PASIMBA, paiigtingin ng Archdiocese of Manila

SHARE THE TRUTH

Send your Love Offering

SAVINGS ACCOUNT NAME

DZRV Radio Veritas Foundation, Inc.

  1. Metrobank Savings Account No.: 076-3-076270210
  2. Banco De Oro Savings Account No.: 001-630011876
  3. BPI Savings Account No.: 0213-3251-91
  4. PNB – Savings account No.: 105-910-013-091

 5,788 total reads

Tiniyak ng Manila Archdiocesan Ministry for Labor Concern (RCAM-AMLC) ang patuloy na pagtulong sa mga manggagawa sa pamamagitan ng ibat-ibang programa at pamamaraan.

Ito ang mensahe ni Father Erik Adoviso – Minister ng RCAM-AMLC sa pagdiriwang ngayong araw ng labor day upang higit na mailapit ang simbahan at matulungan ang mga manggagawa.

Ayon sa Pari, nagpapatuloy ngayong ang Paralegal ng simbahan o PASIMBA kung saan nagdaraos ng mga seminars at programang itinuturo sa mga manggagawa ang kanilang mga karapatan at batas na maaring magamit upang maiwasan ang pagmamalabis at malaman ang kanilang mga karapatan.

Gayundin ang paglalapit ng RCAM-AMLC sa mga manggagawa sa mga oportunidad na magkaroon ng trabaho o bagong kabuhayan na matapos mawalan o matanggal sa kanilang trabaho ang mga manggagawa.

“Ganun pa rin naman ang issue ng mga manggagawa: ang pwedeng swelduhin ng isang pangkaraniwang manggagawa. Yun lang naman ang panawagan ng mga manggagawa sa atin, lalong-lalo na yung mga manggagawang nasa laylayan ng lipunan. Sana matapos na rin ang contractualization at gawing regular ang mga contract workers natin. Karapatan ng bawat manggagawa ang disenteng sahod at seguridad sa trabaho,” ayon sa panayam ng Radyo Veritas kay Father Adoviso.

Sa pagdiriwang ng Labor Day ay tiniyak din ni ni Father Adoviso ang pananatili ng pakikibaka kung saan sinasamahan ng simbahan ang mga manggagawa sa pag-apela nang mas maayos na buhay sa pamahalaan.

Ilan sa mga ito ay ang pagsama sa mga manggagawa sa patuloy na panawagan na isulong ang nakakabuhay na suweldo na ayon sa mga pag-aaral ng Ibon Foundation, ngayon ay umaabot na sa hanggang 1,200 ang living minimum wage kada araw upang masuportahan ng mga manggagawa ang kanilang mga pamilya.

“Wala nang kakayahang bumili ang mga pangkaraniwang Pilipino dahil sa patuloy na pagtaas ng presyo ng mga bilihin. Kaya nananawagan tayo na magkaroon ng kontrol ang gobyerno sa presyo ng langis at mga pangunahing bilihin. Sana ay mapag-aralan na rin kung paano wawakasan o maire-repeal ang Oil Deregulation Law. Ito ang mga hamon na patuloy na kinakaharap ng mga manggagawa ngayon,” ayon pa sa panayam ng Radyo Veritas kay Fr.Adoviso.

Gayundin ang patuloy na pagsama ng simbahan at nang RCAM-AMLC sa mga manggagawa upang umapela ng pantay na mga benepisyo at malayang pagkilos katulad ng pagbuo ng union upang mapalakas ang collective bargaining agreement sa pagitan ng mga manggagawa at kanilang mga employers.

BE OUR PARTNERS

THIS PORTION IS BROUGHT YOU BY

ADVOCATE

Radyo Veritas Advocacy Category by Author

Veritas Editorial

Picture of Rev. Fr. Anton CT Pascual

Rev. Fr. Anton CT Pascual

MAHIYA NAMAN KAYO

 70,148 total reads

 70,148 total reads Kapanalig, JULY 28, 2025… naalala niyo pa ba? Ito ang ikaapat na State of the Nation Address (SONA) ng pangulong Ferdinand Marcos Jr.,

Read More »

Kasaysayang ayaw nating maulit

 156,647 total reads

 156,647 total reads Mga Kapanalig, mahigit isang taon na mula nang mabunyag ang iskandalo sa mga palpak at pekeng flood control projects. May mga inaresto at

Read More »

Angry nerds

 199,682 total reads

 199,682 total reads Mga Kapanalig, tila wala namang tinamaan sa mga sinabi ni Pangulong Bongbong Marcos sa kanyang SONA noong isang taon na: “Mahiya naman kayo!”

Read More »

Don’t panic?

 249,441 total reads

 249,441 total reads Mga Kapanalig, bumagsak ang halaga ng piso sa panibagong pinakamababang antas na mahigit sa ₱64 kada isang US dollar! May epekto sa halaga

Read More »

LEADERSHIP PROBLEM

 407,247 total reads

 407,247 total reads Kapanalig, nahaharap sa kasalukuyan sa samu’t-saring suliranin ang ating bayan. Hindi pa tapos ang problema sa matinding epekto ng oil crisis, tumaas na

Read More »

Watch Live

RELATED ARTICLES

Scroll to Top