State of the Archdiocese Address ni Archbishop Uy, pinuri

SHARE THE TRUTH

Send your Love Offering

SAVINGS ACCOUNT NAME

DZRV Radio Veritas Foundation, Inc.

  1. Metrobank Savings Account No.: 076-3-076270210
  2. Banco De Oro Savings Account No.: 001-630011876
  3. BPI Savings Account No.: 0213-3251-91
  4. PNB – Savings account No.: 105-910-013-091

 10,999 total reads

Ikinatuwa ng pamunuan ng Dilaab Foundation sa pangunguna ni Fr. Carmelo Diola ang pagkilala ni Cebu Archbishop Alberto Uy sa kanilang gawaing pagmimisyon sa lipunan.

Sa kauna-unahang State of the Archdiocese Address (SotAA) na ginanap noong April 28 sa Cebu Metropolitan Cathedral, bukod sa mga pastoral na direksyon ng arkidiyosesis, binanggit din ni Archbishop Uy ang mga kasalukuyang programa ng lokal na simbahan na malaking hakbang sa pagpapaigting ng paghuhubog ng mananampalataya.

Sa Commission on Service, kinilala ni Archbishop Uy ang mga gawain ng Dilaab Foundation na nakatuon sa paghuhubog sa iba’t ibang sektor ng lipunan.

“In the same spirit, we gratefully acknowledge the mission of the Dilaab Foundation, under the leadership of Fr. Melo Diola. Inspired by the Word of God, they continue to form and enlighten consciences in various sectors of society, including our police and uniformed personnel,” bahagi ng pahayag ni Archbishop Uy.

Tinukoy din ng arsobispo ang mga programa ng Dilaab Foundation sa larangan ng pakikipag-ugnayan sa publiko lalo na sa mga usaping panlipunan.

“They also provide meaningful socio-political formation for students, leaders, and the wider public, helping guide them toward truth, integrity, and responsible service,” dagdag ng arsobispo.

Itinatag ni Fr. Diola ang Dilaab Foundation 25 taon ang nakalilipas na isang faith-based civil society organization na may layuning pag-alabin ang kamalayan ng mamamayan sa pananampalataya at responsableng pakikilahok sa lipunan.

Ito rin ay tugon sa pangangailangan ng mas matibay na ugnayan ng Simbahan at lipunan, lalo na sa usapin ng mabuting pamamahala, etikal na pamumuno, at matalinong pagboto.

Ilan sa mga gawain ng Dilaab ang voters’ education, leadership formation, at iba’t ibang forum na nag-uugnay sa pananampalataya at mga usaping panlipunan, kabilang na ang pagsusulong ng integridad sa pamahalaan at pakikilahok ng mamamayan sa demokratikong proseso.

BE OUR PARTNERS

THIS PORTION IS BROUGHT YOU BY

ADVOCATE

Radyo Veritas Advocacy Category by Author

Veritas Editorial

Picture of Rev. Fr. Anton CT Pascual

Rev. Fr. Anton CT Pascual

MAHIYA NAMAN KAYO

 68,615 total reads

 68,615 total reads Kapanalig, JULY 28, 2025… naalala niyo pa ba? Ito ang ikaapat na State of the Nation Address (SONA) ng pangulong Ferdinand Marcos Jr.,

Read More »

Kasaysayang ayaw nating maulit

 155,114 total reads

 155,114 total reads Mga Kapanalig, mahigit isang taon na mula nang mabunyag ang iskandalo sa mga palpak at pekeng flood control projects. May mga inaresto at

Read More »

Angry nerds

 198,149 total reads

 198,149 total reads Mga Kapanalig, tila wala namang tinamaan sa mga sinabi ni Pangulong Bongbong Marcos sa kanyang SONA noong isang taon na: “Mahiya naman kayo!”

Read More »

Don’t panic?

 247,908 total reads

 247,908 total reads Mga Kapanalig, bumagsak ang halaga ng piso sa panibagong pinakamababang antas na mahigit sa ₱64 kada isang US dollar! May epekto sa halaga

Read More »

LEADERSHIP PROBLEM

 405,796 total reads

 405,796 total reads Kapanalig, nahaharap sa kasalukuyan sa samu’t-saring suliranin ang ating bayan. Hindi pa tapos ang problema sa matinding epekto ng oil crisis, tumaas na

Read More »

Watch Live

RELATED ARTICLES

Scroll to Top