Isabuhay ang kababaang loob, panawagan ni Cardinal Advincula sa mga mananampalataya

SHARE THE TRUTH

Send your Love Offering

SAVINGS ACCOUNT NAME

DZRV Radio Veritas Foundation, Inc.

  1. Metrobank Savings Account No.: 076-3-076270210
  2. Banco De Oro Savings Account No.: 001-630011876
  3. BPI Savings Account No.: 0213-3251-91
  4. PNB – Savings account No.: 105-910-013-091

 40,106 total reads

Hinikayat ni Manila Archbishop Jose Cardinal Advincula ang mga mananampalataya na isabuhay ang kababaang-loob at tunay na debosyon bilang paghahanda sa Nazareno 2026 at sa pagdiriwang ng Dakilang Kapistahan ng Pagpapakita ng Panginoon.

Ito ang mensahe ng arsobispo sa misa sa Quiapo Church, kasabay ng ikalimang araw ng nobenaryo para sa Jesus Nazareno.

Binigyang-diin ng arsobispo na ang pananampalatayang Kristiyano ay hindi pagpapakita ng sarili kundi pag-aangat kay Kristo sa pamamagitan ng tahimik na paglilingkod at sakripisyo, ayon sa tema ng Nazareno 2026 na “Dapat SIYANG itaas, at AKO nama’y BUMABA,” na hango sa Ebanghelyo ni San Juan.

“Hindi lamang ito magagandang pananalita, ito ay panawagan sa pagbabagong-loob. Bumaba sa yabang, bumaba sa galit, bumaba sa pag-aakalang tayo ang sentro at sa pagbaba natin, si Kristo ang unti-unting itinataas sa ating buhay,” pahayag ni Cardinal Advincula.

Ipinaliwanag ng cardinal na ang Epipanya ay kapistahan ng pagpapahayag ng Diyos sa sanlibutan, hindi sa pamamagitan ng kapangyarihan o karangyaan, kundi sa landas ng kababaang-loob na inihayag sa pagsilang ni Hesukristo sa isang payak na sabsaban.

“Ang Diyos ay nagpapakilala sa atin, hindi sa pamamagitan ng kapangyarihan ng mundo, kundi sa landas ng kababaang-loob,” ani ng arsobispo.

Kaugnay ng nalalapit na kapistahan sa January 9, binigyang-diin ni Cardinal Advincula na ang diwa ng Epipanya ay malinaw na nasasalamin sa debosyon sa Poong Jesus Nazareno na isang pananampalatayang nakaugat sa pag-aangat kay Kristo at hindi sa paghahanap ng pagkilala.

Inalala rin ng cardinal ang halimbawa ng mga pantas na dumalaw sa Sanggol na Hesus, mga dayuhan at hentil na naghandog ng ginto, kamanyang, at mira, kung saan ang mga handog ay walang pangalan at walang paghahangad ng papuri.

“Ang sentro ay hindi ang naghahandog, kundi ang Panginoon na hinahandugan,” paliwanag ni Cardinal Advincula.

Ayon sa arsobispo, ang ganitong diwa ng tahimik at tapat na paghahandog ang makikita sa maraming deboto ng Poong Jesus Nazareno, mga ordinaryong mananampalatayang walang titulo o pangalan sa mata ng lipunan ngunit matibay ang pananampalataya.

“Marami sa inyong mga deboto ay walang pangalan sa mata ng lipunan… ngunit ang inyong pananampalataya ay malinaw na malinaw. Ang inyong pag-ibig sa Panginoon ay hindi kailangang ipangalandakan,” dagdag ng arsobispo.

Binigyang-diin pa ni Cardinal Advincula na ang tunay na debosyon ay hindi naghahanap ng papuri o kapalit, taliwas sa kulturang sanay sa pagkilala at paglalagay ng “credit” sa bawat mabuting gawa.

“Ang tunay na debosyon ay marunong magbigay ng hindi kailangang makilala, marunong maglingkod ng hindi naghahanap ng papuri, marunong umibig ng hindi humihingi ng kapalit,” aniya.

Hinikayat ni Cardinal Advincula ang mga mananampalataya na hilingin ang biyaya ng kababaang-loob at dalisay na pagmamahal sa pagdiriwang ng Epipanya at sa patuloy na nobena sa Poong Jesus Nazareno, upang sa kanilang pagbaba ay higit na maitaas si Kristo sa kanilang buhay at sa lipunan.

BE OUR PARTNERS

THIS PORTION IS BROUGHT YOU BY

ADVOCATE

Radyo Veritas Advocacy Category by Author

Veritas Editorial

Picture of Rev. Fr. Anton CT Pascual

Rev. Fr. Anton CT Pascual

Fashion show sa baha

 9,591 total reads

 9,591 total reads Mga Kapanalig, ano ang datíng kapag ang mga pulitiko na nakikiramay sa mga binaha ay nakasuot ng mamahaling damit? Ang Pampanga ay ang

Read More »

Perwisyo sa NLEx

 33,704 total reads

 33,704 total reads Mga Kapanalig, napagsabihan na ba kayo nito: “kung ayaw mong ma-traffic, umalis ka nang maaga.” Pero paano kung umalis ka nga nang maaga,

Read More »

Pagod na pagod

 70,205 total reads

 70,205 total reads Mga Kapanalig, pagod na pagod na raw si Senador Juan Miguel Zubiri sa sobrang siksik na schedule niya tuwing pumapasok sa Mataas na

Read More »

Kahirapan sa bansa

 290,829 total reads

 290,829 total reads Mga Kapanalig, tinatayang anim na milyong Pilipino ang nakaahon na sa kahirapan.  Ayon iyan sa Philippine Statistics Authority (o PSA). Bumagsak sa 9.7%

Read More »

Inhustisya sa gitna ng krisis sa klima

 324,937 total reads

 324,937 total reads Mga Kapanalig, nakikiramay tayo sa mga taga-Nepal Matapos ang isang nakapanlulumong trahedyang nangyari doon. Noong nakaraang linggo, magkasunod na flash floods at mudslides

Read More »

Watch Live

RELATED ARTICLES

Scroll to Top