Isabuhay ang kababaang-loob, panawagan ni Archbishop Uy sa mga sambayanang Pilipino

SHARE THE TRUTH

Send your Love Offering

SAVINGS ACCOUNT NAME

DZRV Radio Veritas Foundation, Inc.

  1. Metrobank Savings Account No.: 076-3-076270210
  2. Banco De Oro Savings Account No.: 001-630011876
  3. BPI Savings Account No.: 0213-3251-91
  4. PNB – Savings account No.: 105-910-013-091

 59,311 total reads

Hinimok ni Cebu Archbishop Alberto Uy ang mga mananampalataya na paigtingin ang buhay panalangin, isabuhay ang kababaang-loob, at panatilihin ang pagkakaisa upang higit na maunawaan ang dakilang pag-ibig ng Diyos sa sangkatauhan.

Ito ang mensahe ng arsobispo sa kanyang homiliya sa pagdiriwang ng Dakilang Kapistahan ng Pagpapakita ng Panginoon, kasabay ng paglulunsad ng Bamboo Church Project ng St. Vincent Ferrer Chaplaincy sa Barangay Cabawan, Tagbilaran City.

Ipinaliwanag ni Archbishop Uy na tulad ng Tatlong Pantas sa Ebanghelyo, kinakailangang sundin ng tao ang liwanag na gumagabay patungo kay Hesus upang maunawaan ang tunay na pag-ibig ng Diyos.

“Ang taong marunong magpakumbaba ay nakauunawa sa pag-ibig ng Diyos. Ang taong hindi marunong magpakumbaba, tulad ni Herodes, ay hindi nakauunawa sa pag-ibig ng Diyos,” pahayag ni Archbishop Uy.

Binigyang-diin pa ni Archbishop Uy na inihayag ng Diyos ang Kanyang pag-ibig sa sanlibutan sa pamamagitan ng pagkakatawang-tao ni Hesukristo at ng Kanyang pakikiisa sa buhay ng sangkatauhan, lalo na sa gitna ng pagdurusa.

Ayon sa arsobispo, ang paglulunsad ng Bamboo Church Project ay hindi lamang pagtatayo ng gusali kundi isang kongkretong pagpapahayag ng pag-ibig ng tao sa Diyos.

Aniya, ang simbahan ay ang sambayanan ng Diyos, kaya’t mahalaga ang pagpapatatag ng ugnayan ng mga mananampalataya bilang isang buhay na Kristiyanong pamayanan.

“Ang Simbahan ay ang sambayanan ng Diyos; ang ating misyon ay patatagin, palaguin, at paunlarin ang Kristiyanong pamayanan dito sa Cabawan,” dagdag pa ng arsobispo.

Itinampok din ni Archbishop Uy ang proyekto bilang anyo ng pananampalatayang may malasakit sa kalikasan.

Ayon sa kanya, ang paggamit ng kawayan sa pagtatayo ng simbahan ay pagsasabuhay ng pananagutan ng tao sa pangangalaga sa sangnilikha na ipinagkatiwala ng Diyos.

“Ihayag natin ang ating pagmamahal sa Diyos sa pamamagitan ng pangangalaga sa Kanyang kalikasan. Ang kawayan ay isa sa pinakamabisang sumisipsip ng carbon at malaking tulong sa paglaban sa global warming,” giit ni Archbishop Uy.

Binanggit din ng arsobispo na mula nang siya’y manungkulan bilang obispo ng Tagbilaran sa loob ng walong taon, madalas niyang binibisita ang Cabawan dahil sa mga inisyatiba ng pamayanan sa pagtatanim ng mga puno na isang pamana para sa susunod na henerasyon na magbibigay lilim, preskong hangin, at mas maayos na kapaligiran.

Ang itatayong Bamboo Church ang kauna-unahan sa lalawigan ng Bohol at inaasahang magkakaroon ng kapasidad na hanggang 1, 500 katao.

Ang proyekto ay pangungunahan ni Fr. Gerardo Saco katuwang, Tagbilaran Administrator at Vicar General katuwang si St. Vincent Ferrer Assistant Chaplain Fr. BGen (retired) Raul S. Ciño na idinisenyo ng arkitektong si Erven Digal, at sinusuportahan ng United Bohol Bamboo Advocates, Inc.

Inaasahang magsisilbing huwaran ang proyekto ng Bamboo Church sa pagsasanib ng pananampalataya, pagkakaisa ng pamayanan, at pangangalaga sa kalikasan.

SLP, nakahanda sa national LAIKO assembly

 16,464 total reads

 16,464 total reads Nakahanda na ang Sangguniang Laiko ng Pilipinas, implementing arm ng CBCP-Episcopal Commission on the Laity para sa kauna-unahang National LAIKO Assembly. Nakatakda ang

Read More »

BE OUR PARTNERS

THIS PORTION IS BROUGHT YOU BY

ADVOCATE

Radyo Veritas Advocacy Category by Author

Veritas Editorial

Picture of Rev. Fr. Anton CT Pascual

Rev. Fr. Anton CT Pascual

LEADERSHIP PROBLEM

 34,340 total reads

 34,340 total reads Kapanalig, nahaharap sa kasalukuyan sa samu’t-saring suliranin ang ating bayan. Hindi pa tapos ang problema sa matinding epekto ng oil crisis, tumaas na

Read More »

GUILTY?

 74,228 total reads

 74,228 total reads Nakatanggap ang House prosecution panel ng ulat mula sa social media na maaring humingi ng “compromise agreement” ang defense panel ni VP Sara

Read More »

Bunga ng araw-araw na karahasan

 108,355 total reads

 108,355 total reads Mga Kapanalig, nitong mga nakaraang linggo, nagkaroon ng malawakang kilos-protesta sa mga bansa sa Europa gaya ng France, Italy, Spain, at Portugal. Ilan

Read More »

Umaalis ang mga nars

 164,761 total reads

 164,761 total reads Mga Kapanalig, may ganitong tanong sa isang sikat na kanta: “Napakaraming nars dito sa amin, ngunit bakit tila walang natira?” Ang sagot? “Nag-a-abroad

Read More »

Watch Live

RELATED ARTICLES

Scroll to Top