Pagkalulong ng tao sa teknolohiya, pinuna ni Archbishop Brown

SHARE THE TRUTH

Send your Love Offering

SAVINGS ACCOUNT NAME

DZRV Radio Veritas Foundation, Inc.

  1. Metrobank Savings Account No.: 076-3-076270210
  2. Banco De Oro Savings Account No.: 001-630011876
  3. BPI Savings Account No.: 0213-3251-91
  4. PNB – Savings account No.: 105-910-013-091

 15,750 total reads

Binigyang-diin ni Papal Nuncio to the Philippines, Archbishop Charles Brown, na ang tunay na debosyon kay Maria ay dapat magbunga ng malasakit, pagkilos, at pagsunod kay Kristo.
Ito ang bahagi ng pagninilay ng nuncio sa isinagawang maringal na deklarasyon ng spiritual twinning ng Nuestra Señora de la Merced Parish sa Candaba, Pampanga at ng Basilica de la Merced sa Barcelona, Spain.

Inilarawan ng arsobispo ang Mahal na Birhen bilang huwaran ng mapagmatyag at mahabaging pag-ibig, batay sa tagpo sa ebanghelyo sa isang kasalan sa Cana.

“The first thing we realize about Mary is that she is very attentive, always aware, always noticing others’ needs. She is the mother of mercy, always attentive to the voice of her children,” ayon kay Archbishop Brown.

Batid ni Archbishop Brown na ang ganitong pagkamulat sa pangangailangan ng kapwa ay taliwas sa umiiral na kultura ng pagkakanya-kanya at pagkakalulong sa teknolohiya.

Ayon sa nuncio, madalas ay nahuhumaling ang tao sa mga gadgets at iba pang pagkakaabalahan at nalilimutang tumingin sa paligid at pansinin ang pangangailangan ng kapwa.

“We spend a lot of our time focusing on something about six inches from our nose, our cellphones… we’re not aware, attentive to what might be going on around us,” ayon sa nuncio.

Ayon pa sa nuncio, sa awa ng Mahal na Birhen ay nais nitong iligtas ang kapwa mula sa kahihiyan at mga pagdurusa.

Tinuran din ni Archbishop Brown ang pangunahing habilin ng Mahal na Birhen na “Do whatever he tells you.”

Dagdag pa ng arsobispo, ang tunay na kagalakan ay matatagpuan lamang sa pagsunod kay Hesus, kaya’t mahalagang gawing huwaran si Maria sa pagiging mapagmatyag.

“Our Lady of Mercy, Nuestra Señora de la Merced, teaches us to be aware of those around you, especially in your place of work, in your school, wherever you are, when you’re traveling, when you’re at home… There’s only one path to joy… the path of Jesus of Nazareth,” giit ni Archbishop Brown.

Ipinaliwanag naman ni Fr. John Paul Cabrera, kura paroko ng dambana, na ang spiritual twinning ay higit pa sa isang titulo, kundi isang buhay na ugnayan ng misyon at biyaya sa pagitan ng dalawang simbahan.

Aniya, natatangi ang ugnayang ito dahil sa pagiging pantay at kapwa nagbibigay ng grasya sa mga debotong dadalaw sa dambana, gayundin sa pagbibigay ng suporta sa pagitan ng dalawang simbahan.
“This is a sisterhood, a spiritual bond of twinning between our parish and the Basilica de la Merce in Barcelona. Whatever grace is received in Barcelona can also be received in our parish… and vice versa,” pahayag ni Fr. Cabrera sa Radyo Veritas.

Gayunman, babala ng pari na mawawalan ng saysay ang ganitong pagkilala kung hindi ito maisasabuhay, kaya’t tiniyak ng pari ang pagpapalago ng kaakibat nitong misyon.
Dahil dito, apela ng pari sa mga mananampalataya at kapwa deboto na isabuhay ang misyon ng Simbahan para sa mga higit na nangangailangan tulad ng mga maysakit, mahihina at naisasantabing sektor ng lipunan.

“Hindi lang po ito titulo. Kalakip po nito ay misyon. Ang hamon nito sa amin ay kailangan sa pagtanggap namin o paggawad nila ng twinning na ito, ito yung magbukas sa aming puso, sa aming isipan, sa aming mata, para mas makita yung tawag ng Panginoon sa dasal ng Nuestra Señora de la Merced para pagsilbihan yung mga taong pinagsilbihan ng Panginoon,” dagdag pa ni Fr. Cabrera.

Ang makasaysayang twinning ay nagsisilbing paanyaya sa mga mananampalataya na isabuhay ang awa ng Diyos sa konkretong paglilingkod, sa gabay ng Nuestra Señora de la Merced, ang ina ng awa at kalinga ng mga “bilanggo,” maging pisikal man o espirituwal.

Katuwang ng nuncio sa pagdiriwang sina San Fernando Archbishop Florentino Lavarias, Archbishop-Emeritus Paciano Aniceto, ang kinatawan ng Mercadarian Order at vice rector ng Basilica de la Mercè na si Fr. Rodolfo Lemus, O.de M., at mga bisitang pari.

Ayon sa kasaysayan, ang debosyon sa Nuestra Señora de la Merced ay nag-ugat pa noong ika-13 siglo sa Espanya nang magpakita ang Mahal na Birhen kina St. Peter Nolasco, St. Raymond of Peñafort, at King James of Aragon kung saan hiniling ang pagtatatag ng orden na nakatuon sa pagliligtas ng mga bihag at pagpapalaganap ng habag ng Diyos.

Dinala ang debosyon sa Pilipinas noong panahon ng kolonyalismo ng Espanya, at sa Candaba, Pampanga ay naging sentro ito ng matibay na pananampalataya, lalo na sa paniniwala sa Mahal na Ina bilang tagapagtanggol at mapagpalaya.

SLP, nakahanda sa national LAIKO assembly

 4,548 total reads

 4,548 total reads Nakahanda na ang Sangguniang Laiko ng Pilipinas, implementing arm ng CBCP-Episcopal Commission on the Laity para sa kauna-unahang National LAIKO Assembly. Nakatakda ang

Read More »

BE OUR PARTNERS

THIS PORTION IS BROUGHT YOU BY

ADVOCATE

Radyo Veritas Advocacy Category by Author

Veritas Editorial

Picture of Rev. Fr. Anton CT Pascual

Rev. Fr. Anton CT Pascual

LEADERSHIP PROBLEM

 14,816 total reads

 14,816 total reads Kapanalig, nahaharap sa kasalukuyan sa samu’t-saring suliranin ang ating bayan. Hindi pa tapos ang problema sa matinding epekto ng oil crisis, tumaas na

Read More »

GUILTY?

 55,811 total reads

 55,811 total reads Nakatanggap ang House prosecution panel ng ulat mula sa social media na maaring humingi ng “compromise agreement” ang defense panel ni VP Sara

Read More »

Bunga ng araw-araw na karahasan

 89,938 total reads

 89,938 total reads Mga Kapanalig, nitong mga nakaraang linggo, nagkaroon ng malawakang kilos-protesta sa mga bansa sa Europa gaya ng France, Italy, Spain, at Portugal. Ilan

Read More »

Umaalis ang mga nars

 146,344 total reads

 146,344 total reads Mga Kapanalig, may ganitong tanong sa isang sikat na kanta: “Napakaraming nars dito sa amin, ngunit bakit tila walang natira?” Ang sagot? “Nag-a-abroad

Read More »

Watch Live

RELATED ARTICLES

Scroll to Top