Pananaig ng kapayapaan sa Venezuela, panawagan ni Pope Leo XIV

SHARE THE TRUTH

Send your Love Offering

SAVINGS ACCOUNT NAME

DZRV Radio Veritas Foundation, Inc.

  1. Metrobank Savings Account No.: 076-3-076270210
  2. Banco De Oro Savings Account No.: 001-630011876
  3. BPI Savings Account No.: 0213-3251-91
  4. PNB – Savings account No.: 105-910-013-091

 27,192 total reads

Iginiit ni Pope Leo XIV na dapat manaig ang kapakanan ng mamamayan ng Venezuela sa gitna ng patuloy na krisis na kinakaharap ng bansa.

Ito ang mensahe ng santo papa sa pagsiklab ng kaguluhan sa lugar kasabay ng panawagang wakasan ang karahasan at itaguyod ang katarungan, kapayapaan, at paggalang sa karapatang pantao.

“The good of the beloved Venezuelan people must prevail over every other consideration. This must lead to the overcoming of violence, and to the pursuit of paths of justice and peace,” ayon sa pahayag ni Pope Leo XIV.

Batay sa ilang ulat, sumiklab ang kaguluhan sa Venezuela noong January 3 kasunod ng mga alegasyon ng Amerika laban kay Venezuela President Nicolás Maduro, na iniuugnay sa pamumuno sa isang “narco-terrorist” network, mga paratang na mariing itinanggi ng pamahalaan ng Venezuela.

Sinabi ni Pope Leo na nawa’y mawakasan ang karahasang nangyayari sa Venezuela at piliing hanapin ang landas ng katarungan at kapayapaan na nakaugat sa paggalang sa soberanya ng bansa at sa umiiral na batas at Konstitusyon sa lugar.

“Guaranteeing the sovereignty of the country, ensuring the rule of law enshrined in its Constitution, [and] respecting the human and civil rights of each and every person,” ayon pa sa santo papa.

Dalangin ni Pope Leo ang katiwasayan sa bansa at manumbalik ang pagbubuklod tungo sa kapayapaan at pag-unlad lalo na sa mga dukha na lubhang naapektuhan sa kasalukuyang kaguluhan sa lugar. Ipinagkatiwala ng santo papa sa pamamatnubay ng Our

Lady of Coromotoat mga panalangin nina Saints José Gregorio Hernández at Carmen Rendiles ang kalagayan ng Venezuela.

Samantala, napaabot din ni Pope Leo XIV ang kanyang pakikiramay at panalangin sa mga biktima ng trahedya sa Crans-Montana, Switzerland, na ikinasawi ng 40 katao na karamihan ay mga kabataan.

“I assure them of my prayers for the young people who died, for the injured, and for their families,” ayon sa santo papa.
Muling nanawagan ang Santo Papa sa buong mundo na patuloy na manalangin at magpakita ng pakikiisa sa mga mamamayang dumaranas ng digmaan, karahasan, at iba’t ibang anyo ng pagdurusa, bilang patunay ng pananampalataya sa Diyos ng kapayapaan.

BE OUR PARTNERS

THIS PORTION IS BROUGHT YOU BY

ADVOCATE

Radyo Veritas Advocacy Category by Author

Veritas Editorial

Picture of Rev. Fr. Anton CT Pascual

Rev. Fr. Anton CT Pascual

Fashion show sa baha

 7,795 total reads

 7,795 total reads Mga Kapanalig, ano ang datíng kapag ang mga pulitiko na nakikiramay sa mga binaha ay nakasuot ng mamahaling damit? Ang Pampanga ay ang

Read More »

Perwisyo sa NLEx

 32,014 total reads

 32,014 total reads Mga Kapanalig, napagsabihan na ba kayo nito: “kung ayaw mong ma-traffic, umalis ka nang maaga.” Pero paano kung umalis ka nga nang maaga,

Read More »

Pagod na pagod

 68,515 total reads

 68,515 total reads Mga Kapanalig, pagod na pagod na raw si Senador Juan Miguel Zubiri sa sobrang siksik na schedule niya tuwing pumapasok sa Mataas na

Read More »

Kahirapan sa bansa

 289,139 total reads

 289,139 total reads Mga Kapanalig, tinatayang anim na milyong Pilipino ang nakaahon na sa kahirapan.  Ayon iyan sa Philippine Statistics Authority (o PSA). Bumagsak sa 9.7%

Read More »

Inhustisya sa gitna ng krisis sa klima

 323,365 total reads

 323,365 total reads Mga Kapanalig, nakikiramay tayo sa mga taga-Nepal Matapos ang isang nakapanlulumong trahedyang nangyari doon. Noong nakaraang linggo, magkasunod na flash floods at mudslides

Read More »

Watch Live

RELATED ARTICLES

Scroll to Top