Pederasyon ng mga manggagawa, nanawagan ng Katarungang Panlipunan at Makatarungang Sahod ngayong Pasko

SHARE THE TRUTH

Send your Love Offering

SAVINGS ACCOUNT NAME

DZRV Radio Veritas Foundation, Inc.

  1. Metrobank Savings Account No.: 076-3-076270210
  2. Banco De Oro Savings Account No.: 001-630011876
  3. BPI Savings Account No.: 0213-3251-91
  4. PNB – Savings account No.: 105-910-013-091

 92,343 total views

Nanawagan ng katarungang panlipunan para sa mga manggagawang Pilipino ang Federation of Free Workers (FFW) ngayong Kapaskuhan, kasabay ng panawagang ipagpatuloy ang pakikibaka para sa makatarungang sahod, sapat na benepisyo, at pagwawakas ng kontrakwalisasyon.

Ayon kay FFW National President Atty. Sonny Matula, nananatiling mababa ang sahod ng maraming manggagawa, dahilan upang mahirapan silang matugunan ang pangangailangan ng kanilang pamilya, lalo na sa panahon ng Pasko. Aniya, hindi maituturing na ganap ang pagdiriwang kung patuloy na isinasantabi ang karapatan at dignidad ng mga manggagawa.

Iginiit ni Matula na mahalagang ipagpatuloy ang sama-samang pagkilos ng mga manggagawa sa pamamagitan ng pagbuo ng unyon, collective bargaining agreement (CBA), at pagtatanggol sa karapatan at kaligtasan sa lugar ng trabaho.

“Tulad ng Mabuting Samaritano, ang tunay na pag-ibig ay may gawa: tumitigil, tumutulong, at nag-aalaga. Bilang mga manggagawa at unyonista, tungkulin nating isulong ang buhay na ganap sa pamamagitan ng pagtatanggol sa karapatan at kapakanan ng bawat isa,” pahayag ni Matula sa isang mensaheng ipinadala sa Radyo Veritas.

Inalala rin ng lider-unyon ang kalagayan ng mga manggagawang sapilitang tinanggal sa trabaho, lalo na ngayong Kapaskuhan, at binigyang-diin ang pakikiisa ng FFW sa lahat ng sektor, kabilang ang mga manggagawang Muslim, sa pagsusulong ng karapatan at katarungan.

“Mariin naming kinokondena ang pagtatanggal sa ating mga kasapi sa Charter Link ngayong Kapaskuhan. Ang FFW ay pluralistic—bukas sa mga Muslim, Kristiyano, at iba pang pananampalataya. Paalala rin ng Qur’an na ang pananampalataya ay nasusukat sa paggawa ng kabutihan sa kapwa, lalo na sa nangangailangan,” dagdag pa ni Matula.

Samantala, patuloy ring aktibong katuwang ng mga manggagawa ang Simbahan, partikular ang Arkidiyosesis ng Maynila sa pamamagitan ng Manila Archdiocesan Ministry for Labor Concern, sa pagsusulong at pagtatanggol sa karapatan ng sektor.

Bukod sa mga pagtitipon at adbokasiya, isinusulong din ang edukasyong legal para sa mga manggagawa sa pamamagitan ng mga paralegal o “Pasimba” ng Simbahan, upang mapalawak ang kaalaman ng mga manggagawa sa kanilang mga karapatan at mga batas-paggawa.

BE OUR PARTNERS

THIS PORTION IS BROUGHT YOU BY

ADVOCATE

Radyo Veritas Advocacy Category by Author

Veritas Editorial

Picture of Rev. Fr. Anton CT Pascual

Rev. Fr. Anton CT Pascual

Isa pang state of emergency

 41,195 total views

 41,195 total views Mga Kapanalig, nagdeklara na si Pangulong Bongbong Marcos ng state of national energy emergency sa gitna ng krisis sa langis matapos ang ilang

Read More »

Krisis sa bukid at laot

 41,195 total views

 41,195 total views Mga Kapanalig, sa gitna ng pagdaigdigang krisis sa langis, hindi sumasabay ang lawak ng tulong mula sa gobyerno sa laki ng pangangailangan ng

Read More »

Ano tayo pagkatapos ng krisis?

 41,195 total views

 41,195 total views Mga Kapanalig, “kinamatayan na lang ang ayuda.” Ganito inumpisahan ang balita tungkol kay Tatay Jimmy na tatlong dekada nang namamasada ng tricycle sa

Read More »

Ang kalikasan ay may karapatan

 39,862 total views

 39,862 total views Mga Kapanalig, paano kung ang pagkalbo ng kagubatan, pagbuga ng polusyon, at pagsira sa dagat ay hindi na lang simpleng paglabag sa batas

Read More »

Patibong ng kasamaan

 36,350 total views

 36,350 total views Mga Kapanalig, hindi laging lantad ang kasamaan. Minsan nag-aanyo itong mabuti, maamo, at inosente. Ayon sa 2 Corinto 11:14, “…si Satanas man ay

Read More »

Watch Live

RELATED ARTICLES

Scroll to Top