Agarang paglipat mula fossil fuel tungo sa renewable energy, hamon ng Caritas Philippines sa gobyerno

SHARE THE TRUTH

Send your Love Offering

SAVINGS ACCOUNT NAME

DZRV Radio Veritas Foundation, Inc.

  1. Metrobank Savings Account No.: 076-3-076270210
  2. Banco De Oro Savings Account No.: 001-630011876
  3. BPI Savings Account No.: 0213-3251-91
  4. PNB – Savings account No.: 105-910-013-091

 2,350 total reads

Nanawagan si Caritas Philippines President, San Carlos Bishop Gerardo Alminaza ng mas mabilis at makatarungang paglipat ng bansa mula sa fossil fuel tungo sa renewable energy upang matugunan ang lumalalang krisis sa enerhiya at epekto ng climate change.

Ito ang binigyang-diin ng obispo sa kanyang mensahe sa National People’s Convention on the Energy Crisis and the Energy Transition, ang ikaapat na pambansang pagtitipon ng Power for People Coalition, noong Hunyo 3.

Ayon kay Bishop Alminaza, hindi lamang usaping teknikal o pang-ekonomiya ang enerhiya kundi isang usaping moral na direktang nakaaapekto sa buhay at dignidad ng mamamayan.

“They remind us that energy is not merely a technical issue. It is not simply a matter for experts, corporations, regulators, or policymakers. Energy is about people. For us, this is where the conversation begins. The energy crisis is not only an economic issue. It is a moral issue,” pahayag ni Bishop Alminaza.

Sinabi ng obispo na patuloy na nahaharap ang mga Pilipino sa mataas na singil sa kuryente, tumataas na gastusin sa transportasyon, at mga pagkasira ng kabuhayan dulot ng krisis sa klima habang nananatiling nakadepende ang bansa sa coal, langis, at natural gas.

Binigyang-diin din nito na ang kasalukuyang tensyon sa pagitan ng Estados Unidos, Israel, at Iran ay muling nagpakita ng panganib ng labis na pag-asa sa inaangkat na fossil fuels.

“The current crisis is a reminder that genuine energy security cannot be built on dependence. As long as we remain dependent on imported fossil fuels, our economy and our people remain vulnerable to events beyond our control,” ayon kay Bishop Alminza

Dahil dito, nanawagan ang obispo ng pagwawakas hindi lamang sa paggamit ng coal kundi sa kabuuang pagdepende sa fossil fuel at pagpapabilis ng paglipat sa malinis, abot-kaya, maaasahan, at madaling maabot na renewable energy.

Kasabay nito, iginiit ng obispo na hindi malulutas ng teknolohiya lamang ang suliranin sa enerhiya dahil nagmumula rin ito sa mga suliranin sa pamamahala, kakulangan sa pananagutan, at kawalan ng transparency.

“Transparency is not optional. Public participation is not optional. Good governance is not optional. Without them, no energy transition can truly be just. We cannot ignore the tolerated evils that continue to weaken our institutions and undermine the common good,” giit ni Bishop Alminaza.

Iginiit din ni Bishop Alminaza na hindi maaaring pag-usapan ang renewable energy nang hindi tinutugunan ang korapsyon, pananagutan ng mga korporasyon, at karapatan ng mga komunidad na maaapektuhan ng mga proyekto.

Umaasa naman ang obispo na magsisilbing pagkakataon ang convention upang mapalakas ang pagkakaisa ng iba’t ibang sektor sa pagsusulong ng pananagutan, mabuting pamamahala, at ecological justice para sa kapakanan ng kasalukuyan at susunod na henerasyon.

“A future powered not by fossil fuels but by clean and renewable energy, where communities have a voice in decisions that affect them, where public institutions serve the common good, where economic progress does not come at the expense of people or the planet, where no one is left behind,” saad ni Bishop Alminaza.

BE OUR PARTNERS

THIS PORTION IS BROUGHT YOU BY

ADVOCATE

Radyo Veritas Advocacy Category by Author

Veritas Editorial

Picture of Rev. Fr. Anton CT Pascual

Rev. Fr. Anton CT Pascual

GUILTY?

 10,806 total reads

 10,806 total reads Nakatanggap ang House prosecution panel ng ulat mula sa social media na maaring humingi ng “compromise agreement” ang defense panel ni VP Sara

Read More »

Bunga ng araw-araw na karahasan

 46,679 total reads

 46,679 total reads Mga Kapanalig, nitong mga nakaraang linggo, nagkaroon ng malawakang kilos-protesta sa mga bansa sa Europa gaya ng France, Italy, Spain, at Portugal. Ilan

Read More »

Umaalis ang mga nars

 103,085 total reads

 103,085 total reads Mga Kapanalig, may ganitong tanong sa isang sikat na kanta: “Napakaraming nars dito sa amin, ngunit bakit tila walang natira?” Ang sagot? “Nag-a-abroad

Read More »

MADALDAL KULANG SA GAWA

 226,246 total reads

 226,246 total reads Kapanalig, magaling itong si Department of Interior and Local Government secretary Jonvic Remulla. Sa press release lalu na sa pagsasalita sa media, magaling

Read More »

Watch Live

RELATED ARTICLES

PBBM, binigyan ng ATM ng mababang marka

 176,329 total reads

 176,329 total reads Binigyan ng Alyansa Tigil Mina (ATM) ng pinakamababang marka ang administrasyon ni Pangulong Ferdinand Marcos, Jr. sa usapin ng pagmimina, kasabay ng ikalimang

Read More »
Scroll to Top