Cardinal Advincula sa mga estudyante, isabuhay ang “power of learning, presence of Jesus at purpose of living”

SHARE THE TRUTH

Send your Love Offering

SAVINGS ACCOUNT NAME

DZRV Radio Veritas Foundation, Inc.

  1. Metrobank Savings Account No.: 076-3-076270210
  2. Banco De Oro Savings Account No.: 001-630011876
  3. BPI Savings Account No.: 0213-3251-91
  4. PNB – Savings account No.: 105-910-013-091

 581 total reads

Binigyang-diin ni Manila Archbishop Cardinal Jose Advincula na nagiging ganap ang kahulugan ng edukasyon kung ito ay iniuukol sa paglilingkod sa kapwa.

Ito ang mensahe ng kardinal sa isinagawang Thanksgiving Mass ng RCAM ES Cluster 6 sa Manila Cathedral bilang pasasalamat sa pagtatapos ng School Year 2025–2026.

Sa kanyang homiliya, ibinahagi ng arsobispo ang “tatlong P” na dapat baunin ng mga mag-aaral, ang Power of Learning, Presence of Jesus, at Purpose of Serving.

Iginiit ng kardinal sa mga mag-aaral na gamitin ang kanilang natutuhan hindi lamang para sa sarili kundi para sa kapakinabangan ng kapwa.

“Your education becomes meaningful when it is used to serve others… Education is not only about becoming intelligent. It is about becoming a person who gives life to others,” ayon kay Cardinal Advincula.
Sa unang punto, iginiit ni Cardinal Advincula na ang bawat aral ay may ambag sa paghubog ng pagkatao.

“Each lesson may seem small, like a drop of water. But drop by drop, it becomes a river that shapes who you are,” ayon sa arsobispo.
Dagdag pa ng kardinal, ang pag-aaral ay hindi lamang paghahanda sa pagsusulit kundi pagbubukas sa karunungan ng Diyos.

“When you study well, you are allowing God’s wisdom to flow into your life so that one day you may bring life, hope, and goodness to others,” paliwanag ng arsobispo.

Sa ikalawang punto, binigyang-diin ni Cardinal Advincula ang kahalagahan ng presensya ni Hesus sa buhay ng mga mag-aaral.
Hinimok din ng arsobispo ang mga kabataan na huwag panghinaan ng loob sa gitna ng mga pagsubok.

“Education becomes complete only when Jesus is present in our lives… Sometimes we may feel tired, discouraged, or unsure of ourselves… we can hear Jesus saying to us, ‘Rise,” ani ng kardinal.

Samantala, sa ikatlong punto ay hinikayat ng arsobispo ang mga mag-aaral na ihandog ang kanilang kaalaman sa kapwa.

“The knowledge and skills you receive are not meant to stay only with you—they are meant to flow outward,” ayon kay Cardinal Advincula.

Iginiit ng kardinal na ang edukasyon ay nagkakaroon ng tunay na kabuluhan kapag ito ay nagiging instrumento ng paglilingkod at pagmamalasakit sa kapwa at sa lipunan.

Pinaalalahanan ni Cardinal Advincula ang mga mag-aaral na dalhin ang mga natutuhan hindi lamang bilang kaalaman kundi bilang paninindigan sa buhay.

“Your education will not only make you knowledgeable—it will make you faithful, compassionate, and ready to serve,” ani ng kardinal.

Ang RCAM ES Cluster 6 ay pinamumunuan ni Fr. Nolan Que kung saan kabilang dito ang Holy Child Catholic School, Manila Cathedral School, at ang San Rafael Parochial School.

BE OUR PARTNERS

THIS PORTION IS BROUGHT YOU BY

ADVOCATE

Radyo Veritas Advocacy Category by Author

Veritas Editorial

Picture of Rev. Fr. Anton CT Pascual

Rev. Fr. Anton CT Pascual

WALANG KAHIHIYAN

 58,388 total reads

 58,388 total reads Kapanalig, mahalaga sa sinumang lider ang pagtataglay ng katangiang “compassion” o kabutihang loob bilang servant leadership, dalisay na pagsisilbi sa taumbayan. Sinasabi sa

Read More »

Just energy transition sa Semirara

 137,541 total reads

 137,541 total reads Mga Kapanalig, just energy transition now!  Ito ang panawagan ng Diyosesis ng San Jose de Antique kung saan nakapaloob ang isla ng Semirara.

Read More »

Bagong mukha ng Boracay

 170,986 total reads

 170,986 total reads Mga Kapanalig, kilala natin ang Boracay sa natatangi nitong ganda. Ang maputi at pinung-pino nitong buhangin, malinaw na dagat, at magandang tanawin ay

Read More »

Ang bigat ng betrayal of public trust

 206,284 total reads

 206,284 total reads Mga Kapanalig, bagamat abalá tayo sa maraming bagay, sana ay sinusubaybayan pa rin natin ang nagpapatuloy na impeachment trial kay VP Sara Duterte.

Read More »

VP DUTERTE SIN’S

 430,447 total reads

 430,447 total reads Kapanalig, malinaw na malinaw sa Article VII, Section 13 ng 1987 Philippine Constitution na “The President, Vice-President, the Members of the Cabinet, and

Read More »

Watch Live

RELATED ARTICLES

Scroll to Top