958 total views
Nakikiisa ang Catholic Bishops’ Conference of the Philippines – Episcopal Commission on Health Care sa panawagang pangalagaan ang mental health ng mga pari.
Kasunod ito ng naging talakayan sa press conference na bahagi ng The Great Pilgrimage of Hope noong November 29, 2025 sa Penang, Malaysia.
Ayon sa CBCP-ECHC, patuloy na palalawakin ng komisyon ang mga programang pangkalusugan na abot-kaya at bukas para sa lahat, kabilang ang mga pari.
Kabilang dito ang community-based healthcare programs at pagtatatag ng ligtas na espasyo para sa medikal at psychosocial support, lalo na para sa mga paring dumaraan sa stress, anxiety, o burnout.
“The Episcopal Commission on Healthcare continue to develop programs that are accessible and available for everyone, including priests, establishing community base healthcare program and providing safe species species, where everyone is welcome in accommodated,” ayon sa CBCP-ECHC.
Sa press conference, ibinahagi nina Tokyo Archbishop Tarcisio Isao Cardinal Kikuchi at Penang Bishop Sebastian Cardinal Francis ang mga hamong kinakaharap ng mga klero sa Asya, lalo ang pag-iisa, kakulangan ng suporta, at matitinding batikos ng publiko, lalo na sa sensitibong usapin, na nagdudulot ng stress at burnout.
Sa mga nakakaranas ng mental health problem, maaaring tumawag sa National Center for Mental Health sa mga numerong 0917-899-USAP (8728); (02) 7-989-USAP; o 1553.




