“The Jubilee is not a memory—it is a seed”

SHARE THE TRUTH

Send your Love Offering

SAVINGS ACCOUNT NAME

DZRV Radio Veritas Foundation, Inc.

  1. Metrobank Savings Account No.: 076-3-076270210
  2. Banco De Oro Savings Account No.: 001-630011876
  3. BPI Savings Account No.: 0213-3251-91
  4. PNB – Savings account No.: 105-910-013-091

 42,842 total views

Ito ang mensahe ni Bishop Ruperto Santos sa mga mananampalataya sa pagtatapos ng pagdiriwang ng Jubilee Year of Hope ng Diocese of Antipolo noong December 28, kasabay ng Kapistahan ng Banal na Mag-anak, Hesus, Maria, at Jose, sa banal na misa sa International Shrine of Our Lady of Peace and Good Voyage o Antipolo Cathedral.

Ayon sa obispo, ang Jubilee ay hindi nagwawakas sa simpleng pag-alala, kundi nagsisilbing binhi na dapat pagyamanin upang magbunga ng kabutihan at mas malalim na pananampalataya sa pamayanan ng mga Kristiyano.

“If we nurture it with prayer, water it with compassion, and guard it with courage, it will grow into a tree whose branches will shelter generations to come,” pahayag ni Bishop Santos.

Binigyang-diin ng obispo na bagama’t nagsasara na ang Taon ng Hubileyo, nagbubukas naman ang isang bagong yugto ng misyon, lalo na ang patuloy na pagsasabuhay ng habag at awa na tinanggap ng mga mananampalataya sa pamamagitan ng mga biyayang espirituwal ng Simbahan.

“As the doors of the Jubilee close, the doors of mission swing wide open. The mercy we have received must become the mercy we extend,” giit ng obispo.

Iginiit pa ni Bishop Santos na ang habag ay mas makapangyarihan kaysa kasalanan, ang pag-asa ay higit sa kawalan ng pag-asa, at ang pag-ibig ay mananaig maging sa harap ng kamatayan. Paalala rin ng obispo na ang kabanalan ay hindi lamang para sa iilan, kundi paanyaya sa lahat ng binyagang kabahagi sa misyon ni Hesus.

Hamon ng obispo sa mga mananampalataya na isabuhay ang diwa ng Jubilee sa loob ng pamilya, sa mga komunidad, at sa bansa lalo na sa gitna ng mga suliraning panlipunan tulad ng malawakang katiwalian at pagkakahati-hati ng mamamayan.

“Let us carry the Jubilee into our nation, where unity must replace division,” dagdag ni Bishop Santos.

Kinilala at pinasalamatan din ng obispo ang mga parokya, lalo na ang mga itinalagang Jubilee churches, sa mainit na pagtanggap sa mga peregrinong dumalaw at sa kanilang ambag sa pagpapalalim ng pagdiriwang ng Taon ng Hubileyo.

Sa pagtatapos, nanawagan si Bishop Santos sa mamamayan na manatiling nagkakaisa sa diwa ng pag-ibig at pag-asang hatid ni Kristo, at patuloy na maglakbay bilang iisang Simbahan at sambayanang Kristiyano.

BE OUR PARTNERS

THIS PORTION IS BROUGHT YOU BY

ADVOCATE

Radyo Veritas Advocacy Category by Author

Veritas Editorial

Picture of Rev. Fr. Anton CT Pascual

Rev. Fr. Anton CT Pascual

BAKIT BIGO ANG K-12?

 47,975 total views

 47,975 total views Kapanalig, ipinatupad ang K-12 program o K-12 educational curriculum noong 2013 sa bisa ng Republic Act No. 10533 or the Enhanced Basic Education

Read More »

MAGING PANAHON NAGUGULUHAN NA

 43,844 total views

 43,844 total views Kapanalig, ano ba ang nangyayari sa ating bayan? Sa Senado, litong-lito na ang maraming Pilipino… Hindi na malaman ng marami kung ano ang

Read More »

Baluktot na katotohanan

 80,046 total views

 80,046 total views Mga Kapanalig, unti-unting nawawala ang dignidad ng Senado sa harap mismo ng sambayanan. Sa isa sa mga plenaryo ng Senado noong nakaraang linggo,

Read More »

Handa na ba tayo sa Super El Niño?

 88,739 total views

 88,739 total views Mga Kapanalig, pakiramdam niyo rin ba na parang hindi na nawawala ang init mula umaga hanggang gabi? Kung hiráp na tayo sa panahon

Read More »

Blue Ribbon Committee: magiging patas kaya?

 113,991 total views

 113,991 total views Mga Kapanalig, ang Senate Blue Ribbon Committee (o ang Committee on Accountability of Public Officers and Investigations) ay isa sa pinakamakapangyarihang komite sa

Read More »

Watch Live

RELATED ARTICLES

Scroll to Top