Cardinal Advincula, nagpaabot ng pakikiisa at panalangin sa mga naapektuhan ng lindol sa GENSAN at karatig lugar

SHARE THE TRUTH

Send your Love Offering

SAVINGS ACCOUNT NAME

DZRV Radio Veritas Foundation, Inc.

  1. Metrobank Savings Account No.: 076-3-076270210
  2. Banco De Oro Savings Account No.: 001-630011876
  3. BPI Savings Account No.: 0213-3251-91
  4. PNB – Savings account No.: 105-910-013-091

 6,728 total reads

Cardinal Advincula, nagpaabot ng pakikiisa at panalangin sa mga naapektuhan ng lindol sa GENSAN at karatig lugar

Nagpahayag ng pakikiisa at panalangin si Manila Archbishop Cardinal Jose Advincula para sa mga biktima ng magnitude 7.8 na lindol na yumanig sa General Santos City at mga karatig na lugar.
Batid ng kardinal ang pangamba at takot ng mga mamamayang apektado ng pagyanig kaya’t tiniyak nito ang patuloy na pananalangin para sa kahinahunan at katatagan.

“With deep sorrow, I join our brothers and sisters in General Santos City and the surrounding communities who have been affected by the recent earthquake,” pahayag ni Cardinal Advincula sa Radyo Veritas.

Hinikayat din ng arsobispo ang mga mananampalataya na makiisa sa karanasan ng mga biktima ng lindol sa pamamagitan ng paglingap, lalo na sa kanilang mga pangunahing pangangailangan.

“In these difficult moments, may we draw strength from our faith and from the solidarity of one another,” dagdag ng cardinal.

“I also encourage all people of goodwill to extend whatever assistance they can to those in need.”

Dalangin ni Cardinal Advincula ang kaligtasan, kaginhawaan, at pag-asa ng mga naapektuhan ng sakuna, gayundin ang paggabay ng Diyos sa mga rescuer, emergency responders, at mga lokal na opisyal na nangunguna sa paghahatid ng tulong at sa pagbangon ng mga komunidad.

Sa pamamagitan ng panalangin at pagkakaisa, umaasa ang cardinal na makakamit ng mga apektadong mamamayan ang kinakailangang suporta at lakas upang malampasan ang pagsubok na dulot ng lindol.
Sa datos ng Philippine Institute of Volcanology and Seismology (Phivolcs), alas 7:37 ng umaga noong June 8 nang mangyari ang tectonic quake sa lugar.

Ayon naman sa Office of Civil Defense naitala na sa 19 ang nasawi sa lindol, mahigit sa 100 ang nasutagan habang maraming gusali naman ang napinsala kabilang ang mga simbahan.

BE OUR PARTNERS

THIS PORTION IS BROUGHT YOU BY

ADVOCATE

Radyo Veritas Advocacy Category by Author

Veritas Editorial

Picture of Rev. Fr. Anton CT Pascual

Rev. Fr. Anton CT Pascual

GUILTY?

 9,537 total reads

 9,537 total reads Nakatanggap ang House prosecution panel ng ulat mula sa social media na maaring humingi ng “compromise agreement” ang defense panel ni VP Sara

Read More »

Bunga ng araw-araw na karahasan

 45,499 total reads

 45,499 total reads Mga Kapanalig, nitong mga nakaraang linggo, nagkaroon ng malawakang kilos-protesta sa mga bansa sa Europa gaya ng France, Italy, Spain, at Portugal. Ilan

Read More »

Umaalis ang mga nars

 101,905 total reads

 101,905 total reads Mga Kapanalig, may ganitong tanong sa isang sikat na kanta: “Napakaraming nars dito sa amin, ngunit bakit tila walang natira?” Ang sagot? “Nag-a-abroad

Read More »

MADALDAL KULANG SA GAWA

 225,144 total reads

 225,144 total reads Kapanalig, magaling itong si Department of Interior and Local Government secretary Jonvic Remulla. Sa press release lalu na sa pagsasalita sa media, magaling

Read More »

Watch Live

RELATED ARTICLES

Scroll to Top