Shortage of vocations, inamin ni Cebu Archbishop Uy

SHARE THE TRUTH

Send your Love Offering

SAVINGS ACCOUNT NAME

DZRV Radio Veritas Foundation, Inc.

  1. Metrobank Savings Account No.: 076-3-076270210
  2. Banco De Oro Savings Account No.: 001-630011876
  3. BPI Savings Account No.: 0213-3251-91
  4. PNB – Savings account No.: 105-910-013-091

 6,214 total views

Inilahad ni Cebu Archbishop Alberto Uy ang malinaw na direksyon ng Arkidiyosesis ng Cebu sa kanyang kauna-unahang State of the Archdiocese Address (SotAA), na nakatuon sa paghahanda para sa ika-100 anibersaryong pagiging arkidiyosesis sa 2034 sa pamamagitan ng isang synodal na paglalakbay.

Nais ng arsobispo na maging makabuluhan ang pagdiriwang upang matamasa ang grasya ng Panginoon at magdulot ng pagbabago at magandang bunga para sa lokal na simbahan.

“We have committed ourselves to a synodal journey, a shared pilgrimage toward this Jubilee, walking together as one Church,” ayon kay Archbishop Uy.

Nakatuon ang arkidiyosesis ngayong taon sa temang ” Listening Church: Hearing God’s Voice and the Cries of His People.”

Binigyang-diin ng arsobispo sa kanyang SotAA ang lumalaking hamon sa hanay ng kaparian, kung saan karamihan ay papalapit na sa edad ng pagreretiro na maituturing na banta sa bokasyon.

“Nearly 60% of priests are already 50 years old and above… There is a real risk of pastoral strain and shortage if vocations do not increase,” ani ng arsobispo.

Sa kabila ng babala ng arsobispo, nanawagan ito ng agarang pagpapalakas ng bokasyon at mas malawak na partisipasyon ng mga layko.

Sa kabila nito, ipinakita rin ng Arkidiyosesis ang lakas nito sa pagtugon sa krisis.

Sa pamamagitan ng Cebu Caritas, mahigit ₱41 milyon ang nalikom at libu-libong pamilya ang natulungan matapos ang lindol at bagyo.

Patuloy ding pinalalakas ng arkidiyosesis ang mga programa sa edukasyon, katesismo, kabataan, at pangangalaga sa kalikasan.

Ibinahagi rin ni Archbishop Uy ang mga reporma sa pamamahala, kabilang ang pagpapalakas ng transparency sa pananalapi, pagbuo ng unified financial system, at layuning libreng pagpapaospital para sa mga pari.

Binigyang-diin ng arsobispo ang kahalagahan ng pakikiisa at pakikilahok ng bawat isa tungo sa isang matatag na simbahan at nagbubuklod na kawan.

“We are not just doing tasks. We are not just maintaining structures. Together, we are building a living Church…a Church fully alive. And no one can build this alone,” giit ni Archbishop Uy.

Photo courtesy of Archdiocese of Cebu

BE OUR PARTNERS

THIS PORTION IS BROUGHT YOU BY

ADVOCATE

Radyo Veritas Advocacy Category by Author

Veritas Editorial

Picture of Rev. Fr. Anton CT Pascual

Rev. Fr. Anton CT Pascual

PAG-ASA

 7,614 total views

 7,614 total views Kapanalig, tayong mga Pilipino ay patuloy na kumakapit sa Pag-asa (Hope). Nang ma-appoint si dating DOJ secretary Crispin Remulla na Ombudsman noong October

Read More »

VP Sara

 29,619 total views

 29,619 total views Kapanalig, mayroong kasabihan na walang lihim na hindi nabubunyag! Nabunyag sa pagdinig ng House Committee on Justice na dumidinig sa impeachment complaint na

Read More »

Itigil ang pagdanak ng dugo

 53,961 total views

 53,961 total views Mga Kapanalig, 19 na katao ang pinagpapatay sa bayan ng Taboso sa Negros Occidental noong ika-19 ng Abril.  Mahigit anim na raang residente

Read More »

Palabas ba ang giyera kontra droga?

 78,095 total views

 78,095 total views Mga Kapanalig, patuloy ang pagdinig ng House Committee on Justice para alamin ang probable cause para ma-impeach si Vice President Sara Duterte. Noong

Read More »

Instrumento ng karahasan

 113,399 total views

 113,399 total views Mga Kapanalig, may panibago na namang bahid sa imahe ng kapulisan. Hindi pa nga nila lubusang nalilinis ang kanilang hanay mula sa pagiging

Read More »

Watch Live

RELATED ARTICLES

Scroll to Top