Pasko ng Pagsilang, sa pamamagitan ng pagkakawanggawa, pagdalaw sa may sakit, pagtatama ng pagkakamali at pagdulog sa sakramento ng kumpisal.

Umaasa si Bishop Pabillo na sa pagdating ng Pasko ay tunay na handa ang puso ng bawat mananampalataya upang buong-pusong tanggapin si Hesus sa kanilang buhay.

BE OUR PARTNERS

THIS PORTION IS BROUGHT YOU BY

ADVOCATE

Radyo Veritas Advocacy Category by Author

Veritas Editorial

Picture of Rev. Fr. Anton CT Pascual

Rev. Fr. Anton CT Pascual

Blue Ribbon Committee: magiging patas kaya?

 20,476 total views

 20,476 total views Mga Kapanalig, ang Senate Blue Ribbon Committee (o ang Committee on Accountability of Public Officers and Investigations) ay isa sa pinakamakapangyarihang komite sa

Read More »

NUMBER’S GAME

 71,160 total views

 71,160 total views Kapanalig, ang nasaksihang natin na “tele-novela” sa Senado ay hindi pa tapos…ilang episode pa lamang ang ating napapanood. Abangan ang susunod na kabanata!

Read More »

BREAKDOWN OF MORALITY

 77,289 total views

 77,289 total views Kapanalig, sinabi sa Genesis 1:27 na “God created mankind in his image; In the image of God he created them; Male and female

Read More »

Konkretong paraiso?

 106,725 total views

 106,725 total views Mga Kapanalig, ano, para sa inyo, ang mukha ng progreso at kaunlaran? Kung pagbabatayan natin ang mga imprastrakturang itinatayo sa ngalan ng ”development”,

Read More »

SenateFlix

 124,401 total views

 124,401 total views Mga Kapanalig, hindi pa tapos ang tinaguriang SenateFlix. Marami pa ring nangyayari sa ating Senado. Sa latest episode, may iyakan at sumbatan na! 

Read More »

Watch Live

RELATED ARTICLES

Scroll to Top