Isabuhay ang katotohanan at panalangin,paalala ng pangulo ng Radyo Veritas sa mananampalataya

SHARE THE TRUTH

Send your Love Offering

SAVINGS ACCOUNT NAME

DZRV Radio Veritas Foundation, Inc.

  1. Metrobank Savings Account No.: 076-3-076270210
  2. Banco De Oro Savings Account No.: 001-630011876
  3. BPI Savings Account No.: 0213-3251-91
  4. PNB – Savings account No.: 105-910-013-091

 17,040 total reads

Pinaalalahanan ni Radyo Veritas President, Fr. Roy Bellen, ang mananampalataya sa kahalagahan ng pagsasabuhay ng katotohanan na may kalakip na panalangin.

Ito ang mensahe ng pari sa nalalapit na pagdiriwang ng kapistahan ng Our Lady of Veritas sa May 16.

Ayon kay Fr. Bellen, ang pagdiriwang ay paalala sa misyon ng Simbahan na ipahayag ang Mabuting Balita kasama ang paggabay ng Mahal na Birheng Maria tungo sa landas ng katotohanan sa kanyang Anak na si Hesukristo.

“Ito po’y paalala po sa atin na kasama ang Mahal na Ina sa misyon po na magpahayag ng mabuting balita,” ayon kay Fr. Bellen.

Ipinaliwanag ng pari na mahalaga ang sama-samang pagkilos upang maprotektahan at maipalaganap ang katotohanan lalo na sa gitna ng iba’t ibang hamon sa lipunan, ngunit iginiit ng pari na dapat kaakibat nito ang pananalangin.

“Totoo po, tayong mga Pilipino, tayong mga tao, kailangan pong kumilos para ang katotohanan maprotektahan at maipahayag, pero hindi ito maaaring maihiwalay sa panalangin,” ani ni Fr. Bellen.

Binigyang-diin din nito na hindi sapat ang pagkilos lamang kung wala ang paggabay at biyaya ng Diyos.

Kaugnay ng pagdiriwang, dadalhin ang imahe ng Our Lady of Veritas sa National Shrine of Mary Queen of Peace o EDSA Shrine bilang paggunita rin sa makasaysayang papel ng Radio Veritas noong People Power Revolution.

Umaasa naman ang pari na magsilbing inspirasyon ang kapistahan upang higit na mapatatag ang paninindigan ng mamamayan para sa katotohanan at pananampalataya.

“Nawa ang pagdiriwang na ito ay magpaalala ng kahalagahan po ng ating pakikipaglaban para po sa katotohanan, pero palaging may kasamang panalangin at basbas ng ating Panginoon,” saad ni Fr. Bellen.

Pangungunahan ni Fr. Bellen ang fiesta mass ng Our Lady of Veritas sa alas 12 ng tanghali sa EDSA Shrine na mapakikinggan sa himpilan, mapapanood sa lahat ng digital streaming platforms at sa Veritas TV sa Sky Cable 211 at Veritas TV Cebu 47.1.

Ipanalangin at protektahan ang mga inuusig

 20,154 total reads

 20,154 total reads Hinimok ni Caritas Philippines President at San Carlos Bishop Gerardo Alminaza ang mga mananampalataya na ipagtanggol ang kalayaan ng bawat isa na isabuhay

Read More »

BE OUR PARTNERS

THIS PORTION IS BROUGHT YOU BY

ADVOCATE

Radyo Veritas Advocacy Category by Author

Veritas Editorial

Picture of Rev. Fr. Anton CT Pascual

Rev. Fr. Anton CT Pascual

Usapang klima

 34,228 total reads

 34,228 total reads Mga Kapanalig, ngayon ang huling araw ng Global Warming and Climate Change Consciousness Week na isinasagawa taun-taon mula November 19 hanggang 25. Kasabay

Read More »

Hindi krimen ang magprotesta

 150,007 total reads

 150,007 total reads Mga Kapanalig, nairaos na ang ASEAN Summit. Mahalaga ito sa pagtataguyod ng mabuting ugnayan ng mga bansa sa Timog Silangang Asya at iba

Read More »

THE LOST LESSONS

 270,586 total reads

 270,586 total reads Kapanalig, A Nation That Fails to Educate Its Children Risks Its Future Madalas sinasabi, ang edukasyon ang pundasyon ng kinabukasan ng isang bansa.

Read More »

NAKAHANDA BA TAYO WHEN NATURE STRIKES

 318,989 total reads

 318,989 total reads Kapanalig, ang climate change ay hindi na isang banta. Ito ay kumakatok na sa ating mga pintuan, binabaha ang ating tahanan, sinisira ang

Read More »

Watch Live

RELATED ARTICLES

Scroll to Top