400-taong anibersaryo ng Nuestra Señora de la Paz y Buen Viaje, pinaghahandaan ng Diocese of Antipolo

SHARE THE TRUTH

Send your Love Offering

SAVINGS ACCOUNT NAME

DZRV Radio Veritas Foundation, Inc.

  1. Metrobank Savings Account No.: 076-3-076270210
  2. Banco De Oro Savings Account No.: 001-630011876
  3. BPI Savings Account No.: 0213-3251-91
  4. PNB – Savings account No.: 105-910-013-091

 53,375 total reads

Puspusan ang paghahanda ng Diocese of Antipolo, partikular ng International Shrine of Our Lady of Peace and Good Voyage o Antipolo Cathedral, para sa pagdiriwang ng ika-400 anibersaryo ng pagdating ng mapaghimalang imahe ng Nuestra Señora de la Paz y Buen Viaje at ika-100 anibersaryo ng kanyang canonical coronation ngayong taon.

Ayon kay Bishop Ruperto Santos, kura paroko ng dambana, kabilang sa mga pangunahing proyekto ng diyosesis ang pagsasaayos ng Camarín ng Mahal na Birhen, na sisimulan sa February 11 at target na matapos bago ang unang Martes ng Mayo, kasabay ng pagsisimula ng pilgrimage season sa Antipolo.

“As we joyfully celebrate the 400th anniversary of the arrival of the miraculous image and the 100th anniversary of her canonical coronation, we present to her our heartfelt gifts, signs of our love, gratitude, and devotion,” pahayag ni Bishop Santos.

Dagdag ng obispo, layon ng pagsasaayos na higit pang maging daluyan ng panalangin at pag-asa ang banal na silid ng Birhen ng Antipolo para sa libo-libong debotong dumadalaw sa damban taun-taon.

“May this renewed Camarín become a place where countless hearts find peace, healing, and hope under her maternal gaze,” ani Bishop Santos.
Kasabay nito, inihayag din ng obispo ang muling pagtatayo ng Museo de la Nuestra Señora de la Paz y Buen Viaje, na magsisilbing tahanan ng kasaysayan, debosyon, at pamana ng pananampalataya ng mga Pilipino.

Magsisimula ang konstruksyon sa unang Martes ng Hulyo at target na matapos bago ang November 28 bilang pagtatapos ng Diocesan Jubilee.

“Our third gift is the rebuilding of the Museo de la Nuestra Señora de la Paz y Buen Viaje, a home for memory, devotion, and heritage. This museum will stand as a testament to her enduring presence in our history and in the lives of her devoted children,” ayon sa obispo.

Kabilang rin sa tampok na mga proyekto ng jubilee ang stained glass artwork na naglalarawan ng siyam na mahahalagang yugto sa kasaysayan ng Birhen ng Antipolo, mula sa pagdating ng mga unang misyonero, sa paglalakbay ng imahe sakay ng mga galyon, hanggang sa patuloy na tradisyon ng Alay Lakad na dinadaluhan ng milyun-milyong deboto mula sa iba’t ibang panig ng bansa.
Batay sa kasaysayan, noong 1578 dumating ang mga Franciscano bilang unang misyonerong nagsagawa ng ebanghelisasyon sa lalawigan ng Rizal. Noong 1626, dumaong sa bansa ang galleon El Almirante mula Acapulco, Mexico bitbit ang imahe ng Birhen ng Antipolo.

Taong 1633 nang ipagkatiwala ang imahe sa mga Heswita sa San Ignacio Church sa Maynila.

Noong 1639, sa panahon ng Chinese uprising, sinunog ang Antipolo subalit nanatiling buo ang imahe sa kabila ng mga tama ng sibat at itak, mga bakas na itinuturing na tahimik na saksi ng proteksyon ng Diyos.

Mula 1641 hanggang 1746, sinamahan ng imahe ang limang galyon sa pitong mapayapang paglalayag sa pagitan ng Maynila at Acapulco, dahilan upang kilalaning pintakasi ng mga manlalakbay.
Sa panahon ng Ikalawang Digmaang Pandaigdig, pansamantalang inilagak ang imahe sa Sitio Colaique bago dalhin sa St. John the Baptist Parish sa Quiapo, na ngayon ay Minor Basilica and National Shrine of Jesus Nazareno.

Noong 1945, tuluyan itong naibalik at nailuklok sa dambana ng Antipolo Cathedral.

Hinimok ni Bishop Santos ang mga mananampalataya na makiisa sa patuloy na misyon ng simbahan, hindi lamang bilang mga saksi sa kasaysayan kundi bilang aktibong bahagi ng patuloy na paglalakbay ng pananampalataya.

“Our journey continues, alive, unfolding, and filled with grace,” ayon pa kay Bishop Santos.

SLP, nakahanda sa national LAIKO assembly

 16,489 total reads

 16,489 total reads Nakahanda na ang Sangguniang Laiko ng Pilipinas, implementing arm ng CBCP-Episcopal Commission on the Laity para sa kauna-unahang National LAIKO Assembly. Nakatakda ang

Read More »

BE OUR PARTNERS

THIS PORTION IS BROUGHT YOU BY

ADVOCATE

Radyo Veritas Advocacy Category by Author

Veritas Editorial

Picture of Rev. Fr. Anton CT Pascual

Rev. Fr. Anton CT Pascual

LEADERSHIP PROBLEM

 34,373 total reads

 34,373 total reads Kapanalig, nahaharap sa kasalukuyan sa samu’t-saring suliranin ang ating bayan. Hindi pa tapos ang problema sa matinding epekto ng oil crisis, tumaas na

Read More »

GUILTY?

 74,259 total reads

 74,259 total reads Nakatanggap ang House prosecution panel ng ulat mula sa social media na maaring humingi ng “compromise agreement” ang defense panel ni VP Sara

Read More »

Bunga ng araw-araw na karahasan

 108,386 total reads

 108,386 total reads Mga Kapanalig, nitong mga nakaraang linggo, nagkaroon ng malawakang kilos-protesta sa mga bansa sa Europa gaya ng France, Italy, Spain, at Portugal. Ilan

Read More »

Umaalis ang mga nars

 164,792 total reads

 164,792 total reads Mga Kapanalig, may ganitong tanong sa isang sikat na kanta: “Napakaraming nars dito sa amin, ngunit bakit tila walang natira?” Ang sagot? “Nag-a-abroad

Read More »

Watch Live

RELATED ARTICLES

Scroll to Top