PBBM, Nagpaabot ng pagpupugay sa mga Manggagawa sa Labor Day

SHARE THE TRUTH

Send your Love Offering

SAVINGS ACCOUNT NAME

DZRV Radio Veritas Foundation, Inc.

  1. Metrobank Savings Account No.: 076-3-076270210
  2. Banco De Oro Savings Account No.: 001-630011876
  3. BPI Savings Account No.: 0213-3251-91
  4. PNB – Savings account No.: 105-910-013-091

 17,873 total reads

Nagpaabot ng pagbati si Pangulong Ferdinand Marcos Jr. sa lahat ng manggagawang Pilipino sa pagdiriwang ng Labor Day, kasabay ng pagkilala sa kanilang mahalagang gampanin sa pag-unlad ng bansa.

Sa kanyang mensahe, binigyang-diin ng Pangulo na ang mga manggagawa ang itinuturing na haligi ng ekonomiya at lipunan, anuman ang uri ng kanilang trabaho.

“Through your grit and sacrifice, families find stability, and the country finds strength. You are, and will always be, the backbone of our Republic,” ayon sa mensahe ng Pangulo.

Dagdag pa ng punong ehekutibo, “Thus, this day must be more than an observance. It must reaffirm the commitment of both the government and the private sector to build a country where hard work is rewarded and opportunity is real.”

Giit pa ng punong ehekutibo, sa kabila ng mabilis na pag-unlad ng teknolohiya at pagbabago sa industriya, nananatiling mahalaga ang ambag ng mga manggagawang Pilipino sa pagpapatatag ng bansa.

“Together, let us fulfill this promise by fostering an environment that respects honest labor, safeguards livelihoods, and ensures that progress is accessible to ordinary families,” ayon pa kay Pangulong Marcos.

Binigyang-punto rin ng Pangulo na sa pamamagitan ng sipag at sakripisyo ng mga manggagawa, napapalakas ang kabuhayan ng mga pamilya at ang kabuuang katatagan ng bansa.

Hinimok din ng Pangulo ang pamahalaan at pribadong sektor na patuloy na magtulungan upang matiyak na ang pagsisikap ng mga manggagawa ay may kaakibat na sapat na benepisyo, pangangalaga, at oportunidad.

Tiniyak din ng administrasyon na patuloy itong magpapaigting ng mga programa para sa paglikha ng trabaho, pagpapalawak ng oportunidad, at pagpapatibay ng karapatan ng mga manggagawang Pilipino.

BE OUR PARTNERS

THIS PORTION IS BROUGHT YOU BY

ADVOCATE

Radyo Veritas Advocacy Category by Author

Veritas Editorial

Picture of Rev. Fr. Anton CT Pascual

Rev. Fr. Anton CT Pascual

MAHIYA NAMAN KAYO

 70,322 total reads

 70,322 total reads Kapanalig, JULY 28, 2025… naalala niyo pa ba? Ito ang ikaapat na State of the Nation Address (SONA) ng pangulong Ferdinand Marcos Jr.,

Read More »

Kasaysayang ayaw nating maulit

 156,821 total reads

 156,821 total reads Mga Kapanalig, mahigit isang taon na mula nang mabunyag ang iskandalo sa mga palpak at pekeng flood control projects. May mga inaresto at

Read More »

Angry nerds

 199,856 total reads

 199,856 total reads Mga Kapanalig, tila wala namang tinamaan sa mga sinabi ni Pangulong Bongbong Marcos sa kanyang SONA noong isang taon na: “Mahiya naman kayo!”

Read More »

Don’t panic?

 249,615 total reads

 249,615 total reads Mga Kapanalig, bumagsak ang halaga ng piso sa panibagong pinakamababang antas na mahigit sa ₱64 kada isang US dollar! May epekto sa halaga

Read More »

LEADERSHIP PROBLEM

 407,412 total reads

 407,412 total reads Kapanalig, nahaharap sa kasalukuyan sa samu’t-saring suliranin ang ating bayan. Hindi pa tapos ang problema sa matinding epekto ng oil crisis, tumaas na

Read More »

Watch Live

RELATED ARTICLES

Scroll to Top