Veritas PH

The WORD. The TRUTH.

Agarang aksyon, panawagan ng Bicol priests sa mga hindi natapos na kalsada sa Albay

SHARE THE TRUTH

 3,626 total views

Nanawagan ng agarang aksyon ang mga pari ng Society of Our Lady of the Most Holy Trinity (SOLT) kasama ang mga miyembro ng BARACAS Cluster ng Diyosesis ng Legazpi sa Albay, kaugnay ng mga hindi pa tapos na proyektong kalsada na umano’y nagpapalala sa pagbaha at naglalagay sa panganib sa buhay ng mga residente.

Nagmula ang mga pari sa mga parokya sa Rapu-Rapu, Cagraray, Batan, at San Miguel sa Albay.

Sa nagkakaisang pahayag na nilagdaan ng mga Pari ay kanilang iginiit na sa halip na magdala ng kaunlaran, ang mga hindi natatapos na imprastraktura ay nagiging dagdag na pasanin sa mga komunidad na matagal nang dumaranas ng kahirapan.

Ayon sa mga Pari, ang mga sira at hindi kumpletong kalsada ay humahadlang sa maayos na daloy ng tubig-ulan, na nagdudulot ng mas malalang pagbaha, habang ang pagkasira naman ng mga water source ay lalong nagpapahirap sa pang-araw-araw na pamumuhay ng mga pamilya.

“Our communities deserve roads that connect, not endanger; infrastructures that uplifts, not burdens; and leadership that acts with urgency, integrity, and genuine concern for the people.” Bahagi ng liham apela ng mga pari ng Society of Our Lady of the Most Holy Trinity (SOLT).

Binigyang-diin din ng mga pari, na ang mga mamamayan lalo na ang mga mahihirap ang una at pinaka-naapektuhan kapag ang mga proyekto ay napabayaan.

Hinimok naman ng mga pari ang mga kinauukulang ahensya ng pamahalaan na magbigay ng malinaw at regular na update sa estado ng mga proyekto, tiyakin ang mabilis at de-kalidad na pagtatapos ng mga kalsada, at agarang ayusin ang mga pinagkukunan ng tubig na mahalaga sa kalusugan at kaligtasan ng mga komunidad.

Bilang mga pastol ng Simbahan, iginiit ng mga Pari na bahagi ng pananampalataya ang pagtataguyod ng buhay, dignidad, at kapakanan ng mamamayan, gayundin ang tunay na pag-unlad na may ganap na pagmamalasakit sa tao at maging sa kalikasan.

“Moved by pastoral concern and united in mission to uphold the dignity and welfare of the communities entrusted to our care, we come together to raise this urgent appeal. Our intentions is not political, but moral. It is rooted in compassion, justice, and the responsibility we all share in safeguarding our people from harm.” Paglilinaw ng mga Pari ng diyosesis.

Partikular na nanawagan ang mga Pari kay Governor Noel Rosal at sa iba pang lokal na opisyal ng pamahalaan sa Albay, gayundin sa mga opisyal ng Department of Public Works and Highways at Department of Environment and Natural Resources.

 

Veritas Editorial

Rev. Fr. Anton CT Pascual

Rev. Fr. Anton CT Pascual

Huwag gawing normal ang korapsyon

 8,028 total views

 8,028 total views Mga Kapanalig, kasama nating tumawid sa 2026 ang isyu ng korapsyon. Wala pa ring napananagot na malalaking isda, ‘ika nga, sa mga sangkot

Read More »

Kaunlarang may katarungan

 115,801 total views

 115,801 total views Mga Kapanalig, nagdiriwang ang mga vendors ng Baguio City Public Market matapos umatras ang SM Prime Holdings sa planong redevelopment ng pamilihan. Patunay

Read More »

Panalo para sa edukasyon?

 139,585 total views

 139,585 total views Mga Kapanalig, ngayong 2026, naglaan ang pamahalaan ng mahigit isang trilyong piso para sa Department of Education (o DepEd) at mga attached agencies

Read More »

Kasakiman at karahasan

 151,776 total views

 151,776 total views Mga Kapanalig, ilang araw pa lang nang salubungin ng buong mundo ang taóng 2026, binulaga ang lahat ng tinatawag na “large-scale strike” ng

Read More »

Lingkod-bayan, hindi idolo

 336,971 total views

 336,971 total views Mga Kapanalig, ano ang isasagot ninyo sa tanong na ito: maaari bang pakisabi kung gaano kalaki o kaliit ang inyong pagtitiwala kay Pangulong

Read More »

Watch Live

LATEST NEWS

RELATED ARTICLES

Scroll to Top