“The truth is our moral duty”- Radyo Veritas sa EDSA @40

SHARE THE TRUTH

Send your Love Offering

SAVINGS ACCOUNT NAME

DZRV Radio Veritas Foundation, Inc.

  1. Metrobank Savings Account No.: 076-3-076270210
  2. Banco De Oro Savings Account No.: 001-630011876
  3. BPI Savings Account No.: 0213-3251-91
  4. PNB – Savings account No.: 105-910-013-091

 28,237 total reads

Mariing naninindigan ang Radyo Veritas na hindi maaaring manahimik ang media sa harap ng patuloy na paglaganap ng kasinungalingan,misinformation at fake news sa lipunan.

Ito ang binigyang-diin ng himpilan kaugnay ng paggunita sa ika-40 anibersaryo ng EDSA People Power Revolution sa February 25.

“In this context, neutrality cannot mean silence in the face of lies, misinformation, and fake news,” pahayag ng Radyo Veritas.

Ayon sa himpilan, makalipas ang apat na dekada mula nang magtipon ang milyun-milyong Pilipino sa EDSA upang labanan ang diktadurya ni noo’y Pangulong Ferdinand Marcos Sr., nagbago man ang anyo ng laban para sa katotohanan ay nananatili ang pangangailangang ipagtanggol ang demokrasya.

“The battlefield has changed, yet the urgency remains,” pagbibigay diin ng Radyo ng Simbahan Ipinaliwanag ng Radyo Veritas na kung noong panahon ng People Power ay lantad ang censorship at panunupil, sa kasalukuyan ay mas nagiging komplikado ang mga hamon dahil sa pag-usbong ng digital echo chambers, agresibong online campaigns, at manipulasyon sa social media na nagbabaluktot sa pananaw at pag-unawa ng publiko.

Binigyang-diin din ng himpilan ang pangamba sa historical revisionism o pagtatangkang baguhin at pahinain ang naratibo ng EDSA.

“We witness attempts to reframe the EDSA narrative—not as a moral victory for the Filipino people, but as an event to be minimized or twisted for political gain,” ayon pa sa pahayag.

Iginiit ng Radyo Veritas na ang katotohanan ay hindi lamang usapin ng propesyon kundi isang moral na pananagutan na kaakibat ng misyon ng Simbahan.

“We see truth as a moral duty, not merely a professional obligation,” saad ng himpilan.

Sa gitna ng tinawag na “era of viral misinformation and monetized outrage,” nilinaw ng Radyo Veritas na ang katotohanan ay hindi nasusukat sa dami ng likes, shares, o ingay sa social media.

“In an era of viral misinformation and monetized outrage, we believe truth is defined by verification and integrity, not popularity or noise,” dagdag pa ng pahayag.

Muling pinagtibay ng himpilan ang mga kongkretong hakbang upang pangalagaan ang demokrasya kabilang ang pagtutok sa responsable at etikal na pamamahayag, pananatiling malaya sa anumang political pressure, at patuloy na pagtatanggol sa transparency at accountability.

“Combat fake news with responsible and ethical journalism; remain independent amid political pressures; and uphold democratic institutions through transparency and accountability,” bahagi ng commitment ng himpilan.

Muling tiniyak ng Radyo Veritas ang patuloy nitong misyon para sa sambayanang Pilipino.

“Radio Veritas is committed to being the voice of truth, faith, and the Filipino people,” giit ng himpilan.

Hinimok din ng Radyo ng Simbahan ang publiko na manatiling mapagbantay at aktibong makibahagi sa pagtataguyod ng katotohanan, kalayaan, at pananagutan para sa susunod na henerasyon.

“May the spirit of EDSA inspire us to continue protecting truth, accountability, and freedom for future generations,” pagbibigay diin ng Radyo Veritas.

Sa kasaysayan, sa Radyo Veritas sumahimpapawid ang panawagan ni noo’y Manila Archbishop Jaime Cardinal Sin na magkaisa ang mga Pilipino sa EDSA upang tutulan ang halos dalawang dekadang pag-iral ng batas militar na isang mahalagang sandali na nagbunsod sa muling pagbangon ng demokrasya sa bansa.

BE OUR PARTNERS

THIS PORTION IS BROUGHT YOU BY

ADVOCATE

Radyo Veritas Advocacy Category by Author

Veritas Editorial

Picture of Rev. Fr. Anton CT Pascual

Rev. Fr. Anton CT Pascual

Bayan, hindi bayad

 21,906 total reads

 21,906 total reads Mga Kapanalig, ngayon ay National Heroes Day o Araw ng mga Bayani.  Sa araw na ito, kasama sa mga bayaning ginugunita natin ay

Read More »

SOP

 59,357 total reads

 59,357 total reads Kapanalig, sa day-19 ng impeachment trial ni Vice President Sara Duterte sa misused o maling paggamit sa 500-milyong pisong confidential fund ng Office

Read More »

PAANO MAIWASAN ANG SCHOOL VIOLENCE?

 77,568 total reads

 77,568 total reads Kapanalig, ang nangyayaring school violence sa ating bansa ay hindi matutugunan ng isang simpleng paghihigpit sa seguridad sa mga paaralan. Hindi rin sagot

Read More »

Halimbawa sa taumbayan

 161,896 total reads

 161,896 total reads Mga Kapanalig, kinansela ni Vice President Sara Duterte ang halos isang linggo niyang biyahe sa Japan.  Hindi ito dahil tutulong siya sa pagtugon

Read More »

Protektahan ang mga bata

 198,237 total reads

 198,237 total reads Mga Kapanalig, taos-puso tayong nakikiramay sa mga estudyante, guro, at buong komunidad ng Ateneo de Zamboanga University na naapektuhan ng malagim na pamamaril

Read More »

Watch Live

RELATED ARTICLES

Mamamayan, binalaan ni Fr.Orbos

 2,931 total reads

 2,931 total reads Nagbabala si Fr. Jerry Orbos, SVD laban sa dumadaming AI-generated fake news na gumagamit ng kanyang pangalan at imahe upang magbenta ng mga

Read More »
Scroll to Top