Manila Archdiocesan Ecclesial Assembly, itinakda ng Archdiocese of Manila

SHARE THE TRUTH

Send your Love Offering

SAVINGS ACCOUNT NAME

DZRV Radio Veritas Foundation, Inc.

  1. Metrobank Savings Account No.: 076-3-076270210
  2. Banco De Oro Savings Account No.: 001-630011876
  3. BPI Savings Account No.: 0213-3251-91
  4. PNB – Savings account No.: 105-910-013-091

 56,429 total reads

Magbubuklod ang Archdiocese of Manila upang talakayin at pagtibayin ang mga programa at hakbang sa pagpapalakas ng ebanghelisasyon, alinsunod sa ipinatutupad na Traslacion Roadmap.

Isasagawa ang Manila Archdiocesan Ecclesial Assembly (MAEA) 2026 sa February 9–10, 2026 sa The Fifth, Power Plant Mall, Makati City.

Muling iginiit ni Manila Chancellor Fr. Carmelo Arada Jr. ang paalala ni Cardinal Jose Advincula hinggil sa kahalagahan ng pagkakaisa at aktibong pakikilahok ng mga pari, relihiyoso, at layko ng arkidiyosesis sa pagbalangkas ng mga programang tumutugon sa pastoral at espirituwal na pangangailangan ng mga nasasakupan.

“His Eminence Jose F. Cardinal Advincula earnestly reiterates the importance of the participation of all the priests in the Archdiocese of Manila. As he emphasized in his invitation letter, the participation of the clergy “is not merely organizational but deeply pastoral, witnessing to our shared responsibility in shepherding the People of God entrusted to our care,” ayon sa pahayag ni Fr. Arada.

Magsisimula ang pagtitipon alas-otso ng umaga sa February 9 sa banal na misa na pangungunahan ni Cardinal Advincula. Susundan ito ng mga talakayan sa mga paksang “Perspective Setting: The Archdiocesan Roadmap: Traslacion—Who, What, How? Moving Forward Together,” ulat sa “Salya at Otso,” at “Conversations in the Spirit: Balangayan.”

Sa ikalawang araw, magkakaroon ng pagtatanod ng Banal na Sakramento at “Conversations in the Spirit: Traslacion,” gayundin ng mga ulat mula sa iba’t ibang grupo hinggil sa naging talakayan sa bawat itinakdang paksa. Magtatapos ang pagpupulong sa banal na misa at Rite of Commissioning.

Makikiisa rin sa MAEA 2026 ang mga kinatawan mula sa iba’t ibang sektor at ang komunidad ng consecrated life.

Ayon kay Fr. Arada, layon ng pagtitipon na patibayin ang ugnayan ng pamayanan tungo sa iisang hangaring isang simbahang sinodal—naglalakbay nang magkakasama sa iisang misyon.

“The MAEA 2026 will be a sacred space where we “prayerfully discern, review, discuss, and strengthen our common pastoral direction and concretize synodality by bringing all voices—bishops, priests, religious, and laity—into listening, dialogue, and discernment,” ayon sa pari.

Para sa mga nais makibahagi, makipag-ugnayan sa RCAM – Office for Strategic Management sa (02) 8527-3920 o 0925-490-4673, at hanapin si Bert Abelgas.

BE OUR PARTNERS

THIS PORTION IS BROUGHT YOU BY

ADVOCATE

Radyo Veritas Advocacy Category by Author

Veritas Editorial

Picture of Rev. Fr. Anton CT Pascual

Rev. Fr. Anton CT Pascual

Karagatan para kanino?

 39,257 total reads

 39,257 total reads Mga Kapanalig, pamilyar ba kayo sa kuwento nina David at Goliat? Nang hamunin ng higanteng mandirigmang si Goliat ang hukbo ng Israel, walang

Read More »

Kapag ginagawang sandata ang batas

 76,046 total reads

 76,046 total reads Mga Kapanalig, paano kung ang batas na dapat nagtatanggol sa mga mamamayan ang mismong ginagamit para patahimikin sila? Noong Agosto 3, inaresto sa

Read More »

Kanino natututo ang mga bata?

 109,736 total reads

 109,736 total reads Mga Kapanalig, ikinalulungkot ng Malacañang ang insidente ng pangungutya ng ilang estudyante kay Pangulong Bongbong Marcos Jr noong bumisita siya sa Davao City

Read More »

TUNAY NA KALAGAYAN NG BANSA

 161,355 total reads

 161,355 total reads Kapanalig, sa ikalimang SONA ng Pangulong Ferdinand Marcos Jr., idinetalye nito ang maraming accomplishment ng administrasyon. Pero, nakalimutan ni PBBM na i-ulat sa

Read More »

CONFIDENTIAL FUND

 222,990 total reads

 222,990 total reads Kapanalig, sa impeachment trial ni Vice President Sara Duterte, naging malinaw sa madlang bayan na ang “confidential fund” ay isang public fund o

Read More »

Watch Live

RELATED ARTICLES

Scroll to Top