Logo sculpture ng World Youth Day 2027, binasbasan

SHARE THE TRUTH

Send your Love Offering

SAVINGS ACCOUNT NAME

DZRV Radio Veritas Foundation, Inc.

  1. Metrobank Savings Account No.: 076-3-076270210
  2. Banco De Oro Savings Account No.: 001-630011876
  3. BPI Savings Account No.: 0213-3251-91
  4. PNB – Savings account No.: 105-910-013-091

 35,780 total views

Binasbasan ng Archdiocese of Seoul sa South Korea ang Logo Sculpture para sa World Youth Day 2027.

Pinangunahan ni Archbishop Peter Soon-taick Chung, Chairperson ng WYD Organizing Committee ang rito ng pagbasbas na ginanap sa Myeongdong Cathedral noong January 20, 2026.

Sa pahayag ng arsobispo na inilathala sa official Facebook page ng World Youth Day sinabi nitong ipinaalala sa mga logo sculptures ang bokasyon ng bawat isa sa paghahanda para sa pandaigdigang pagtitipon ng mga kabataan.

“The sculptures bearing the names of each diocese will remind all those preparing for the WYD of their vocation and the grace they have received… Let us devote ourselves wholeheartedly to preparing this festival of youth that welcomes young people from all over the world,” ayon sa pahayag ng arsobispo.

Ang logo sculpture ay idinesenyo ni Jung hoon Cho na isang youth volunteer gamit ang mga recyclable materials bilang pakikiisa sa adbokasiya at adhikain ng simbahan sa wastong pangangalaga ng kalikasan at sangnilikha.

Kasabay ng pagbabasbas ang pagsisimula ng domestic pilgrimage ng WYD symbols o ang Krus at imahen ng Salus Populi Romani.

Magtatapos ang domestic pilgrimage ng WYD symbols sa May 30, 2027 kung saan tema sa malawakang pagtitipon ng mga kabataan ang “Take courage! I have overcome the world” na hango sa ebanghelyo ni San Juan 16:33.

BE OUR PARTNERS

THIS PORTION IS BROUGHT YOU BY

ADVOCATE

Radyo Veritas Advocacy Category by Author

Veritas Editorial

Picture of Rev. Fr. Anton CT Pascual

Rev. Fr. Anton CT Pascual

PAG-ASA

 53,614 total views

 53,614 total views Kapanalig, tayong mga Pilipino ay patuloy na kumakapit sa Pag-asa (Hope). Nang ma-appoint si dating DOJ secretary Crispin Remulla na Ombudsman noong October

Read More »

VP Sara

 75,619 total views

 75,619 total views Kapanalig, mayroong kasabihan na walang lihim na hindi nabubunyag! Nabunyag sa pagdinig ng House Committee on Justice na dumidinig sa impeachment complaint na

Read More »

Itigil ang pagdanak ng dugo

 99,961 total views

 99,961 total views Mga Kapanalig, 19 na katao ang pinagpapatay sa bayan ng Taboso sa Negros Occidental noong ika-19 ng Abril.  Mahigit anim na raang residente

Read More »

Palabas ba ang giyera kontra droga?

 123,033 total views

 123,033 total views Mga Kapanalig, patuloy ang pagdinig ng House Committee on Justice para alamin ang probable cause para ma-impeach si Vice President Sara Duterte. Noong

Read More »

Instrumento ng karahasan

 154,692 total views

 154,692 total views Mga Kapanalig, may panibago na namang bahid sa imahe ng kapulisan. Hindi pa nga nila lubusang nalilinis ang kanilang hanay mula sa pagiging

Read More »

Watch Live

RELATED ARTICLES

Scroll to Top