San Sebastian church, handa na sa tradisyunal na DUNGAW

SHARE THE TRUTH

Send your Love Offering

SAVINGS ACCOUNT NAME

DZRV Radio Veritas Foundation, Inc.

  1. Metrobank Savings Account No.: 076-3-076270210
  2. Banco De Oro Savings Account No.: 001-630011876
  3. BPI Savings Account No.: 0213-3251-91
  4. PNB – Savings account No.: 105-910-013-091

 60,955 total views

Nakahanda na ang Basilika Menor de San Sebastian para sa tradisyunal na Dungaw, isang makasaysayang bahagi ng pagdiriwang ng Kapistahan ng Nuestro Padre Jesus Nazareno sa January 9, 2026.

Sa pahayag ng dambana, muling masasaksihan ng mga deboto ang banal na pagtatagpo ng dalawang pintakasi ng Quiapo District, ang Nuestro Padre Jesus Nazareno at ang Nuestra Señora del Carmen de San Sebastián na sumasagisag sa pagkakaisa ng pananampalataya at malalim na debosyon ng mga mananampalataya.

Ayon sa basilica, magsisimula ang mga gawaing paghahanda sa January 8 matapos ang misa sa alas-6 ng gabi, kung kailan ibababa ang imahe ng Nuestra Señora del Carmen de San Sebastián mula sa Retablo Mayor at isasagawa ang isang prusisyon patungo sa Camarín ng basilica.

Sa mismong kapistahan ng Jesus Nazareno sa January 9, magkakaroon ng mga banal na misa sa alas-6 at alas-7 ng umaga. Isasara naman pansamantala ang tarangkahan ng basilica bilang paghahanda sa Dungaw, ang pagdating ng imahe ng Jesus Nazareno sa Plaza del Carmen kung saan isaagawa ang seremonyang panalangin sa pangunguna ng mga misyonerong Agustino Rekoleto.

Muling bubuksan ang basilica sa January 10 para sa regular na iskedyul ng mga misa sa alas-6 at alas-7 ng umaga, at alas-6 ng gabi.

Ibinalik ng mga Agustino Rekoleto ang tradisyunal na Dungaw noong 2014 matapos itong mahinto sa loob ng ilang dekada mula pa noong unang bahagi ng 1900s.

Sa mga nagdaang taon, lumaganap na rin ang ritwal hindi lamang sa Maynila kundi maging sa mga karatig-lalawigan ng Bulacan at Nueva Ecija.

Makabuluhan din ang kasaysayan ng debosyon sa Nuestra Señora del Carmen sa bansa.

Ang unang pinagpipitagang imahen ng Birhen del Carmen sa Pilipinas ay ipinagkaloob ng mga Discalced Carmelite sa mga Agustino Rekoleto sa Mexico noong 1618, na nagbunsod sa paglaganap ng debosyon sa Brown Scapular sa bansa. Noong 1991, ginawaran ang imahe ng Pontifical Coronation mula sa Vatican.

BE OUR PARTNERS

THIS PORTION IS BROUGHT YOU BY

ADVOCATE

Radyo Veritas Advocacy Category by Author

Veritas Editorial

Picture of Rev. Fr. Anton CT Pascual

Rev. Fr. Anton CT Pascual

Papalayô sa tunay na demokrasya

 22,167 total views

 22,167 total views Mga Kapanalig, patuloy ang gulo sa Senado, isang institusyong inaasahan nating kumakatawan sa ating mga hangarin at tumutugon sa ating mga pangangailangan.  Noong

Read More »

BAKIT BIGO ANG K-12?

 72,181 total views

 72,181 total views Kapanalig, ipinatupad ang K-12 program o K-12 educational curriculum noong 2013 sa bisa ng Republic Act No. 10533 or the Enhanced Basic Education

Read More »

MAGING PANAHON NAGUGULUHAN NA

 68,050 total views

 68,050 total views Kapanalig, ano ba ang nangyayari sa ating bayan? Sa Senado, litong-lito na ang maraming Pilipino… Hindi na malaman ng marami kung ano ang

Read More »

Baluktot na katotohanan

 103,900 total views

 103,900 total views Mga Kapanalig, unti-unting nawawala ang dignidad ng Senado sa harap mismo ng sambayanan. Sa isa sa mga plenaryo ng Senado noong nakaraang linggo,

Read More »

Handa na ba tayo sa Super El Niño?

 111,329 total views

 111,329 total views Mga Kapanalig, pakiramdam niyo rin ba na parang hindi na nawawala ang init mula umaga hanggang gabi? Kung hiráp na tayo sa panahon

Read More »

Watch Live

RELATED ARTICLES

Scroll to Top