Tunay na synodal church, nakikipagdayalogo at nakikinig-Bishop Ayuban

SHARE THE TRUTH

Send your Love Offering

SAVINGS ACCOUNT NAME

DZRV Radio Veritas Foundation, Inc.

  1. Metrobank Savings Account No.: 076-3-076270210
  2. Banco De Oro Savings Account No.: 001-630011876
  3. BPI Savings Account No.: 0213-3251-91
  4. PNB – Savings account No.: 105-910-013-091

 49,326 total reads

Nanindigan ang mga lider ng Simbahan sa Pilipinas na ang mas malalim na diyalogo, pakikinig, at wastong paggamit ng awtoridad ay susi sa pagtatatag ng isang tunay na sinodal na Simbahan.

Ito ang binigyang-diin sa Day of Encounter ng mga obispo ng Catholic Bishops’ Conference of the Philippines at ng mga kasapi ng Conference of Major Superiors in the Philippines, ikalawang pagkakataon na nagtipon ang dalawang grupo upang palalimin ang ugnayan at pagtutulungan sa misyon ng Simbahan.

Ayon kay Cubao Bishop Elias Ayuban Jr., chairperson ng CBCP Episcopal Commission on Mutual Relations between Bishops and Religious, hindi maaaring umiral ang tunay na pagtutulungan kung hindi bukas sa pakikinig ang magkabilang panig.

“There can be no true collaboration where dialogue is absent, listening is neglected, or authority is exercised in a domineering manner,” ayon kay Bishop Ayuban.

Binigyang-diin ng obispo na ang pagkasira ng ugnayan sa loob ng Simbahan ay madalas nagmumula sa maling pag-unawa at paggamit ng awtoridad.

“Mutual relations are undermined when autonomy is confused with independence or when compliance replaces genuine communion,” dagdag ng obispo.

Iginiit ni Bishop Ayuban na ang pagpapatibay ng ugnayan ay hindi lamang pananagutan ng isang sektor.

Hinikayat ng obispo ang mga consecrated men and women na manatiling tapat sa kanilang bokasyon, habang umapela naman sa mga obispo na maging mapagkalinga at malapit sa kanilang kawan bilang mga pastol ng Simbahan.

“In exercising our office of father and pastor, we should stand in the midst of our people as those who serve… We are called to remain close to our people, like shepherds who ‘carry the smell of the sheep,’” giit ng obispo.

Bilang kongkretong hakbang, iminungkahi ni Bishop Ayuban ang pagtatalaga ng vicar o delegado para sa mga consecrated persons sa bawat diyosesis upang higit pang mapalakas ang koordinasyon at ugnayan sa lokal na Simbahan.

Samantala, binigyang-diin naman ni Fr. Lino Gregorio Redoblado, OFM, Chairperson ng Conference of Major Superiors in the Philippines, na ang sabayang paglalakbay ng mga obispo at ng mga nasa buhay-relihiyoso ay isang makapangyarihang tanda ng pagiging tapat ng Simbahan sa misyon ni Hesus.

“To walk together, therefore, is already a prophetic act. It proclaims that the Church is awake, attentive, and ready to stand with those who suffer,” ani Fr. Redoblado.

Iniuugnay ng pari ang diwa ng synodality sa kongkretong pagtugon ng Simbahan sa mga sugat ng lipunan, kabilang ang katiwalian, kahirapan, at pagkasira ng kalikasan, mga suliraning higit na nagpapabigat sa kalagayan ng mahihirap.

“Our nation continues to be wounded by corruption and poverty, and by the wanton exploitation of the environment… If we hesitate too long, silence may be mistaken for indifference,” babala ni Fr. Redoblado.

Iginiit pa ng pari na ang tunay na reporma sa Simbahan ay nagsisimula sa ugnayan at hindi lamang sa mga istruktura, aminado man na ang Simbahan mismo ay patuloy na hinahamon sa loob at labas.

“It is not structure that makes things possible, but relationship… These are not failures, but graces, reminding us that synodality is a pilgrimage: sometimes brisk, sometimes slow, but always shared,” ayon sa pari.

Muling pinagtibay ng Day of Encounter ang paninindigan ng Simbahan sa Pilipinas na maglakbay nang magkakasama ang mga obispo, kaparian, at mga consecrated men and women para sa iisang misyon, ang tumindig at makilakbay kasama ng mga nagdurusa, tungo sa mas malalim na komunyon at tapat na paglilingkod.

Isinagawa ang Day of Encounter sa De La Salle University – Taft noong January 23, 2026 bilang bahagi ng 131st CBCP Plenary Assembly.

SLP, nakahanda sa national LAIKO assembly

 11,301 total reads

 11,301 total reads Nakahanda na ang Sangguniang Laiko ng Pilipinas, implementing arm ng CBCP-Episcopal Commission on the Laity para sa kauna-unahang National LAIKO Assembly. Nakatakda ang

Read More »

BE OUR PARTNERS

THIS PORTION IS BROUGHT YOU BY

ADVOCATE

Radyo Veritas Advocacy Category by Author

Veritas Editorial

Picture of Rev. Fr. Anton CT Pascual

Rev. Fr. Anton CT Pascual

LEADERSHIP PROBLEM

 25,707 total reads

 25,707 total reads Kapanalig, nahaharap sa kasalukuyan sa samu’t-saring suliranin ang ating bayan. Hindi pa tapos ang problema sa matinding epekto ng oil crisis, tumaas na

Read More »

GUILTY?

 66,284 total reads

 66,284 total reads Nakatanggap ang House prosecution panel ng ulat mula sa social media na maaring humingi ng “compromise agreement” ang defense panel ni VP Sara

Read More »

Bunga ng araw-araw na karahasan

 100,411 total reads

 100,411 total reads Mga Kapanalig, nitong mga nakaraang linggo, nagkaroon ng malawakang kilos-protesta sa mga bansa sa Europa gaya ng France, Italy, Spain, at Portugal. Ilan

Read More »

Umaalis ang mga nars

 156,817 total reads

 156,817 total reads Mga Kapanalig, may ganitong tanong sa isang sikat na kanta: “Napakaraming nars dito sa amin, ngunit bakit tila walang natira?” Ang sagot? “Nag-a-abroad

Read More »

Watch Live

RELATED ARTICLES

Scroll to Top