Mananampalataya, inaanyayahan sa DACOM 2026

SHARE THE TRUTH

Send your Love Offering

SAVINGS ACCOUNT NAME

DZRV Radio Veritas Foundation, Inc.

  1. Metrobank Savings Account No.: 076-3-076270210
  2. Banco De Oro Savings Account No.: 001-630011876
  3. BPI Savings Account No.: 0213-3251-91
  4. PNB – Savings account No.: 105-910-013-091

 7,701 total reads

Inaanyayahan ng Divine Mercy Apostolate ng Dicoese of Tandag ang mga mananampalataya na makibahagi sa ikatlong Diocesan Apostolic Congress on Mercy (DACOM) na gaganapin sa May 18 hanggang 19, 2026.

Alinsunod sa temang “Handum-Laum sa Kalooy sa Ginoo,” layunin ng pagtitipon na pag-alabin ang debosyon sa Banal na Awa ng Diyos at dalhin ang mga kalahok sa isang mas malalim na karanasan ng Kanyang pag-ibig at habag.

Hango sa pandaigdigang misyon ng World Apostolic Congress on Mercy (WACOM), itinuturing ang DACOM bilang mahalagang pagtitipon ng simbahan sa lokal na antas upang palaganapin ang mensahe ng Divine Mercy.

Tampok sa dalawang araw na programa ang banal na misa, Eucharistic adoration, mga makabuluhang talakayan, at mga patotoo ng pananampalataya na inaasahang magbibigay-inspirasyon at magpapatibay sa espiritwal na buhay ng mga dadalo.

Pangunahing magbibigay ng panayam sa pagtitipon sina Tandag Bishop Raul Dael; Exorcist Fr. Darwin Gitgano; at Sr. Pamela May Lonoy, MSM, na maghahatid ng mga pagninilay ukol sa awa ng Diyos at sa panawagang isabuhay ito sa pang-araw-araw.

Bukas ang pagtitipon sa lahat, kabataan, pamilya, at mga layko na nagnanais na maranasan ang pagbabagong dulot ng awa ng Diyos at maging instrumento ng habag sa lipunan.

Sa diwa ng paanyaya, hinihikayat ang mga mananampalataya na makiisa sa DACOM 2026 at tugunan ang panawagang maging maawain tulad ng Ama, bilang paghahanda sa mas aktibong pakikibahagi sa misyon ng simbahan.

BE OUR PARTNERS

THIS PORTION IS BROUGHT YOU BY

ADVOCATE

Radyo Veritas Advocacy Category by Author

Veritas Editorial

Picture of Rev. Fr. Anton CT Pascual

Rev. Fr. Anton CT Pascual

MAHIYA NAMAN KAYO

 59,342 total reads

 59,342 total reads Kapanalig, JULY 28, 2025… naalala niyo pa ba? Ito ang ikaapat na State of the Nation Address (SONA) ng pangulong Ferdinand Marcos Jr.,

Read More »

Kasaysayang ayaw nating maulit

 145,838 total reads

 145,838 total reads Mga Kapanalig, mahigit isang taon na mula nang mabunyag ang iskandalo sa mga palpak at pekeng flood control projects. May mga inaresto at

Read More »

Angry nerds

 188,875 total reads

 188,875 total reads Mga Kapanalig, tila wala namang tinamaan sa mga sinabi ni Pangulong Bongbong Marcos sa kanyang SONA noong isang taon na: “Mahiya naman kayo!”

Read More »

Don’t panic?

 238,634 total reads

 238,634 total reads Mga Kapanalig, bumagsak ang halaga ng piso sa panibagong pinakamababang antas na mahigit sa ₱64 kada isang US dollar! May epekto sa halaga

Read More »

LEADERSHIP PROBLEM

 396,964 total reads

 396,964 total reads Kapanalig, nahaharap sa kasalukuyan sa samu’t-saring suliranin ang ating bayan. Hindi pa tapos ang problema sa matinding epekto ng oil crisis, tumaas na

Read More »

Watch Live

RELATED ARTICLES

Scroll to Top