Devotee’s na dadalaw sa Antipolo cathedral, pagkakalooban ng plenary indulgence

SHARE THE TRUTH

Send your Love Offering

SAVINGS ACCOUNT NAME

DZRV Radio Veritas Foundation, Inc.

  1. Metrobank Savings Account No.: 076-3-076270210
  2. Banco De Oro Savings Account No.: 001-630011876
  3. BPI Savings Account No.: 0213-3251-91
  4. PNB – Savings account No.: 105-910-013-091

 7,842 total reads

Ibinahagi ni Antipolo Bishop Ruperto Santos ang pahintulot ng Apostolic Penitentiary ng Vatican sa pagkakaloob ng plenary indulgence sa mga deboto at peregrinong dadalaw sa International Shrine of Our Lady of Peace and Good Voyage o Antipolo Cathedral.

Ayon sa obispo, ang natatanging biyayang espirituwal ay kaugnay ng pagdiriwang sa karangalan ng Mahal na Birhen ng Antipolo sa pagdiriwang ng ika-400 taon ng pagdating ng imahe sa Pilipinas at ika-100 anibersaryo ng canonical coronation.

“By virtue of the petition of the Bishop of Antipolo, the Most Reverend Ruperto Cruz Santos, the Holy Father, His Holiness Pope Leo XIV, through the Apostolic Penitentiary, has graciously granted the gift of a Plenary Indulgence to the faithful who devoutly participate in the solemn celebrations in honor of Our Lady of Peace and Good Voyage,” ayon sa isinasaad sa decree.”

Ayon sa kautusan, maaaring makamit ang plenary indulgence na nagpapatawad sa lahat ng temporal na kaparusahan ng kasalanan ng mga debotong magsasagawa ng pilgrimage sa Antipolo Cathedral at taimtim na makikibahagi sa mga banal na gawain, kabilang ang panalangin, pagninilay, at iba pang gawaing debosyon.

Saklaw sa bisa ng indulhensya ang mga sabado mula noong December 6, 2025 hanggang November 28, 2026 kasabay ng inaasahang pagdating ng milyong-milyong deboto na makikiisa sa mahalagang pagdiriwang ng debosyon sa Birhen ng Antipolo.

Sinabi ni Bishop Santos na upang matanggap ng mga peregrino at deboto ang plenary indulgence ay nararapat pa ring sundin ang mga itinakdang alituntunin ng simbahan sa pagtanggap, kabilang ang pagkumpisal, pagtanggap ng Banal na Komunyon, at panalangin para sa intensyon ng Santo Papa.

Isinaad din sa kalatas na ang mga matatanda, maysakit at may kapansanang walang kakayahang dumalaw nang pisikal sa pandaigdigang dambana ay maaari pa ring magtamo ng biyaya ng indulhensya kung makikiisa sa espiritwal na mga pagdiriwang at mag-aalay ng kanilang panalangin at paghihirap sa Diyos.

Hinimok ni Bishop Santos ang mga pari na maging bukas sa paggawad sa sakramento ng kumpisal sa mga deboto at peregrino upang tamasahin ang plenary indulgence ng simbahan.

Dalangin ni Bishop Santos na gamiting pagkakataon ng mananampalataya ang natatanging pagdiriwang ng international shrine sa buong taon ng 2026 na sa tulong ng debosyon ng Mahal na Birhen ng Antipolo ay higit na mapalapit ang bawat isa kay Hesus sa pamamagitan ng pamimuntuho sa Mahal na Ina.

BE OUR PARTNERS

THIS PORTION IS BROUGHT YOU BY

ADVOCATE

Radyo Veritas Advocacy Category by Author

Veritas Editorial

Picture of Rev. Fr. Anton CT Pascual

Rev. Fr. Anton CT Pascual

MAHIYA NAMAN KAYO

 57,879 total reads

 57,879 total reads Kapanalig, JULY 28, 2025… naalala niyo pa ba? Ito ang ikaapat na State of the Nation Address (SONA) ng pangulong Ferdinand Marcos Jr.,

Read More »

Kasaysayang ayaw nating maulit

 144,375 total reads

 144,375 total reads Mga Kapanalig, mahigit isang taon na mula nang mabunyag ang iskandalo sa mga palpak at pekeng flood control projects. May mga inaresto at

Read More »

Angry nerds

 187,412 total reads

 187,412 total reads Mga Kapanalig, tila wala namang tinamaan sa mga sinabi ni Pangulong Bongbong Marcos sa kanyang SONA noong isang taon na: “Mahiya naman kayo!”

Read More »

Don’t panic?

 237,171 total reads

 237,171 total reads Mga Kapanalig, bumagsak ang halaga ng piso sa panibagong pinakamababang antas na mahigit sa ₱64 kada isang US dollar! May epekto sa halaga

Read More »

LEADERSHIP PROBLEM

 395,609 total reads

 395,609 total reads Kapanalig, nahaharap sa kasalukuyan sa samu’t-saring suliranin ang ating bayan. Hindi pa tapos ang problema sa matinding epekto ng oil crisis, tumaas na

Read More »

Watch Live

RELATED ARTICLES

Scroll to Top