Paalala ni Pope Leo XIV sa mga opisyal ng gobyerno: “Ang kapangyarihan ay paglilingkod at pananagutan, hindi pananakop

SHARE THE TRUTH

Send your Love Offering

SAVINGS ACCOUNT NAME

DZRV Radio Veritas Foundation, Inc.

  1. Metrobank Savings Account No.: 076-3-076270210
  2. Banco De Oro Savings Account No.: 001-630011876
  3. BPI Savings Account No.: 0213-3251-91
  4. PNB – Savings account No.: 105-910-013-091

 35,229 total views

Iginiit ni Pope Leo XIV na ang tunay na kapangyarihan ay tapat na paglilingkod at pananagutan, at hindi paniniil, kasabay ng babala na ang demokrasya ay “nanghihina at nagiging pormalidad” kapag hindi pinakikinggan ang tinig ng mahihirap.

Ito ang binigyang-diin ng santo papa sa kanyang talumpati sa pagpupulong ng National Association of Italian Municipalities sa Vatican, na ginanap sa panahon ng Pasko at sa pagtatapos ng Taon ng Hubileyo.

Ayon kay Pope Leo, ang pagpaslang sa mga inosente sa panahon ni Haring Herodes ay malinaw na larawan ng “inhumane power” na binabalewala ang dignidad ng buhay ng tao.

“The killing of the innocents… is a manifestation of inhumane power, which does not know the beauty of love because it ignores the dignity of human life,” ayon kay Pope Leo XIV.

Aniya, ang ganitong uri ng kapangyarihan ay salungat sa diwa ng pagkakatawang-tao ni Hesus na nagpapakita na ang tunay na awtoridad ay nakaugat sa kababaang-loob, katapatan, at pagbabahaginan.

Binigyang-diin punong pastol na ang kapanganakan ng Panginoon ay naghahayag ng tunay na kahulugan ng kapangyarihan, ang pananagutan at paglilingkod na dapat isabuhay ng mga pinuno, lalo na sa antas ng lokal na pamahalaan.

“Without listening to the least and the poor, democracy atrophies, turns into a slogan, a formality,” ani ng santo papa.

Tinukoy rin ng Santo Papa ang mga hamong panlipunang kinakaharap ng mga lungsod sa kasalukuyan, kabilang ang krisis sa demograpiya, paghihirap ng mga kabataan at pamilya, pag-iisa ng matatanda, tahimik na daing ng mga mahihirap, polusyon sa kapaligiran, at mga sigalot panlipunan.

Paalala ng pastol na ang mga lungsod ay hindi lamang estruktura o espasyo kundi “mga mukha at kasaysayang dapat pahalagahan.”

Nagbabala rin si Pope Leo na kapag hindi pinakinggan ang mga nasa laylayan ay nawawalan ng saysay at tunay na diwa ang demokrasya.

Aniya, ang panlipunang pagkakaisa at pagkakasundo ay nakasalalay sa kakayahan ng mga pinuno na magbigay-priyoridad sa kapakanan ng mahihirap at mahina.

“Politics is called upon to weave authentically human relationships among citizens, promoting social peace,” saad ng santo papa.

Sa pagtatapos ng kanyang mensahe, hinimok ni Pope Leo XIV ang mga alkalde at lokal na opisyal ng Italya at maging sa buong mundo na magkaroon ng lakas ng loob na maghatid ng pag-asa sa mamamayan at magplano ng kinabukasan mula sa perspektibo ng integral na pag-unlad ng tao.

Ipinagkatiwala rin niya sa panalangin at paggabay ng Mahal na Birheng Maria ang mga pinuno at kanilang pamilya habang ginagampanan ang mabibigat na tungkulin para sa kabutihang panlahat.

BE OUR PARTNERS

THIS PORTION IS BROUGHT YOU BY

ADVOCATE

Radyo Veritas Advocacy Category by Author

Veritas Editorial

Picture of Rev. Fr. Anton CT Pascual

Rev. Fr. Anton CT Pascual

Isa pang state of emergency

 14,612 total views

 14,612 total views Mga Kapanalig, nagdeklara na si Pangulong Bongbong Marcos ng state of national energy emergency sa gitna ng krisis sa langis matapos ang ilang

Read More »

Krisis sa bukid at laot

 14,612 total views

 14,612 total views Mga Kapanalig, sa gitna ng pagdaigdigang krisis sa langis, hindi sumasabay ang lawak ng tulong mula sa gobyerno sa laki ng pangangailangan ng

Read More »

Ano tayo pagkatapos ng krisis?

 14,612 total views

 14,612 total views Mga Kapanalig, “kinamatayan na lang ang ayuda.” Ganito inumpisahan ang balita tungkol kay Tatay Jimmy na tatlong dekada nang namamasada ng tricycle sa

Read More »

Ang kalikasan ay may karapatan

 14,068 total views

 14,068 total views Mga Kapanalig, paano kung ang pagkalbo ng kagubatan, pagbuga ng polusyon, at pagsira sa dagat ay hindi na lang simpleng paglabag sa batas

Read More »

Patibong ng kasamaan

 12,745 total views

 12,745 total views Mga Kapanalig, hindi laging lantad ang kasamaan. Minsan nag-aanyo itong mabuti, maamo, at inosente. Ayon sa 2 Corinto 11:14, “…si Satanas man ay

Read More »

Watch Live

RELATED ARTICLES

Scroll to Top