2,332 total views
The real solution to the garbage problem is not in machines. It is in changing habits.
Ito ang binigyang-diin ni Cebu Archbishop Alberto Uy sa kanyang pastoral appeal hinggil sa responsableng pamamahala ng basura sa Cebu City.
Bagama’t sinusuportahan ng arsobispo ang mga inisyatibo ng Pamahalaang Lungsod ng Cebu sa pagtugon sa lumalalang suliranin sa basura, iginiit niyang hindi ito magiging sapat hangga’t hindi nababago ang nakasanyang gawi ng mga mamamayan.
“No technology, no equipment, no landfill, no budget will ever be enough if our daily habits remain the same. Because garbage is not first a city problem. Garbage is a lifestyle problem,” pahayag ni Archbishop Uy.
Ayon kay Archbishop Uy, karamihan sa mga basurang nagkalat sa mga lansangan ay nagmumula mismo sa mga tahanan, kaya mahalagang doon pa lamang ay masimulan na ang wastong paghihiwalay at pamamahala ng basura.
Aniya, ang pangangalaga sa kalikasan ay hindi lamang usaping panlipunan, kundi isang pananagutang moral at espiritwal bilang paggalang sa sangnilikhang ipinagkatiwala ng Diyos sa sangkatauhan, hindi upang abusihin, kundi alagaan at pagyabungin.
“We are not owners of this earth. We are stewards. To throw garbage irresponsibly is not only bad citizenship. It is poor stewardship. It is forgetting that God entrusted this beautiful island of Cebu to our care. Caring for the environment is not optional for Christians. It is part of our faith,” ayon kay Archbishop Uy.
Ibinagi rin ng arsobispo na bukod sa wastong segregasyon ng basura sa tahanan, mahalagi ring isabuhay ang pagbawas sa paggamit ng single-use plastics, muling paggamit ng mga bagay na maaari pang pakinabangan, composting o pagbaon ng mga basurang nabubulok, at pagdidisiplina sa mga bata hinggil sa wastong pagtatapon ng basura.
Hinikayat din ni Archbishop Uy ang mga parokya, paaralan, religious communities, at mga organisasyon na maging huwaran sa disiplina at pananagutan sa pangangalaga ng kalikasan.
“I humbly ask every Cebuano Catholic: Do not wait for the government to solve this problem for you. Be part of the solution. Because the cleaner Cebu we desire will not come from machines. It will come from changed hearts and changed habits,” panawagan ni Archbishop Uy.
Umaasa naman ang arsobispo na nawa’y maipakita ng bawat isa ang kanilang pananampalataya sa pamamagitan ng konkretong pangangalaga sa kalikasan upang maipamana sa mga susunod na henerasyon.




