“Fire-cracker free” sa pagsalubong ng New Year, panawagan ng environment at animal advocates

SHARE THE TRUTH

Send your Love Offering

SAVINGS ACCOUNT NAME

DZRV Radio Veritas Foundation, Inc.

  1. Metrobank Savings Account No.: 076-3-076270210
  2. Banco De Oro Savings Account No.: 001-630011876
  3. BPI Savings Account No.: 0213-3251-91
  4. PNB – Savings account No.: 105-910-013-091

 61,546 total views

Muling nanawagan ang EcoWaste Coalition at ang Philippine Animal Welfare Society (PAWS) para sa firecracker- at fireworks-free na pagdiriwang ng Bagong Taon, upang mapangalagaan ang mga hayop, kalusugan ng publiko, at kalikasan.

Isinagawa ang “Iwas PapuToxic” event nitong December 28 sa isang mall sa Quezon City, tampok ang pet parade na humihikayat sa publiko na iwasan ang maingay at nakalalasong paputok.

Ayon kay PAWS Executive Director Atty. Anna Cabrera, labis na naaapektuhan ng malalakas na pagsabog ang mga hayop, lalo na ang mga aso sa kalsada at alagang nakatali o nasa labas ng bahay.

Sinabi ni Cabrera na mas sensitibo ang pandinig ng mga hayop kaya nagdudulot ang paputok ng matinding takot at stress na maaaring tumagal ng ilang oras.

“In our country, many dogs remain caged or chained outdoors, yet PAWS advocates for them to live inside as true family members. For those who haven’t yet embraced this, we plead: please bring your dogs inside for New Year’s Eve. Outdoor pets are the most vulnerable during the celebrations; they are defenseless against the deafening explosions and toxic fumes. Be compassionate — bring them indoors,” ayon kay Cabrera.

Bukod sa kapakanan ng hayop, iginiit ng mga grupo ang masamang epekto ng paputok sa kalusugan at kapaligiran, dahil sa pagbuga ng toxic smoke, pinong particulate matter, at climate-warming gases na maaaring magpalala ng sakit sa baga, lalo na sa mga bata, matatanda, at may karamdaman.

Ayon naman kay Aileen Lucero, National Coordinator ng EcoWaste Coalition, mas mainam na salubungin ang Bagong Taon sa paraang people-, pet-, at planet-friendly, sa pamamagitan ng mga alternatibong pamamaraan tulad ng tansan tambourines, maracas de lata, kaldero, kawali, at recycled shakers.

Iginiit ng EcoWaste Coalition at PAWS na ang pag-iwas sa paputok ay nakatutulong upang maiwasan ang pinsala, mabawasan ang basura at polusyon, at mailigtas ang mga hayop mula sa takot at trauma—habang nananatiling masaya at makabuluhan ang pagsalubong sa Bagong Taon.

“Instead of dangerous pyrotechnics that can damage human health, inflict trauma and stress on defenseless dogs and cats, and contaminate the environment with toxic smoke and trash, the EcoWaste Coalition advocates for ‘Iwas PapuToxic’ alternatives… that protect humans, our animal companions, and the environment from harm,” saad ni Lucero.

Una nang binigyang-diin ni Cebu Archbishop Alberto Uy na walang ingay o pansamantalang kasiyahan ang mas mahalaga kaysa sa kaligtasan ng tao at ng mga hayop.

BE OUR PARTNERS

THIS PORTION IS BROUGHT YOU BY

ADVOCATE

Radyo Veritas Advocacy Category by Author

Veritas Editorial

Picture of Rev. Fr. Anton CT Pascual

Rev. Fr. Anton CT Pascual

BAKIT BIGO ANG K-12?

 46,701 total views

 46,701 total views Kapanalig, ipinatupad ang K-12 program o K-12 educational curriculum noong 2013 sa bisa ng Republic Act No. 10533 or the Enhanced Basic Education

Read More »

MAGING PANAHON NAGUGULUHAN NA

 42,570 total views

 42,570 total views Kapanalig, ano ba ang nangyayari sa ating bayan? Sa Senado, litong-lito na ang maraming Pilipino… Hindi na malaman ng marami kung ano ang

Read More »

Baluktot na katotohanan

 78,772 total views

 78,772 total views Mga Kapanalig, unti-unting nawawala ang dignidad ng Senado sa harap mismo ng sambayanan. Sa isa sa mga plenaryo ng Senado noong nakaraang linggo,

Read More »

Handa na ba tayo sa Super El Niño?

 87,494 total views

 87,493 total views Mga Kapanalig, pakiramdam niyo rin ba na parang hindi na nawawala ang init mula umaga hanggang gabi? Kung hiráp na tayo sa panahon

Read More »

Blue Ribbon Committee: magiging patas kaya?

 112,852 total views

 112,852 total views Mga Kapanalig, ang Senate Blue Ribbon Committee (o ang Committee on Accountability of Public Officers and Investigations) ay isa sa pinakamakapangyarihang komite sa

Read More »

Watch Live

RELATED ARTICLES

Scroll to Top