Lumalawak na militarisasyon sa Pilipinas, ikinababahala

SHARE THE TRUTH

Send your Love Offering

SAVINGS ACCOUNT NAME

DZRV Radio Veritas Foundation, Inc.

  1. Metrobank Savings Account No.: 076-3-076270210
  2. Banco De Oro Savings Account No.: 001-630011876
  3. BPI Savings Account No.: 0213-3251-91
  4. PNB – Savings account No.: 105-910-013-091

 8,142 total reads

Nababahala ang ‘SENTRO ng mga Nagkakaisa at Progresibong Manggagawa’ at women’s organization na ‘Coalition Against Trafficking in Women–Asia Pacific’ o CATW-AP sa lumalawak na militarization sa bansa kasunod ng mga missile deployment at war exercises ng Pilipinas kasama ang Estados Unidos at Japan.

Ayon sa mga grupo, mapanganib ang pagpapalawak ng mga katulad nakakabahala na military activities kabilang ang pagdaraos ng nga anti-ship missiles at deployments ng advanced missile systems sa Northern Luzon na bahagi ng Balikatan Exercises 2026 dahil mas inilalapit nito ang Pilipinas sa tensyon sa pagitan ng malalaking bansa sa mundo.

Ayon kay SENTRO Secretary General Josua Mata na sa gitna ng nararanasang kawalan ng trabaho, pagtaas ng presyo ng mga bilihin, contractualization at iba pang suliraning panlipunan ay hindi dapat unahin ng pamahalaan ang pagpapalawak ng sandatahang lakas kung saan binigyang-diin din na mas mahalaga para sa mga manggagawa ang trabaho, sapat na sahod, serbisyong panlipunan at climate resilience.

““At a time when workers are suffering from unemployment, soaring prices, contractualization, and worsening social insecurity, it is unacceptable that the country is being pushed further into a regional arms buildup,” said Josua Mata, Secretary General of Sentro mga Nagkakaisa at Progresibong Manggagawa (SENTRO). “The Filipino working class must not become cannon fodder in an inter-imperialist rivalry that serves neither our sovereignty nor our people’s welfare,” ayon sa mensahe ni Mata na pindala ng SENTRO sa Radyo Veritas.

Nagbabala rin si Jean Enriquez ng CATW-AP na may kaakibat na panganib para sa kababaihan at mga bata ang militarisasyon kabilang ang trafficking, sexual exploitation, displacement at iba pang anyo ng karahasan sa mga komunidad na naaapektuhan ng tensyon militar.

Iginiit ng mga grupo na bagama’t mahalagang ipagtanggol ang soberanya ng bansa sa West Philippine Sea ay hindi dapat mauwi ito sa higit pang military escalation o gawing sentro ng digmaan ang Pilipinas, nanawagan din ang mga ito para sa mas malinaw na transparency at accountability sa mga kasunduan at deployment ng dayuhang militar sa bansa.

“The West Philippine Sea must not become a missile theater for escalating geopolitical conflict,” the groups said. “We reiterate the call for the demilitarization of the West Philippine Sea and the broader region, and oppose military escalation by all major powers,” ayon naman sa mensahe ni Enriquez na pinadala ng SENTRO sa Radyo Veritas.

Kaugnay nito, patuloy namang isinusulong ng Simbahang Katolika ang kahalagahan ng kapayapaan, dignidad ng tao at dayalogo bilang pangunahing landas sa pagresolba ng mga sigalot, alinsunod sa panawagan ni Pope Leo XIV na pairalin ang pagkakaisa at makataong seguridad sa gitna ng pandaigdigang tensyon.

BE OUR PARTNERS

THIS PORTION IS BROUGHT YOU BY

ADVOCATE

Radyo Veritas Advocacy Category by Author

Veritas Editorial

Picture of Rev. Fr. Anton CT Pascual

Rev. Fr. Anton CT Pascual

Mas malusog na Pilipino?

 30,398 total reads

 30,398 total reads Mga Kapanalig, dumarami ang mga Pilipinong overweight at obese. Ayon sa Food and Nutrition Research Institute, 16% ng mga batang edad 5 hanggang

Read More »

Mas mabigat kaysa teknikalidad

 62,544 total reads

 62,544 total reads Mga Kapanalig, sa Ebanghelyo ni San Mateo, matutunghayan natin ang pagtuligsa ni Hesus sa mga tagapagturo ng kautusan at sa mga Pariseo. Mababasa

Read More »

Sense of entitlement!

 128,600 total reads

 128,600 total reads Kapanalig, laganap sa ating bayan.. sa ating mga Pilipino, lalu na sa mga lider ng bansa ang ‘culture of superiority’, maging sa loob

Read More »

SIMPLENG LOHIKA

 147,902 total reads

 147,902 total reads Kapanalig, simpleng lohika lamang ang kailangan ng mga Senador-judges para pagbotohan kung iko-convict o hindi si Vice-President Sara Duterte. Ito ang kasagutan ni

Read More »

Paghilom ng ozone layer

 224,656 total reads

 224,656 total reads Mga Kapanalig, break muna tayo sa mga bad news. Pag-usapan naman natin ang isang magandang balita sa usapin ng klima. Naaalala ba ninyo

Read More »

Watch Live

RELATED ARTICLES

Scroll to Top