Search

Veritas PH

The WORD. The TRUTH.

Episcopal ordination ng bagong Obispo ng Diocese of Kalibo, itinakda

SHARE THE TRUTH

Send your Love Offering

SAVINGS ACCOUNT NAME

DZRV Radio Veritas Foundation, Inc.

  1. Metrobank Savings Account No.: 076-3-076270210
  2. Banco De Oro Savings Account No.: 001-630011876
  3. BPI Savings Account No.: 0213-3251-91
  4. PNB – Savings account No.: 105-910-013-091

 24,246 total views

Itinakda ng Diocese of Kalibo sa April 23, 2026 ang episcopal ordination ni Bishop-elect Cyril Villareal, ang ikalimang obispo ng diyosesis.

Napagkasunduan ito sa pagpupulong ng mga opisyal ng diyosesis sa pangunguna ni Capiz Archbishop Victor Bendico, ang kasalukuyang apostolic administrator ng Kalibo, kasunod ng pagreretiro ni Bishop Jose Corazon Tala-oc.

Pangungunahan ni Archbishop Bendico ang pag-ordina sa St. John the Baptist Cathedral ganap na alas-9 ng umaga, katuwang bilang mga co-consecrator sina Bishop Tala-oc at Romblon Bishop Narciso Abellana, MSC.

Inaasahang magbibigay ng pagninilay sa pagdiriwang si Manila Archbishop Jose Cardinal Advincula, na dating arsobispo ng Capiz kung saan nagsilbing vicar general si Bishop-elect Villareal.

Kaagad namang iluluklok sa cathedra ng diyosesis si Bishop-elect Villareal matapos ang ordinasyon, hudyat ng kanyang pormal na pagsisimula ng tungkuling pagpapastol sa mahigit kalahating milyong Katoliko sa lalawigan.

Matatandaang January 24 nang italaga ni Pope Leo XIV si Bishop-elect Villareal bilang obispo ng Kalibo, na nanatiling sede vacante mula June 2025 matapos tanggapin ng Santo Papa ang pagreretiro ni Bishop Tala-oc.

Sa panayam ng Radyo Veritas, inamin ng bishop-elect ang kanyang pangamba at pag-aalinlangan sa lawak ng misyong nakaatang sa kanya, subalit buong kababaang-loob niyang ipinagkatiwala sa Diyos ang kanyang pagpapastol sa patnubay at panalangin ng Mahal na Birheng Maria.

Tiniyak din ni Bishop-elect Villareal ang pagpapaigting ng synodality sa pamumuno sa diyosesis, at ang patuloy na pagbubuklod sa pamayanan upang sama-samang maglakbay sa landas ng Panginoon.

BE OUR PARTNERS

THIS PORTION IS BROUGHT YOU BY

ADVOCATE

Radyo Veritas Advocacy Category by Author

Veritas Editorial

Picture of Rev. Fr. Anton CT Pascual

Rev. Fr. Anton CT Pascual

APAT NA DEKADA

 86 total views

 86 total views Mag-aapat na dekada nang ipag-utos ng 1987 Philippine constitution o Saligang Batas ng Pilipinas sa mga mambabatas (Congressmen/Senador) na isabatas ang anti-political dynasty

Read More »

Tantanan na ang mga puno!

 67,574 total views

 67,574 total views Mga Kapanalig, sa mga lungsod man o sa mga bundok, hindi tumitigil ang pagpuputol ng mga puno! Noong isang buwan, inihinto ang pagpuputol

Read More »

Karapatan sa kalusugan para sa iilan?

 88,639 total views

 88,639 total views Mga Kapanalig, ang healthcare o pangangalaga sa kalusugan ay isang pangunahing karapatang pantao. Hindi ito luho. Hindi ito pribilehiyo para lamang sa iilan.

Read More »

Maging instrumento ng katotohanan

 111,657 total views

 111,657 total views Mga Kapanalig, parami na nang parami ang mga nakatatanggap ng mga maleta na naglalaman ng limpak-limpak na perang kickback diumano mula sa mga

Read More »

A WAY TO LATE?

 149,346 total views

 149,346 total views Huli na ba ang lahat? O blessings in disguise? Kapanalig, sa paglaganap ng social media at pagkaroon ng access ng mayorya ng mga

Read More »

Watch Live

RELATED ARTICLES

Scroll to Top