Pagdedebosyon sa Our Lady of Manaoag,, nagdudulot ng pag-asa

SHARE THE TRUTH

Send your Love Offering

SAVINGS ACCOUNT NAME

DZRV Radio Veritas Foundation, Inc.

  1. Metrobank Savings Account No.: 076-3-076270210
  2. Banco De Oro Savings Account No.: 001-630011876
  3. BPI Savings Account No.: 0213-3251-91
  4. PNB – Savings account No.: 105-910-013-091

 9,169 total views

Nagbubunga ng pag-asa at mas malalalim na pananampalataya sa puso ng bawat Pilipino ang pagdedebosyon sa Mahal na Birhen ng Rosaryo ng Manaoag.

Ito ang mensahe ng Pangulong Ferdinand Marcos Jr. sa naging pakikiisa sa 100th year Canonical Coronation ng Our Lady of the Rosary of Manaog.

Nagpahayag ng pasasalamat ang Pangulo sa patuloy na pagkalinga at pamamagitan ng Birhen ng Manaoag, na patunay ng walang sawang pagmamahal at proteksyon sa mga mananampalataya dahil ang mahalaga ang pagtitiwala sa Diyos sa gitna ng mga pagsubok, kasabay ng paghubog ng kababaang-loob at kabanalan sa buhay ng bawat isa.

“Almighty and loving God, we offer you our praise and gratitude as we celebrate the centennial anniversary of the canonical coronation of Our Lady of the Rosary of Manawag. A century ago, she was canonically crowned in recognition of her unwavering maternal care and intercession, reminding us of her steadfast love and protection for all whom she calls and for all who call upon her,” bahagi ng mensahe at panalangin ng Pangulo.

Hinimok din ni Pangulong Marcos ang sambayanan na tularan ang Birheng Maria at gawing gabay ang pananampalataya sa pagharap sa mga hamon ng buhay.

Sinabi ng PBBM na ang debosyon sa Birhen ay mapapalalim ang pag-asa at pagkakaisa ng mamamayan bilang isang bansang may matibay na pananalig sa Diyos.

“May this celebration deepen our bond as a people whom you have called in this blessed place of Manaoag and renew our commitment to serve you and our neighbors with love and compassion. Through the intercession of Our Lady of the Rosary of Manaoag , may our lives be filled with your blessings, and may we always glorify you in our words and actions,” dagdag pa ng Pangulo.

Umaasa naman ang Pangulo na magsilbing inspirasyon ang pagdiriwang upang higit pang mapatatag ang pananampalataya ng bawat Pilipino at mahikayat ang lahat na maglingkod sa kapwa nang may malasakit at pagmamahal, kasabay ng patuloy na paghingi ng gabay sa Birheng Maria.

BE OUR PARTNERS

THIS PORTION IS BROUGHT YOU BY

ADVOCATE

Radyo Veritas Advocacy Category by Author

Veritas Editorial

Picture of Rev. Fr. Anton CT Pascual

Rev. Fr. Anton CT Pascual

Upper-middle income na ang Pilipinas

 57,344 total views

 57,344 total views Mga Kapanalig, upgraded na daw ang Pilipinas!  Ayon sa World Bank, ang Pilipinas ay isa nang upper-middle income country. Ibig sabihin, lumampas na

Read More »

Ibinasurang paraiso

 90,426 total views

 90,426 total views Mga Kapanalig, napanood ba ninyo ang dokumentaryo tungkol sa lupang ninuno o ancestral land ng mga katutubong Aeta na ginawang tambakan ng basura

Read More »

Gaslighting

 118,777 total views

 118,777 total views Mga Kapanalig, narinig na ba ninyo ang salitang “gaslighting”? Ang gaslighting ay isang uri ng sikolohikal na manipulasyon kung saan ipinalalabas ng isang

Read More »

NASAAN ANG SIMBAHAN

 186,509 total views

 186,509 total views Kapanalig, malimit nating naririnig ang katanungang, “NASAAN ANG SIMBAHAN”? Kapag may nangyaring trahedya., sakuna., man-made calamities., kawalan ng moral na pamumuno., WHERE IS

Read More »

ACCOUNTABILITY

 205,663 total views

 205,663 total views Pananagutan… Kapanalig, ito ang kaliwa’t-kanang panawagan ng iba’t-ibang grupo.,iba’t-ibang sektor., mga religious organizations sa ating bansa. Naging marubdob., naging malakas., naging sama-sama ang

Read More »

Watch Live

RELATED ARTICLES

Scroll to Top