Pinakamataas na parangal, iginawad ng Santo Papa sa isang RCAM Priest

SHARE THE TRUTH

Send your Love Offering

SAVINGS ACCOUNT NAME

DZRV Radio Veritas Foundation, Inc.

  1. Metrobank Savings Account No.: 076-3-076270210
  2. Banco De Oro Savings Account No.: 001-630011876
  3. BPI Savings Account No.: 0213-3251-91
  4. PNB – Savings account No.: 105-910-013-091

 39,699 total reads

Pormal nang tinanggap ni Fr. Domingo Baybay ang Pro Ecclesia et Pontifice, ang pinakamataas na parangal na iginagawad ng Santo Papa sa mga pari at laiko na may natatanging paglilingkod sa Simbahang Katolika.

Ayon kay Fr. Baybay, hindi niya inaasahang tatanggap ng pagkilala mula sa Santo Papa para sa kanyang pagpapastol, lalo na sa komunidad ng Santisima Trinidad Parish sa Malate, Maynila, kung saan siya ang kauna-unahang kura paroko.

“I do not remember any significant thing I have done in my life that I would say deserves this honor,” pahayag ni Fr. Baybay sa Radyo Veritas.

Bagama’t ikinatuwa ang parangal, iginiit ng pari na hindi ito itinuturing bilang gantimpala sa kanyang misyon kundi isang hamon upang ipagpatuloy ang paglilingkod sa sambayanan.

Sa kabila ng kanyang pagreretiro at karamdaman na minsan ay naging dahilan upang magdiwang siya ng Misa nang nakaupo ay nagbigay ng panibagong lakas at sigla ang pagtanggap ng parangal.

“This award gives me a strong motive to go on as long as I’m able to serve,” dagdag pa ni Fr. Baybay.

Pinangunahan ni Manila Archbishop Jose Cardinal Advincula ang paggawad ng Pro Ecclesia et Pontifice Medal sa ginanap na seremonya sa Santisima Trinidad Parish.

Sa kanyang homiliya, pinuri ng kardinal ang mahabang taong paglilingkod ni Fr. Baybay at ang kanyang papel sa pagpapatatag ng pamayanang Kristiyano sa kabila ng mga pagsubok.

Ayon kay Cardinal Advincula, nanatiling masigasig si Fr. Baybay sa pangunguna sa parokya sa gitna ng mga kalamidad at halos dalawang dekadang usaping legal na humamon sa karapatan ng komunidad na makapagsamba sa kanilang sariling simbahan.

“He strives to lead you as a prayerful and caring community so that all may be one,” ayon kay Cardinal Advincula, kasabay ng panawagang panibaguhin ng pamayanan ang kanilang pagtatalaga sa misyon ng pagkakaisa.

Sa salaysay ni Fr. Baybay, nagsimula noong 1994 ang usapin sa legalidad ng pag-aari sa kinatatayuan ng parokya, na natapos lamang noong 2013 matapos ang desisyong pumabor sa simbahan, ilang sandali bago siya magretiro sa aktibong paglilingkod.

Para kay Fr. Baybay, ang tunay na gantimpala ng bokasyon ay hindi ang mga parangal kundi ang pananatiling tapat sa tawag ng Diyos.

“Just try your best to be faithful to your own calling… God always gives you the talent and the grace that will enable you to do what He’s calling you for,” paalala ng pari.

Dumalo sa pagtitipon ang komunidad ng Santisima Trinidad Parish, gayundin ang mga pari ng Archdiocese of Manila, kabilang ang kasalukuyang kura paroko na si Manila Chancellor Carmelo Arada Jr. at dating kura paroko Fr. Joselito Buenafe.

BE OUR PARTNERS

THIS PORTION IS BROUGHT YOU BY

ADVOCATE

Radyo Veritas Advocacy Category by Author

Veritas Editorial

Picture of Rev. Fr. Anton CT Pascual

Rev. Fr. Anton CT Pascual

Karagatan para kanino?

 47,035 total reads

 47,035 total reads Mga Kapanalig, pamilyar ba kayo sa kuwento nina David at Goliat? Nang hamunin ng higanteng mandirigmang si Goliat ang hukbo ng Israel, walang

Read More »

Kapag ginagawang sandata ang batas

 83,825 total reads

 83,825 total reads Mga Kapanalig, paano kung ang batas na dapat nagtatanggol sa mga mamamayan ang mismong ginagamit para patahimikin sila? Noong Agosto 3, inaresto sa

Read More »

Kanino natututo ang mga bata?

 116,926 total reads

 116,926 total reads Mga Kapanalig, ikinalulungkot ng Malacañang ang insidente ng pangungutya ng ilang estudyante kay Pangulong Bongbong Marcos Jr noong bumisita siya sa Davao City

Read More »

TUNAY NA KALAGAYAN NG BANSA

 168,158 total reads

 168,158 total reads Kapanalig, sa ikalimang SONA ng Pangulong Ferdinand Marcos Jr., idinetalye nito ang maraming accomplishment ng administrasyon. Pero, nakalimutan ni PBBM na i-ulat sa

Read More »

CONFIDENTIAL FUND

 229,786 total reads

 229,786 total reads Kapanalig, sa impeachment trial ni Vice President Sara Duterte, naging malinaw sa madlang bayan na ang “confidential fund” ay isang public fund o

Read More »

Watch Live

RELATED ARTICLES

Scroll to Top