Healing mass at healing sessions, tampok sa Radyo Veritas chapel sa buwan ng Pebrero

SHARE THE TRUTH

Send your Love Offering

SAVINGS ACCOUNT NAME

DZRV Radio Veritas Foundation, Inc.

  1. Metrobank Savings Account No.: 076-3-076270210
  2. Banco De Oro Savings Account No.: 001-630011876
  3. BPI Savings Account No.: 0213-3251-91
  4. PNB – Savings account No.: 105-910-013-091

 55,623 total reads

Itatampok ng Radyo Veritas ang buong buwan ng Pebrero na “Healing Month.”

Ito’y paanyaya sa mga mananampalataya na makiisa sa mga pagdiriwang ng banal na misa sa Radyo Veritas Chapel.

Ayon kay Renee Jose ng Religious Department ng himpilan, layunin ng inisyatiba na higit pang paigtingin ang misyon ng Radyo Veritas na abutin ang mga may karamdaman at tulungang makasumpong ng kagalingan sa pamamagitan ng mga sakramento ng Simbahan.

Ibinahagi ni Jose na kabilang sa mga tampok na gawain ngayong buwan ang healing masses at ang public veneration ng mga relikya ng mga banal na kinikilalang katuwang sa pananalangin para sa kagalingan ng mga maysakit.

Sa February 2, sa Kapistahan ng Pagdadala kay Hesus na Panginoon sa Templo, pangungunahan ng Kamay ni Hesus healing priest na si Fr. Joey Faller ang banal na misa at healing sessions alas-dose ng tanghali.

Sa February 3 naman, sa kapistahan ni San Blas, magkakaroon ng pagbabasbas at healing sessions, lalo na para sa mga may karamdaman sa lalamunan.

Sa February 4, bilang pagdiriwang ng National Cancer Awareness Day, dadalaw sa himpilan ang relikya ni San Ezequiel Moreno, patron ng mga may cancer.

Samantala, sa February 11, World Day of the Sick at kapistahan ng Mahal na Birhen ng Lourdes, ang mga hospital chaplains naman ang mangunguna sa mga banal na misa ng himpilan.

Inaanyayahan ni Jose ang mga tagasubaybay ng Radyo Veritas na personal na makiisa sa mga banal na misa na ginaganap araw-araw alas-6 ng umaga, alas-12 ng tanghali, alas-6 ng gabi, at alas-12 ng hatinggabi.

Para sa mga nais maging Eucharistic Advocate ng himpilan, makipag-ugnayan sa (02) 8925-7931 local 129, 131, at 137, o sa 0917-631-4589.

60-pisong umento sa minimum wage, kulang

 12,044 total reads

 12,044 total reads Naniniwala si Bukluran ng Manggagawang Pilipino Chairman Ka Leody de Guzman na malaking tulong ngunit hindi sapat para makasabay sa patuloy na pagtaas

Read More »

BE OUR PARTNERS

THIS PORTION IS BROUGHT YOU BY

ADVOCATE

Radyo Veritas Advocacy Category by Author

Veritas Editorial

Picture of Rev. Fr. Anton CT Pascual

Rev. Fr. Anton CT Pascual

Nalulugi ang transportasyon

 25,893 total reads

 25,893 total reads Mga Kapanalig, umabot na naman sa mahigit sandaang piso ang presyo ng diesel! Nanawagan ang mga operators ng provincial at city bus na

Read More »

Malaya na si Mary Jane

 54,911 total reads

 54,911 total reads Mga Kapanalig, magiging masaya ang Pasko ngayong taon ng pamilya ni Mary Jane Veloso. Si Mary Jane ay ang kababayan nating hinatulan ng

Read More »

KRISIS NA KINAKAHARAP NG MGA KABATAAN

 103,177 total reads

 103,177 total reads Mahinang industrial base ng ekonomiya, ito ang hadlang at ugat ng tumataas na bilang ng mga walang trabaho sa bansa lalu na sa

Read More »

PAX SILICA

 125,266 total reads

 125,266 total reads PAX SIILICA., mismo ang ating pamahalaan ang nagsusulong ng proyektong ito. Kapanalig, hina-hyped ng gobyerno ang Pax Silica bilang isang hi-tech artificial intelligence

Read More »

Nagmamahal, Judith

 223,656 total reads

 223,656 total reads Mga Kapanalig, dumating na ba sa inyo si Judith? Kung hindi ninyo siya kilala, si Judith ang buwan-buwan na dumadalaw sa atin para

Read More »

Watch Live

RELATED ARTICLES

Scroll to Top