Articles of impeachment laban kay VP Duterte, inaprubahan ng House Committee on Justice

SHARE THE TRUTH

Send your Love Offering

SAVINGS ACCOUNT NAME

DZRV Radio Veritas Foundation, Inc.

  1. Metrobank Savings Account No.: 076-3-076270210
  2. Banco De Oro Savings Account No.: 001-630011876
  3. BPI Savings Account No.: 0213-3251-91
  4. PNB – Savings account No.: 105-910-013-091

 13,436 total reads

Inaprubahan ng House Committee on Justice ang impeachment laban kay Vice President Sara Duterte matapos makuha ang suporta ng 55 miyembro na dumalo sa pagdinig. Isinumite na ng komite sa plenaryo ang Committee Report, kasama ang resolution, at Articles of Impeachment, para sa deliberasyon at botohan.

Batay sa ulat, natukoy ng komite ang pagkakaroon ng probable cause matapos ang ilang linggong pagdinig at pagsusuri ng mga dokumento at ebidensya. Ayon sa komite, sapat ang mga nakalap na datos upang umusad ang proseso ng impeachment alinsunod sa itinakda ng Konstitusyon.

Kinumpirma ni Committee Chairperson Gerville Luistro na lahat ng 55 miyembrong dumalo ay pabor sa pagpapatibay ng ulat at ng kalakip na Articles of Impeachment.

“Let it be placed on the record that 55, out of 55 Justice members physically present, manifested their support to the approval of the Committee Report, to the attached resolution setting forth the Articles of Impeachment, as amended. The Chair therefore declares the motion unanimously approved,” ayon kay Luistro.

Pinagsama sa Committee Report ang dalawang reklamo na itinuring na sapat sa porma at nilalaman. Nauna nang naghain ng tugon si Duterte noong March 16, habang isinuko naman ng mga complainant ang kanilang karapatang tumugon, kaya’t tuluyang nakapagpasya ang komite sa usapin ng probable cause.

Kabilang sa mga batayan ng impeachment ang sinasabing paglabag sa Konstitusyon, katiwalian at korapsyon, panunuhol, mabibigat na krimen, at pagtataksil sa tiwala ng publiko.

Ilan sa mga alegasyon laban sa Pangalawang Pangulo:
• Maling paggamit at kuwestiyonableng liquidation ng mahigit ₱600 milyong confidential funds sa Office of the Vice President at Department of Education
• Hindi maipaliwanag na yaman at hindi kumpletong deklarasyon sa SALN
• Umano’y sangkot sa panunuhol at korapsyon ang ilang opisyal sa ilalim ng kanyang pamumuno
• Pag-uugnay sa umano’y mga banta at akto ng karahasan laban sa matataas na opisyal ng pamahalaan
• Mga hakbang na itinuturing na destabilization at pang-aabuso sa kapangyarihan

Tinukoy din sa ulat ang mga audit findings ng Commission on Audit, ulat ng Anti-Money Laundering Council, at testimonya ng mga saksi at eksperto. Kabilang sa mga ebidensyang tinalakay sa pagdinig ang:
• Malalaking halagang sinasabing dumaan sa impormal na transaksyon
• Mga resibo at liquidation documents na may indikasyon ng pamemeke
• Mga pangalang walang tugma sa opisyal na talaan
• Mga rekomendasyon ng refund at bilyong pisong transaksyon na sinuri
Ayon kay Luistro, sinuri ng komite ang lahat ng ebidensya, kabilang ang sariling SALN ni Duterte, na nagbukas ng usapin sa posibleng hindi tugmang deklarasyon ng yaman.

Hindi na rin binuksan ng komite ang isang sealed box ng tax records mula sa Bureau of Internal Revenue dahil sa legal na limitasyon.

Sa pag-apruba ng Committee Report, nakatakdang talakayin at pagbotohan sa plenaryo ng Kamara ang Articles of Impeachment. Kapag nakuha ang boto ng hindi bababa sa one-third ng lahat ng miyembro ng House of Representatives o 106, iaakyat ang kaso sa Senado na siyang magsisilbing impeachment court.

BE OUR PARTNERS

THIS PORTION IS BROUGHT YOU BY

ADVOCATE

Radyo Veritas Advocacy Category by Author

Veritas Editorial

Picture of Rev. Fr. Anton CT Pascual

Rev. Fr. Anton CT Pascual

Mas malusog na Pilipino?

 2,725 total reads

 2,725 total reads Mga Kapanalig, dumarami ang mga Pilipinong overweight at obese. Ayon sa Food and Nutrition Research Institute, 16% ng mga batang edad 5 hanggang

Read More »

Mas mabigat kaysa teknikalidad

 35,082 total reads

 35,082 total reads Mga Kapanalig, sa Ebanghelyo ni San Mateo, matutunghayan natin ang pagtuligsa ni Hesus sa mga tagapagturo ng kautusan at sa mga Pariseo. Mababasa

Read More »

Sense of entitlement!

 101,140 total reads

 101,140 total reads Kapanalig, laganap sa ating bayan.. sa ating mga Pilipino, lalu na sa mga lider ng bansa ang ‘culture of superiority’, maging sa loob

Read More »

SIMPLENG LOHIKA

 120,444 total reads

 120,444 total reads Kapanalig, simpleng lohika lamang ang kailangan ng mga Senador-judges para pagbotohan kung iko-convict o hindi si Vice-President Sara Duterte. Ito ang kasagutan ni

Read More »

Paghilom ng ozone layer

 198,673 total reads

 198,673 total reads Mga Kapanalig, break muna tayo sa mga bad news. Pag-usapan naman natin ang isang magandang balita sa usapin ng klima. Naaalala ba ninyo

Read More »

Watch Live

RELATED ARTICLES

Scroll to Top