Manindigan sa katotohanan at mamuhay ng tapat, panawagan ng mga Obispo sa mamamayan 

SHARE THE TRUTH

Send your Love Offering

SAVINGS ACCOUNT NAME

DZRV Radio Veritas Foundation, Inc.

  1. Metrobank Savings Account No.: 076-3-076270210
  2. Banco De Oro Savings Account No.: 001-630011876
  3. BPI Savings Account No.: 0213-3251-91
  4. PNB – Savings account No.: 105-910-013-091

 48,133 total views

Hinimok ng mga Obispo ng simbahang katolika ang mamamayang Pilipino na manalig sa panginoon , manindigan sa katotohanan at mamuhay ng tapat ngayong 2026.

Ipinagdarasal ni Taytay Palawan Bishop Broderick Pabillo na higit pang manalig sa panginoon ang mga Pilipino dahil hindi nito pababayaan ang kanyang sambayanan.

Ayon sa obispo, bagamat dinanas ng maraming Pilipino ang hirap noong 2025 dahil sa magkakasunod na bagyo, lindol, at mga nabunyag na katiwalian sa pamahalaan ay nananatiling tapat ang Diyos sa kanyang pangako.

Hinikayat din ni Bishop Pabillo ang mga mananampalataya na paigtingin ang mas pananalangin at pakikiisa sa simbahan upang sama-samang harapin at mapagtagumpayan ang anumang suliraning kinakaharap ng lipunan.

“Naging mahirap po ang 2025. Maraming lindol, patuloy ang digmaan, tumataas ang mga presyo, at nariyan ang korupsiyon—lantad na lamang tayong nagugulat sa laki ng mga halagang sangkot dito, ngunit lumipas din ang 2025. Ngayon, hindi natin alam kung ano ang dadalhin ng 2026. Ang alam lang natin ay hindi tayo pababayaan ng Diyos, He is Emmanuel, He is God, kaya makakaya po natin ang anumang dadalhin ng taong ito,” ayon sa panayam ng Radio Veritas kay Bishop Pabillo.

Habang, nanawagan si Borongan Bishop Crispin Varquez sa mga mananampalataya na pairalin ang katapatan, integridad, at paggalang sa dignidad ng tao sa gitna ng paglaganap ng kasinungalingan at fake news.

Iginiit ng obispo na si Kristo ang ating liwanag at tinatawag ang bawat isa na ipakita ang liwanag na ito sa araw-araw na pamumuhay sa pagpili ng katapatan kahit mas madali ang pandaraya, pamumuhay nang may integridad sa kabila ng umiiral na korapsyon, at matatag na pagtatanggol sa dangal ng bawat tao.

Sinabi ni Bishop Varquez na responsibilidad ng mamamayan na maghanap ng katotohanan mula sa mapagkakatiwalaang sanggunian at mismong pinanggagalingan ng impormasyon, sa halip na umasa sa bayad na social media narratives at pekeng balita.

Ayon sa obispo, ang maling impormasyon ay hindi lamang nakalilinlang kundi nakapipinsala rin sa lipunan at sa demokrasya.

“Christ is our light. He calls us to reflect that light in our own little ways: by choosing honesty when dishonesty seems easier, by living integrity when corruption surrounds us, by defending the dignity of the human person, by refusing to participate in any forms of moral compromise, by seeking the truth from reliable sources and firsthand information, not from paid social media narratives and fake news,” ayon naman sa mensaheng pinadala ni Bishop Varquez sa Radyo Veritas.

BE OUR PARTNERS

THIS PORTION IS BROUGHT YOU BY

ADVOCATE

Radyo Veritas Advocacy Category by Author

Veritas Editorial

Picture of Rev. Fr. Anton CT Pascual

Rev. Fr. Anton CT Pascual

Papalayô sa tunay na demokrasya

 23,847 total views

 23,847 total views Mga Kapanalig, patuloy ang gulo sa Senado, isang institusyong inaasahan nating kumakatawan sa ating mga hangarin at tumutugon sa ating mga pangangailangan.  Noong

Read More »

BAKIT BIGO ANG K-12?

 73,861 total views

 73,861 total views Kapanalig, ipinatupad ang K-12 program o K-12 educational curriculum noong 2013 sa bisa ng Republic Act No. 10533 or the Enhanced Basic Education

Read More »

MAGING PANAHON NAGUGULUHAN NA

 69,730 total views

 69,730 total views Kapanalig, ano ba ang nangyayari sa ating bayan? Sa Senado, litong-lito na ang maraming Pilipino… Hindi na malaman ng marami kung ano ang

Read More »

Baluktot na katotohanan

 105,517 total views

 105,516 total views Mga Kapanalig, unti-unting nawawala ang dignidad ng Senado sa harap mismo ng sambayanan. Sa isa sa mga plenaryo ng Senado noong nakaraang linggo,

Read More »

Handa na ba tayo sa Super El Niño?

 112,806 total views

 112,806 total views Mga Kapanalig, pakiramdam niyo rin ba na parang hindi na nawawala ang init mula umaga hanggang gabi? Kung hiráp na tayo sa panahon

Read More »

Watch Live

RELATED ARTICLES

Scroll to Top