Bishop Santos sa mga mag-aaral, hingin ang gabay ng Espiritu Santo

SHARE THE TRUTH

Send your Love Offering

SAVINGS ACCOUNT NAME

DZRV Radio Veritas Foundation, Inc.

  1. Metrobank Savings Account No.: 076-3-076270210
  2. Banco De Oro Savings Account No.: 001-630011876
  3. BPI Savings Account No.: 0213-3251-91
  4. PNB – Savings account No.: 105-910-013-091

 415 total views

Hinimok ni Antipolo Bishop Ruperto Santos ang mga mag-aaral na harapin ang mga hamon at pangambang kaakibat ng pagbubukas ng klase nang may pananampalataya, lakas ng loob, at pagtitiwala sa Diyos.

Ito ang mensahe ng obispo sa pagbubukas ng bagong taong pampaaralan 2026-2027, kung saan inihalintulad ng obispo ang karanasan ng mga estudyante sa mga apostol bago ang Pentekostes na nababalot ng takot at pangamba sa hinaharap.

“On that first Pentecost, fear turned into courage, confusion into clarity, and a small group of disciples became the unstoppable force that would spread the Gospel to the ends of the earth,” ayon sa pahayag ni Bishop Santos.

Binigyang-diin ng obispo na ang parehong Espiritu Santo na nagbigay ng tapang sa mga apostol ay patuloy na gumagabay sa mga mananampalataya sa kasalukuyan.

Partikular na hinikayat ng obispo ang mga mag-aaral na humingi ng patnubay ng Espiritu Santo sa kanilang pag-aaral at sa kanilang pang-araw-araw na buhay.

“God never calls us to a task without also providing the grace necessary to accomplish it,” paalala ng obispo.

Kinilala at pinasalamatan ng obispo ang mga guro at kawani ng paaralan sa kanilang mahalagang tungkulin sa paghubog ng kabataan na maituturing na isang mahalagang bokasyon.

“To our teachers and school personnel: may you continue to be instruments of God’s wisdom and compassion, forming not only minds but also hearts. Your vocation remains one of the noblest forms of service to society and to the Church,” giit ni Bishop Santos.

Pinasalamatan din ni Bishop Santos ang mga magulang sa kanilang mga sakripisyo at walang sawang paggabay sa kanilang mga anak upang matuklasan at malinang ang mga kakayahang ipinagkaloob ng Panginoon.

Kasabay nito, binigyang-diin ng obispo ang mahalagang papel ng kabataan sa Simbahan at sa lipunan.

“Our youth are not only the leaders of tomorrow; they are already a vital force in the Church and society today. They are a precious gift from God and the hope of our future,” ani Bishop Santos.

Apela ni Bishop Santos sa buong pamayanan, lalo na sa sektor ng edukasyon, na magkaisa sa panalangin upang maging mabunga, ligtas, at pinagpala ang bagong taong pampaaralan.

“Like the Apostles at Pentecost, may we move beyond fear and embrace the future with faith, courage, and confidence in God’s providence,” ayon sa obispo.

Sa datos ng Department of Education tinatayang nasa 26 na milyon hanggang 28 milyong estudyante ang inaasahang mag-aaral ngayong taong pampaaralan.

BE OUR PARTNERS

THIS PORTION IS BROUGHT YOU BY

ADVOCATE

Radyo Veritas Advocacy Category by Author

Veritas Editorial

Picture of Rev. Fr. Anton CT Pascual

Rev. Fr. Anton CT Pascual

Papalayô sa tunay na demokrasya

 25,818 total views

 25,818 total views Mga Kapanalig, patuloy ang gulo sa Senado, isang institusyong inaasahan nating kumakatawan sa ating mga hangarin at tumutugon sa ating mga pangangailangan.  Noong

Read More »

BAKIT BIGO ANG K-12?

 75,832 total views

 75,832 total views Kapanalig, ipinatupad ang K-12 program o K-12 educational curriculum noong 2013 sa bisa ng Republic Act No. 10533 or the Enhanced Basic Education

Read More »

MAGING PANAHON NAGUGULUHAN NA

 71,701 total views

 71,701 total views Kapanalig, ano ba ang nangyayari sa ating bayan? Sa Senado, litong-lito na ang maraming Pilipino… Hindi na malaman ng marami kung ano ang

Read More »

Baluktot na katotohanan

 107,417 total views

 107,417 total views Mga Kapanalig, unti-unting nawawala ang dignidad ng Senado sa harap mismo ng sambayanan. Sa isa sa mga plenaryo ng Senado noong nakaraang linggo,

Read More »

Handa na ba tayo sa Super El Niño?

 114,553 total views

 114,553 total views Mga Kapanalig, pakiramdam niyo rin ba na parang hindi na nawawala ang init mula umaga hanggang gabi? Kung hiráp na tayo sa panahon

Read More »

Watch Live

RELATED ARTICLES

Scroll to Top