NASAGA 2026, nagbukas ng mas matatag na pagtutulungan sa pagtugon sa kahirapan

SHARE THE TRUTH

Send your Love Offering

SAVINGS ACCOUNT NAME

DZRV Radio Veritas Foundation, Inc.

  1. Metrobank Savings Account No.: 076-3-076270210
  2. Banco De Oro Savings Account No.: 001-630011876
  3. BPI Savings Account No.: 0213-3251-91
  4. PNB – Savings account No.: 105-910-013-091

 41,716 total reads

Nakibahagi ang social arm ng Diyosesis ng Virac, Catanduanes, sa ginanap na 42nd National Social Action General Assembly (NASAGA) 2026, na isang linggong pagtitipon na naglalayong patatagin ang ugnayan, pagninilay, at panibagong sigla sa panlipunang misyon ng Simbahan.

Ayon sa Caritas Virac, nagsilbing mahalagang espasyo ang NASAGA para sa mas malalim na talakayan hinggil sa gampanin ng Simbahan sa pagtugon sa mga hamon ng kasalukuyang lipunan, lalo sa usapin ng kahirapan, kawalan ng katarungan, at kalagayan ng mga nasa laylayan.

Dagdag ng institusyon, nagbukas din ang pagtitipon ng mas malinaw na landas para sa mas matibay na pagtutulungan ng Simbahan at pamahalaan, lalo na sa pagbabantay at pagsuporta sa mga programang tumutugon sa pangangailangan ng mahihirap at pinakabulnerableng sektor.

“The gathering provided a valuable space for learning best practices, building partnerships, and renewing our shared mission to serve those most in need. It was also a time for prayer, fellowship, and cultural exchange, strengthening the bonds among dioceses and inspiring everyone to return to their local Churches with renewed zeal,” ayon sa Caritas Virac.

Pinangunahan ng Diyosesis ng Imus, sa pamamagitan ng Caritas Imus, at katuwang ang Caritas Philippines—ang humanitarian, development, at advocacy arm ng Catholic Bishops’ Conference of the Philippines—ang NASAGA 2026 na dinaluhan ng humigit-kumulang 500 obispo, pari, relihiyoso, at social action workers mula sa iba’t ibang diyosesis sa buong bansa.

Isang mahalagang bahagi ng NASAGA 2026 ang pagdalo ng ilang miyembro ng gabinete, kabilang sina Education Secretary Sonny Angara, Social Welfare and Development Secretary Rex Gatchalian, Public Works and Highways Secretary Vince Dizon, at Second Congressional Commission on Education (EDCOM II) Executive Director Kiko Benitez Yee.

“Their engagement opened pathways for stronger collaboration between the Church and the government in service to communities, especially the poor, the marginalised, and the most vulnerable,” saad ng Caritas Virac.

Tema ng 42nd NASAGA 2026 ang “Sulong-Padayon: Pag-asa, Pananagutan, Pagbabago,” na ginanap mula February 2-5, 2026 sa Mother of Grace Convention Center sa Tagaytay City.

Unang isinagawa ang NASAGA noong 1969 bilang pagtitipon ng mga Social Action Center (SAC) directors at volunteers upang talakayin at pagtibayin ang mga mahahalagang resolusyon kaugnay ng mga programa, serbisyong panlipunan, at pagpapaunlad ng organisasyon ng National Secretariat for Social Action (NASSA), na kalauna’y naging Caritas Philippines.

BE OUR PARTNERS

THIS PORTION IS BROUGHT YOU BY

ADVOCATE

Radyo Veritas Advocacy Category by Author

Veritas Editorial

Picture of Rev. Fr. Anton CT Pascual

Rev. Fr. Anton CT Pascual

Nagmamahal, Judith

 119,257 total reads

 119,257 total reads Mga Kapanalig, dumating na ba sa inyo si Judith? Kung hindi ninyo siya kilala, si Judith ang buwan-buwan na dumadalaw sa atin para

Read More »

Mas malusog na Pilipino?

 152,586 total reads

 152,586 total reads Mga Kapanalig, dumarami ang mga Pilipinong overweight at obese. Ayon sa Food and Nutrition Research Institute, 16% ng mga batang edad 5 hanggang

Read More »

Mas mabigat kaysa teknikalidad

 184,730 total reads

 184,730 total reads Mga Kapanalig, sa Ebanghelyo ni San Mateo, matutunghayan natin ang pagtuligsa ni Hesus sa mga tagapagturo ng kautusan at sa mga Pariseo. Mababasa

Read More »

Sense of entitlement!

 250,793 total reads

 250,793 total reads Kapanalig, laganap sa ating bayan.. sa ating mga Pilipino, lalu na sa mga lider ng bansa ang ‘culture of superiority’, maging sa loob

Read More »

SIMPLENG LOHIKA

 262,372 total reads

 262,372 total reads Kapanalig, simpleng lohika lamang ang kailangan ng mga Senador-judges para pagbotohan kung iko-convict o hindi si Vice-President Sara Duterte. Ito ang kasagutan ni

Read More »

Watch Live

RELATED ARTICLES

PBBM, binigyan ng ATM ng mababang marka

 122,460 total reads

 122,460 total reads Binigyan ng Alyansa Tigil Mina (ATM) ng pinakamababang marka ang administrasyon ni Pangulong Ferdinand Marcos, Jr. sa usapin ng pagmimina, kasabay ng ikalimang

Read More »
Scroll to Top