“400 years of devotion to Nuestra Señora de la Paz y Buen Viaje is about moving forward

SHARE THE TRUTH

Send your Love Offering

SAVINGS ACCOUNT NAME

DZRV Radio Veritas Foundation, Inc.

  1. Metrobank Savings Account No.: 076-3-076270210
  2. Banco De Oro Savings Account No.: 001-630011876
  3. BPI Savings Account No.: 0213-3251-91
  4. PNB – Savings account No.: 105-910-013-091

 44,293 total reads

Pinaalalahanan ni Antipolo Bishop Ruperto Santos ang mananampalataya na ang pagdating ng Nuestra Señora de la Paz y Buen Viaje sa Pilipinas apat na siglo na ang nakalilipas ay patuloy na paanyaya sa paglalakbay tungo sa kabanalan.

Inihayag ito ng obispo sa pagbubukas ng year-long celebration ng ika-400 anibersaryo ng pagdating ng Birhen ng Antipolo, sa banal na misang ginanap sa International Shrine of Our Lady of Peace and Good Voyage sa Antipolo Cathedral noong
November 28.

Ayon kay Bishop Santos, nananatiling kaisa ang Mahal na Ina sa bawat deboto sa kanilang pinagdaraanan, dala angkanilang mga panalangin, pasasalamat, at pag-asa.
“Four hundred years of devotion to Nuestra Señora de la Paz y Buen Viaje is not simply about looking back. It is about moving forward with renewed faith. Mary, our Blessed Mother, continues to walk with us, guide us, and receive our
offerings as we journey through life,” pahayag ni Bishop Santos.

Binigyang-diin ng obispo na ang pagdating ng imahe sa bansa ay patotoo ng patuloy na biyaya at pagkalinga ng Diyos nanararanasan ng mga deboto hanggang sa kasalukuyan.

Aniya, batid ni Maria ang hirap, pagod, at mga hamon ng paglalakbay, at inaanyayahan ang mga Kristiyano na tularan ang kanyang kababaang-loob at pagtitiwala sa Panginoon.
“Mary understands our journeys; she knows the fatigue of travel, the uncertainty of the road, and the courage required to keep moving forward. To be guided by Mary is to walk in humility, obedience, and trust,” dagdag pa niya.
Hinimok din ng obispo ang mananampalataya na tumugon sa kalooban ng Diyos tulad ni Maria, dahil ang bawat tapat na “oo” ay nagdudulot ng pag-asa, paghilom, at kapayapaan sa pamilya at komunidad.
“This is not merely a commemoration of history but a renewal of our faith for the future,” giit ng obispo. Kasabay ng banal na misa ang paglunsad ng opisyal na logo at tema ng pagdiriwang na “Paglalakbay, Pag-aakay, Pagaalay.”

Nagtalaga rin ang diyosesis ng mga jubilee churches na magiging sentro ng natatanging pagdiriwang sa buong 2026. Ipinaalala rin na kasabay ng ika-400 taon ay ang paggunita sa ika-100 anibersaryo ng canonical coronation ng Birhen ng
Antipolo. Dumating sa Pilipinas ang imahe ng Nuestra Señora de la Paz y Buen Viaje noong 1626 kasama ni Heneral Juan Niño de
Tabora mula Acapulco, Mexico sakay ng galyon. Ipinagkatiwala niya ito sa mga Heswita at inilagak sa maliit na simbahan sa Antipolo, kung saan mabilis na lumaganap ang debosyon dahil sa mga himala at proteksyong iniuugnay sa Mahal na Ina.

Mula noon, kinilala ang Birhen ng Antipolo bilang patrona ng mga manlalakbay at mandaragat at naging sentro ng malalim na pananampalataya at pilgrimage ng maraming Pilipino.

BE OUR PARTNERS

THIS PORTION IS BROUGHT YOU BY

ADVOCATE

Radyo Veritas Advocacy Category by Author

Veritas Editorial

Picture of Rev. Fr. Anton CT Pascual

Rev. Fr. Anton CT Pascual

LEADERSHIP PROBLEM

 92,488 total reads

 92,488 total reads Kapanalig, nahaharap sa kasalukuyan sa samu’t-saring suliranin ang ating bayan. Hindi pa tapos ang problema sa matinding epekto ng oil crisis, tumaas na

Read More »

GUILTY?

 128,540 total reads

 128,540 total reads Nakatanggap ang House prosecution panel ng ulat mula sa social media na maaring humingi ng “compromise agreement” ang defense panel ni VP Sara

Read More »

Bunga ng araw-araw na karahasan

 162,672 total reads

 162,672 total reads Mga Kapanalig, nitong mga nakaraang linggo, nagkaroon ng malawakang kilos-protesta sa mga bansa sa Europa gaya ng France, Italy, Spain, at Portugal. Ilan

Read More »

Umaalis ang mga nars

 219,077 total reads

 219,077 total reads Mga Kapanalig, may ganitong tanong sa isang sikat na kanta: “Napakaraming nars dito sa amin, ngunit bakit tila walang natira?” Ang sagot? “Nag-a-abroad

Read More »

Watch Live

RELATED ARTICLES

Scroll to Top