Pananagutan sa sunog sa Navotas landfill, panawagan ng PMPI

SHARE THE TRUTH

Send your Love Offering

SAVINGS ACCOUNT NAME

DZRV Radio Veritas Foundation, Inc.

  1. Metrobank Savings Account No.: 076-3-076270210
  2. Banco De Oro Savings Account No.: 001-630011876
  3. BPI Savings Account No.: 0213-3251-91
  4. PNB – Savings account No.: 105-910-013-091

 6,335 total reads

Nanawagan ang Philippine Misereor Partnership Inc. ng pananagutan at mas mahigpit na pagtugon kasunod ng naganap na sunog sa Navotas Sanitary Landfill.

Ayon sa PMPI, sumasalamin ang insidente sa matagal nang kakulangan sa maayos na pamamahala at mahinang pagpapatupad ng mga polisiya sa operasyon ng landfill.

Ikinabahala ng grupo ang makapal at nakalalasong usok na umabot sa iba’t ibang bahagi ng Metro Manila, na nagdulot ng panganib sa kalusugan ng mga komunidad at maging ng mga biyaherong dumaraan sa pangunahing lansangan.

“Commuters have reported dense, pungent air along major corridors such as the Skyway toward Pasay, while local governments have issued warnings that air quality has reached very unhealthy to emergency levels,” pahayag ng PMPI.

Iginiit ng PMPI na ang patuloy na pagbuga ng mapanganib na emisyon mula sa landfill ay hindi lamang usaping teknikal, kundi paglabag sa karapatan ng mamamayan sa isang malinis, ligtas, at balanseng kapaligiran.

Binigyang-diin din ng organisasyon na ipinapakita ng insidente ang mga suliraning nais tugunan ng panukalang Ecocide Prevention Act, kabilang ang hindi agarang pagtugon sa mga panganib, mahinang pagpapatupad ng batas, pagpapabaya sa mga umiiral na banta, at paglalagay sa mga komunidad sa panganib ng nakalalasong polusyon.

“Accountability must therefore extend beyond landfill operators to the institutions that permit these dangerous conditions to exist. The public deserves protection and assurance that environmental hazards are neither minimized nor normalized,” ayon sa PMPI.

Dahil dito, nanawagan ang PMPI ng isang malinaw at bukas na imbestigasyon, agarang proteksyon para sa mga apektadong residente, at kabuuang pagrepaso sa pamamahala ng landfill at mga emergency system sa bansa.

Nanindigan ang grupo na hindi dapat maging normal ang ganitong mga insidente dahil bawat pagwawalang-bahala sa pinsalang pangkalikasan ay naglalagay sa buhay, kalusugan, at kinabukasan ng mga komunidad sa mas malaking panganib.

BE OUR PARTNERS

THIS PORTION IS BROUGHT YOU BY

ADVOCATE

Radyo Veritas Advocacy Category by Author

Veritas Editorial

Picture of Rev. Fr. Anton CT Pascual

Rev. Fr. Anton CT Pascual

Mas malusog na Pilipino?

 25,063 total reads

 25,063 total reads Mga Kapanalig, dumarami ang mga Pilipinong overweight at obese. Ayon sa Food and Nutrition Research Institute, 16% ng mga batang edad 5 hanggang

Read More »

Mas mabigat kaysa teknikalidad

 57,209 total reads

 57,209 total reads Mga Kapanalig, sa Ebanghelyo ni San Mateo, matutunghayan natin ang pagtuligsa ni Hesus sa mga tagapagturo ng kautusan at sa mga Pariseo. Mababasa

Read More »

Sense of entitlement!

 123,264 total reads

 123,264 total reads Kapanalig, laganap sa ating bayan.. sa ating mga Pilipino, lalu na sa mga lider ng bansa ang ‘culture of superiority’, maging sa loob

Read More »

SIMPLENG LOHIKA

 142,567 total reads

 142,567 total reads Kapanalig, simpleng lohika lamang ang kailangan ng mga Senador-judges para pagbotohan kung iko-convict o hindi si Vice-President Sara Duterte. Ito ang kasagutan ni

Read More »

Paghilom ng ozone layer

 219,648 total reads

 219,648 total reads Mga Kapanalig, break muna tayo sa mga bad news. Pag-usapan naman natin ang isang magandang balita sa usapin ng klima. Naaalala ba ninyo

Read More »

Watch Live

RELATED ARTICLES

PBBM, binigyan ng ATM ng mababang marka

 116,614 total reads

 116,614 total reads Binigyan ng Alyansa Tigil Mina (ATM) ng pinakamababang marka ang administrasyon ni Pangulong Ferdinand Marcos, Jr. sa usapin ng pagmimina, kasabay ng ikalimang

Read More »
Scroll to Top