Search

Veritas PH

The WORD. The TRUTH.

Sambayanang Pilipino, hinimok ng DENR na makiisa sa Earth Hour 2026

SHARE THE TRUTH

Send your Love Offering

SAVINGS ACCOUNT NAME

DZRV Radio Veritas Foundation, Inc.

  1. Metrobank Savings Account No.: 076-3-076270210
  2. Banco De Oro Savings Account No.: 001-630011876
  3. BPI Savings Account No.: 0213-3251-91
  4. PNB – Savings account No.: 105-910-013-091

 9,980 total views

Hinikayat ng Department of Environment and Natural Resources (DENR) ang lahat ng Pilipino na makiisa sa taunang paggunita ng Earth Hour.

Ayon kay DENR Secretary Juan Miguel Cuna, maipapakita ang pakikibahagi sa pandaigdigang kampanya sa pamamagitan ng simple ngunit makabuluhang hakbang, tulad ng pagpapatay ng mga ilaw at pagtanggal sa saksakan ng mga appliances na hindi ginagamit, kahit isang oras lamang.

Batid ni Cuna ang nararanasan ng mamamayan dulot ng epekto ng pagbabago ng klima—mula sa matinding init, lumalalang pagbaha, hanggang sa tumataas na singil sa kuryente.

“Ang kalikasan ay bahagi ng ating araw-araw na buhay. Kaya’t malinaw ang direktiba ng Pangulo: dapat kumilos ang pamahalaan sa mga problemang nararamdaman ng tao araw-araw, at kumilos ngayon,” ayon kay Cuna.

Ipinapaalala ng kalihim na bahagi ng mga hakbang ng DENR ang paglilinis ng mga daluyan ng tubig, pagpapalakas ng sistema sa pamamahala ng baha, pagbibigay ng malinis na tubig, at maayos na pangangasiwa ng likas na yaman upang mas ligtas ang mga pamilya at mas matatag ang gastusin.

Ngunit, ayon kay Cuna, hindi sapat na pamahalaan lamang ang kikilos, kaya’t mahalaga ang sama-samang pagtutulungan ng bawat mamamayan para sa kapakanan ng kalikasan.

“Isang oras lamang—ngunit kapag sama-sama, ibig sabihin nito ay mas kaunting konsumo ng enerhiya, mas kaunting pasanin sa kalikasan, at isang hakbang tungo sa pagprotekta ng ating mga tahanan at kinabukasan,” saad ni Cuna.

Una nang sinabi ni Antipolo Bishop Ruperto Santos na ang isang oras ng kadiliman ay maaaring maging liwanag ng pag-asa na magtutulak sa mas malalim na pagninilay, tunay na pagbabagong-loob, at konkretong pagkilos para sa kalikasan.

Taunang ipinagdiriwang ang Earth Hour bilang bahagi ng pandaigdigang kampanya para sa enerhiya at kalikasan, na naglalayong himukin ang publiko at pamahalaan na maging mas responsable sa paggamit ng kuryente at pangangalaga sa kapaligiran.

Ika-18 taon na ng pakikibahagi ng Pilipinas sa Earth Hour, na unang isinagawa noong 2007 sa Sydney, Australia, at ngayo’y ipinagdiriwang sa mahigit 185 bansa at lugar sa buong mundo bilang simbolo ng sama-samang pagkilos para sa kalikasan.

BE OUR PARTNERS

THIS PORTION IS BROUGHT YOU BY

ADVOCATE

Radyo Veritas Advocacy Category by Author

Veritas Editorial

Picture of Rev. Fr. Anton CT Pascual

Rev. Fr. Anton CT Pascual

APAT NA DEKADA

 3,336 total views

 3,336 total views Mag-aapat na dekada nang ipag-utos ng 1987 Philippine constitution o Saligang Batas ng Pilipinas sa mga mambabatas (Congressmen/Senador) na isabatas ang anti-political dynasty

Read More »

Tantanan na ang mga puno!

 70,824 total views

 70,824 total views Mga Kapanalig, sa mga lungsod man o sa mga bundok, hindi tumitigil ang pagpuputol ng mga puno! Noong isang buwan, inihinto ang pagpuputol

Read More »

Karapatan sa kalusugan para sa iilan?

 91,889 total views

 91,889 total views Mga Kapanalig, ang healthcare o pangangalaga sa kalusugan ay isang pangunahing karapatang pantao. Hindi ito luho. Hindi ito pribilehiyo para lamang sa iilan.

Read More »

Maging instrumento ng katotohanan

 114,814 total views

 114,814 total views Mga Kapanalig, parami na nang parami ang mga nakatatanggap ng mga maleta na naglalaman ng limpak-limpak na perang kickback diumano mula sa mga

Read More »

A WAY TO LATE?

 152,245 total views

 152,245 total views Huli na ba ang lahat? O blessings in disguise? Kapanalig, sa paglaganap ng social media at pagkaroon ng access ng mayorya ng mga

Read More »

Watch Live

RELATED ARTICLES

Scroll to Top