Search

Veritas PH

The WORD. The TRUTH.

SAC-Legazpi, patuloy ang paghahatid ng tulong sa mga naapektuhan ng bulkang Mayon

SHARE THE TRUTH

Send your Love Offering

SAVINGS ACCOUNT NAME

DZRV Radio Veritas Foundation, Inc.

  1. Metrobank Savings Account No.: 076-3-076270210
  2. Banco De Oro Savings Account No.: 001-630011876
  3. BPI Savings Account No.: 0213-3251-91
  4. PNB – Savings account No.: 105-910-013-091

 7,426 total views

Patuloy ang paghahatid ng tulong ng Social Action Center ng Diocese of Legazpi sa mga residenteng naapektuhan ng pagliligalig ng Bulkang Mayon, habang isinailalim naman sa state of calamity ang walong lungsod at bayan sa Albay.

Nagsagawa ang SAC-Legazpi ng community relief operation sa Tagaytay Elementary School na kasalukuyang nagsisilbing evacuation center para sa mga pamilya mula sa Barangay Anoling sa Camalig.

Ayon sa social action arm ng diyosesis, umabot sa 124 pamilya o 435 indibidwal ang nabigyan ng pagkain, face masks, inuming tubig, at hygiene kits sa isinagawang relief mission.

Nagpasalamat din ang simbahan sa mga donor, volunteers, parish workers, barangay health workers, at iba pang katuwang na agad na tumugon sa panawagan para sa mga nagsilikas.

“As Mayon continues to affect communities in Albay, we remain committed to reaching more families in need,” ayon sa SAC Legazpi.

Hinikayat naman ng SAC Legazpi ang publiko na patuloy na makiisa sa pagtulong sa mga apektadong pamilya sa pamamagitan ng cash donations sa GCash account ni Legazpi SAC Director, Fr. Eric Martilliano sa 0995-749-6571, o sa BPI account na Social Action Center-SPM, sa account number na 0851-0067-37.

Maaari ring maghatid ng in-kind donations sa tanggapan ng SAC-Legazpi sa Cathedral Compound sa Legazpi City.

Samantala, sa bisa ng Provincial Resolution, isinailalim sa state of calamity ang mga lungsod ng Legazpi, Tabaco, at Ligao, gayundin ang mga bayan ng Santo Domingo, Malilipot, Daraga, Guinobatan, at Camalig upang mapabilis ang disaster response at rehabilitation efforts.

Sa ilalim ng deklarasyon, maaari nang gamitin ng mga apektadong local government units ang kanilang Quick Response Fund at magpatupad ng price control measures at iba pang kinakailangang hakbang para sa mga apektadadong komunidad.

BE OUR PARTNERS

THIS PORTION IS BROUGHT YOU BY

ADVOCATE

Radyo Veritas Advocacy Category by Author

Veritas Editorial

Picture of Rev. Fr. Anton CT Pascual

Rev. Fr. Anton CT Pascual

Karapatan sa kalusugan para sa iilan?

 6,364 total views

 6,364 total views Mga Kapanalig, ang healthcare o pangangalaga sa kalusugan ay isang pangunahing karapatang pantao. Hindi ito luho. Hindi ito pribilehiyo para lamang sa iilan.

Read More »

Maging instrumento ng katotohanan

 29,386 total views

 29,386 total views Mga Kapanalig, parami na nang parami ang mga nakatatanggap ng mga maleta na naglalaman ng limpak-limpak na perang kickback diumano mula sa mga

Read More »

A WAY TO LATE?

 68,880 total views

 68,880 total views Huli na ba ang lahat? O blessings in disguise? Kapanalig, sa paglaganap ng social media at pagkaroon ng access ng mayorya ng mga

Read More »

Sapat na kanin sa mesa

 84,128 total views

 84,128 total views Mga Kapanalig, hindi maaaring mawala ang kanin sa mesa ng bawat pamilyang Pilipino, kaya mahalagang tiyaking sapat ang suplay ng bigas sa mga

Read More »

Watch Live

RELATED ARTICLES

Scroll to Top