Mamamayan, hinimok na makiisa sa pilgrimage ng Our Lady of Guadalupe relic sa Pilipinas

SHARE THE TRUTH

Send your Love Offering

SAVINGS ACCOUNT NAME

DZRV Radio Veritas Foundation, Inc.

  1. Metrobank Savings Account No.: 076-3-076270210
  2. Banco De Oro Savings Account No.: 001-630011876
  3. BPI Savings Account No.: 0213-3251-91
  4. PNB – Savings account No.: 105-910-013-091

 944 total reads

Inaanyayahan ni Kidapawan Bishop Jose Colin Bagaforo ang mga mananampalataya na makiisa sa pagdating at paglilibot sa 54 simbahan sa bansa ng replika at second-class relic ng Our Lady of Guadalupe bilang paghahanda sa pagdiriwang ng ika-500 anibersaryo ng pagpapakita nito sa Mexico.

Ang relikya ay isang telang replika ng tilma na iniuugnay kay San Juan Diego, na naidikit sa orihinal na imahen na nasa Basilica of Our Lady of Guadalupe, dahilan upang ito ay maituring na second-class relic.

Ayon kay Bishop Bagaforo, na siyang spiritual director ng Our Lady of Guadalupe Philippine Pilgrimage 2026, isang malaking biyaya at pribilehiyo para sa Pilipinas ang mapabilang sa iilang bansa na dadalawin ng imahen ng Mahal na Birhen, kasunod ng Estados Unidos at ilang bansa sa Latin America, at kauna-unahan sa Asya.

“It’s a great privilege that we will receive and be visited by Our Lady of Guadalupe,” pahayag ni Bishop Bagaforo.

Binigyang-diin ng obispo na mahalaga ang pagdating ng imahen lalo na sa kasalukuyang panahon, bilang paalala sa kahalagahan at kabanalan ng buhay.

Ipinaliwanag ni Bishop Bagaforo na kilala ang Our Lady of Guadalupe bilang patron ng mga hindi pa isinisilang, kaya’t panawagan ito sa bawat isa na igalang at pangalagaan ang buhay mula sa sinapupunan.

“Isa itong reminder for all of us na napakahalaga ng buhay. Maging nasa sinapupunan man ng ating mga ina, buhay na rin po ‘yun. At ang buhay is always a blessing, biyaya mula sa Diyos,” ayon sa obispo.

Bukod sa replika ng tilma, magpapadala rin ang Mexico ng isang commemorative statue bilang paggunita sa ika-500 anibersaryo ng aparisyon, gayundin ng opisyal na larawan ni San Juan Diego, na ipapakita sa publiko kasabay ng pilgrimage.

Hinimok ni Bishop Bagaforo ang mga mananamapalataya na samantalahin ang pag-iikot ng mga imahen, na unang dadalawin ang Minor Basilica and Metropolitan Cathedral of the Immaculate Conception o Manila Cathedral mula June 13-19, 2026, bago magtungo sa 16 simbahan sa Mindanao, 10 sa Visayas, at 27 sa Luzon.

Kabilang din sa bibisitahin ng imahen ang 132nd Plenary Assembly ng Catholic Bishops’ Conference of the Philippines sa Archdiocese of Ozamis sa July 6-8, 2026.

Ayon sa mga tagapag-organisa, posible ring dalhin ang imahen sa House of Representatives at sa Senado bago ito muling ilagak sa Manila Cathedral bago ang kapistahan sa December 12.

“Isa po itong pagkakataon na makapagdasal tayo, makatanggap tayo ng biyaya mula sa Diyos sa pamamagitan ng Blessed Virgin Mary, at makalapit tayo at makapagdasal ng mabuti sa ating mahal na ina kung ano man ang ating mga pangangailangan,” saad ni Bishop Bagaforo.

Umaasa si Bishop Bagaforo na sa pamamagitan ng debosyon sa Mahal na Birhen, higit pang lalalim ang pananampalataya ng mga Pilipino at mas mapapalapit ang bawat isa sa Diyos. 

BE OUR PARTNERS

THIS PORTION IS BROUGHT YOU BY

ADVOCATE

Radyo Veritas Advocacy Category by Author

Veritas Editorial

Picture of Rev. Fr. Anton CT Pascual

Rev. Fr. Anton CT Pascual

Nagmamahal, Judith

 129,165 total reads

 129,165 total reads Mga Kapanalig, dumating na ba sa inyo si Judith? Kung hindi ninyo siya kilala, si Judith ang buwan-buwan na dumadalaw sa atin para

Read More »

Mas malusog na Pilipino?

 162,494 total reads

 162,494 total reads Mga Kapanalig, dumarami ang mga Pilipinong overweight at obese. Ayon sa Food and Nutrition Research Institute, 16% ng mga batang edad 5 hanggang

Read More »

Mas mabigat kaysa teknikalidad

 194,638 total reads

 194,638 total reads Mga Kapanalig, sa Ebanghelyo ni San Mateo, matutunghayan natin ang pagtuligsa ni Hesus sa mga tagapagturo ng kautusan at sa mga Pariseo. Mababasa

Read More »

Sense of entitlement!

 260,701 total reads

 260,701 total reads Kapanalig, laganap sa ating bayan.. sa ating mga Pilipino, lalu na sa mga lider ng bansa ang ‘culture of superiority’, maging sa loob

Read More »

SIMPLENG LOHIKA

 271,602 total reads

 271,602 total reads Kapanalig, simpleng lohika lamang ang kailangan ng mga Senador-judges para pagbotohan kung iko-convict o hindi si Vice-President Sara Duterte. Ito ang kasagutan ni

Read More »

Watch Live

RELATED ARTICLES

PBBM, binigyan ng ATM ng mababang marka

 122,932 total reads

 122,932 total reads Binigyan ng Alyansa Tigil Mina (ATM) ng pinakamababang marka ang administrasyon ni Pangulong Ferdinand Marcos, Jr. sa usapin ng pagmimina, kasabay ng ikalimang

Read More »
Scroll to Top