Veritas PH

The WORD. The TRUTH.

Jubilee churches, binuksan ng Diocese of Antipolo

SHARE THE TRUTH

 16,331 total views

Binuksan ng Diocese of Antipolo ang mga Jubilee Churches bilang ng pagdiriwang ng Taon ng Hubileyo sa ika – 400 anibersaryo ng pagdating ng mapaghimalang imahe ng Nuestra Señora de la Paz y Buen Viaje at ng kanyang ika – 100 anibersaryo ng canonical coronation.

Ayon kay Bishop Ruperto Santos, kura paroko ng International Shrine of Our Lady of Peace and Good Voyage ito ay hindi lamang paglalakbay sa mga banal na lugar kundi isang mas malalim na panawagan ng pananampalataya at misyon.

Sa kanyang mensahe, binigyang-diin ng obispo na ang hubileyo ay paalala sa pagkakakilanlan ng Simbahan bilang sambayanang sama-samang naglalakbay at nakikibahagi sa mga gawain ni Hesus sa sanlibutan.

“As the Diocese of Antipolo opens the doors of its Jubilee Churches, we enter not only a year of celebration but a year of grace; one that draws us back into the heart of our history, our identity, and our mission as a pilgrim people… We are a pilgrim Church, yes, but we are also a missionary Church,” pahayag ni Bishop Santos.

Ipinaliwanag ng obispo na ang pagbubukas ng anim na Jubilee Churches mula sa hilaga, timog, silangan at kanluran ng lalawigan ng Rizal ay sagisag ng nagkakaisang Simbahang naglalakbay bilang iisang pamilya ng Diyos.

Aniya, ang mga simbahang ito ay nagsisilbing mga “beacon of faith” at patunay ng patuloy na pag-ibig ng Diyos sa Kanyang bayan.

“As pilgrims set foot in these sacred places, they will encounter not only the beauty of architecture or the richness of tradition, but the living presence of Christ in His people… This Jubilee is not simply about travelling from one church to another. It is about journeying inward, allowing God to renew our hearts,” ani ng obispo.

Iniuugnay ni Bishop Santos ang diwa ng hubileyo sa karanasan ng mga alagad sa gitna ng bagyo, kung saan ang presensya ni Hesus ang nagdulot ng kapayapaan.

“For us, peace comes when we allow Him to step into our lives,” dagdag pa ng obispo.

Tinukoy ng obispo na ang pagdiriwang sa mahigit 400 taong kasaysayan ng debosyon sa Nuestra Señora de la Paz y Buen Viaje na patuloy gumagabay sa mga Pilipino sa gitna ng mga hamon ng buhay.

“For four centuries, the beloved image of Nuestra Señora de la Paz y Buen Viaje has journeyed with our ancestors—across oceans, through storms, amid uncertainties,” dagdag ni Bishop Santos.
Hinimok ng obispo ang mga mananampalataya na gamiting pagkakataon ang hubileyo upang isabuhay ang pananampalataya sa konkretong paglilingkod sa kapwa.

Iginiit ni Bishop Santos na bukod sa makainang proteksyon ng Mahal na Birhen ng Antipolo ay nananawagan din itong dalhin ang Mabuting Balita sa mga pamilya, pamayanan, mahihirap, kabataan at matatanda.

“This Jubilee is also a call to mission. The Blessed Mother does not simply protect us; she sends us. Just as she accompanied the galleons to new lands, she accompanies us as we bring the Gospel to our families, our workplaces, our barangays, the poor and forgotten, the young searching for meaning, and the elderly longing for consolation,” diin ni Bishop Santos.

Dalangin ni Bishop Santos ang pagkakaisa ng buong diyosesis, lalo na sa pagtatagpo ng mga peregrino mula sa iba’t ibang panig ng lalawigan.

Nawa’y sa paglalakbay na ito ay muling matutuklasan ng mga mananampalataya na sila ay iisang katawan kay Kristo, tinipon ng Mahal na Ina tungo sa kapayapaan, kagalingan, at panibagong pag-asa.

Veritas Editorial

Rev. Fr. Anton CT Pascual

Rev. Fr. Anton CT Pascual

Move people, not cars

 371,080 total views

 371,080 total views Mga Kapanalig, kasabay ng panahon ng Kapaskuhan ay ang taun-taong Christmas rush na nagdudulot ng napakatinding trapiko. Naranasan ba ninyo ito nitong mga

Read More »

Karapatan ang kalusugan

 388,048 total views

 388,048 total views Mga Kapanalig, tinaasan pa ng bicameral conference committee ang budget na inilaan sa Medical Aid for Indigent and Financially Incapacitated Patients Program (o

Read More »

Kailan maaabot ang kapayapaan sa WPS?

 403,876 total views

 403,876 total views Mga Kapanalig, kahit sa sarili nating karagatan, tila hindi ligtas ang mga mangingisdang Pilipino. Sa pagpasok ng Disyembre, tinarget ng mga barko ng

Read More »

Libreng gamot para sa mental health

 493,449 total views

 493,449 total views Mga Kapanalig, isa sa mga magandang balitang narinig natin ngayong taon ang pagpapalakas ng mga serbisyo para sa mental health.  Inanunsyo noong Hunyo

Read More »

Atapang atao pero atakbo?

 511,615 total views

 511,615 total views Mga Kapanalig, hanggang sa mga oras na isinusulat natin ang editoryal na ito, hindi pa rin nakikita kahit ang anino ni Senador Ronald

Read More »

Watch Live

LATEST NEWS

Cultural
Marian Pulgo

Pagbabago sa Traslacion 2027, inaasahan

 33,235 total views

 33,235 total views Tiniyak ng pamunuan ng Quiapo Church ang pagkakaroon muli ng pagbabago sa gagawing pagdiriwang ng Traslacion ng Nuestro Padre Jesus Nazareno para sa

Read More »

RELATED ARTICLES

Scroll to Top