Episcopal Vicars at Vicar Forane, pinaalalahanan ni Archbishop Uy

SHARE THE TRUTH

Send your Love Offering

SAVINGS ACCOUNT NAME

DZRV Radio Veritas Foundation, Inc.

  1. Metrobank Savings Account No.: 076-3-076270210
  2. Banco De Oro Savings Account No.: 001-630011876
  3. BPI Savings Account No.: 0213-3251-91
  4. PNB – Savings account No.: 105-910-013-091

 62,850 total reads

Pinaalalahanan ni Cebu Archbishop Alberto Uy ang mga Episcopal Vicar at Vicar Forane ng Archdiocese of Cebu na ang kanilang tungkulin ay hindi isang karangalan kundi isang mabigat at mahalagang misyon ng pakikibahagi sa pastoral na pananagutan ng arsobispo para sa sambayanan ng Diyos.

Ito ang mensahe ni Archbishop Uy sa isinagawang Governance Team Orientation sa Archbishop’s Residence sa Cebu City nitong Enero 6.

Binigyang-diin ng arsobispo na ang kanyang pakikipagpulong sa mga vicar ay hindi bilang mga tagapangasiwa kundi bilang mga pastol na pinagkatiwalaang mangalaga sa kawan ng Panginoon.

“To be an Episcopal Vicar or a Vicar Forane is not a decoration; it is a participation in the bishop’s pastoral heart. You do not simply represent my authority. You share my burden, my concern, my sleepless nights, and my hope for our people,” pahayag ni Archbishop Uy.

Nagbabala ang arsobispo laban sa pamumunong pormal ngunit kulang sa malasakit at moral na kredibilidad, isang uri ng pamumunong nagdudulot ng pagkakawalay sa pagitan ng mga pari at ng mga mananampalataya sa mga distrito at bikaryato.

Iginiit ni Archbishop Uy na mahalagang maipadama ng mga vicar ang diwa ng pakikipagkapatiran sa paglilingkod, sapagkat higit na kailangan ng mga pari ang presensiya ng mga lider na marunong makinig, umalalay, at magwasto nang may pag-ibig.

“A good vicar does not wait for problems to explode. He walks early with his brothers, especially the quiet ones. A priest rarely leaves because of too much work. He leaves because he feels alone,” ani ng arsobispo.

Hinimok din ni Archbishop Uy ang mga vicar na maging tulay at hindi hadlang sa komunikasyon sa pagitan ng obispo at ng kaparian, lalo na sa pagpapatupad ng mga pastoral na programa at direksiyon ng arkidiyosesis.

Binigyang-diin ng arsobispo na ang tunay na awtoridad sa pamumuno ay hindi nagmumula sa titulo kundi sa tiwalang ibinibigay ng kapwa pari; tiwalang hinuhubog ng panalangin, pagiging payak ng pamumuhay, at integridad sa ugnayan at paggamit ng yaman.

“Synodality will fail in Cebu if vicars become gatekeepers instead of bridge-builders. Priests do not follow you because you are appointed. They follow you because they trust you. In our time, when the Church is watched closely by society, we cannot afford leaders who are correct in policy but weak in witness,” giit ni Archbishop Uy.

Sa pagpapatuloy ng synodal journey ng Archdiocese of Cebu patungong 2034, hinamon ng arsobispo ang mga vicar na isulong ang mas malawak at mas misyong paglilingkod ng Simbahan, lampas sa pagiging komportable at nakasanayang gawain.

Nanawagan si Archbishop Uy ng sama-samang paglalakbay at bukas na diyalogo sa pamumuno ng lokal na Simbahan.
“I do not need perfect vicars. I need truthful, prayerful, courageous companions,” ayon pa sa arsobispo.

Iginiit ng arsobispo na ang kinabukasan ng lokal na Simbahan sa Cebu ay hindi lamang mahuhubog sa mga dokumento at plano, kundi sa kongkretong paraan ng pag-akay, pag-aalaga, at tahimik na pagsaksi ng mga vicar sa kapwa pari at sa mga mananampalataya.

SLP, nakahanda sa national LAIKO assembly

 15,559 total reads

 15,559 total reads Nakahanda na ang Sangguniang Laiko ng Pilipinas, implementing arm ng CBCP-Episcopal Commission on the Laity para sa kauna-unahang National LAIKO Assembly. Nakatakda ang

Read More »

BE OUR PARTNERS

THIS PORTION IS BROUGHT YOU BY

ADVOCATE

Radyo Veritas Advocacy Category by Author

Veritas Editorial

Picture of Rev. Fr. Anton CT Pascual

Rev. Fr. Anton CT Pascual

LEADERSHIP PROBLEM

 33,013 total reads

 33,013 total reads Kapanalig, nahaharap sa kasalukuyan sa samu’t-saring suliranin ang ating bayan. Hindi pa tapos ang problema sa matinding epekto ng oil crisis, tumaas na

Read More »

GUILTY?

 72,982 total reads

 72,982 total reads Nakatanggap ang House prosecution panel ng ulat mula sa social media na maaring humingi ng “compromise agreement” ang defense panel ni VP Sara

Read More »

Bunga ng araw-araw na karahasan

 107,109 total reads

 107,109 total reads Mga Kapanalig, nitong mga nakaraang linggo, nagkaroon ng malawakang kilos-protesta sa mga bansa sa Europa gaya ng France, Italy, Spain, at Portugal. Ilan

Read More »

Umaalis ang mga nars

 163,515 total reads

 163,515 total reads Mga Kapanalig, may ganitong tanong sa isang sikat na kanta: “Napakaraming nars dito sa amin, ngunit bakit tila walang natira?” Ang sagot? “Nag-a-abroad

Read More »

Watch Live

RELATED ARTICLES

Scroll to Top