Bishop Santos sa mga mag-aaral, hingin ang gabay ng Espiritu Santo

SHARE THE TRUTH

Send your Love Offering

SAVINGS ACCOUNT NAME

DZRV Radio Veritas Foundation, Inc.

  1. Metrobank Savings Account No.: 076-3-076270210
  2. Banco De Oro Savings Account No.: 001-630011876
  3. BPI Savings Account No.: 0213-3251-91
  4. PNB – Savings account No.: 105-910-013-091

 6,602 total views

Hinimok ni Antipolo Bishop Ruperto Santos ang mga mag-aaral na harapin ang mga hamon at pangambang kaakibat ng pagbubukas ng klase nang may pananampalataya, lakas ng loob, at pagtitiwala sa Diyos.

Ito ang mensahe ng obispo sa pagbubukas ng bagong taong pampaaralan 2026-2027, kung saan inihalintulad ng obispo ang karanasan ng mga estudyante sa mga apostol bago ang Pentekostes na nababalot ng takot at pangamba sa hinaharap.

“On that first Pentecost, fear turned into courage, confusion into clarity, and a small group of disciples became the unstoppable force that would spread the Gospel to the ends of the earth,” ayon sa pahayag ni Bishop Santos.

Binigyang-diin ng obispo na ang parehong Espiritu Santo na nagbigay ng tapang sa mga apostol ay patuloy na gumagabay sa mga mananampalataya sa kasalukuyan.

Partikular na hinikayat ng obispo ang mga mag-aaral na humingi ng patnubay ng Espiritu Santo sa kanilang pag-aaral at sa kanilang pang-araw-araw na buhay.

“God never calls us to a task without also providing the grace necessary to accomplish it,” paalala ng obispo.

Kinilala at pinasalamatan ng obispo ang mga guro at kawani ng paaralan sa kanilang mahalagang tungkulin sa paghubog ng kabataan na maituturing na isang mahalagang bokasyon.

“To our teachers and school personnel: may you continue to be instruments of God’s wisdom and compassion, forming not only minds but also hearts. Your vocation remains one of the noblest forms of service to society and to the Church,” giit ni Bishop Santos.

Pinasalamatan din ni Bishop Santos ang mga magulang sa kanilang mga sakripisyo at walang sawang paggabay sa kanilang mga anak upang matuklasan at malinang ang mga kakayahang ipinagkaloob ng Panginoon.

Kasabay nito, binigyang-diin ng obispo ang mahalagang papel ng kabataan sa Simbahan at sa lipunan.

“Our youth are not only the leaders of tomorrow; they are already a vital force in the Church and society today. They are a precious gift from God and the hope of our future,” ani Bishop Santos.

Apela ni Bishop Santos sa buong pamayanan, lalo na sa sektor ng edukasyon, na magkaisa sa panalangin upang maging mabunga, ligtas, at pinagpala ang bagong taong pampaaralan.

“Like the Apostles at Pentecost, may we move beyond fear and embrace the future with faith, courage, and confidence in God’s providence,” ayon sa obispo.

Sa datos ng Department of Education tinatayang nasa 26 na milyon hanggang 28 milyong estudyante ang inaasahang mag-aaral ngayong taong pampaaralan.

BE OUR PARTNERS

THIS PORTION IS BROUGHT YOU BY

ADVOCATE

Radyo Veritas Advocacy Category by Author

Veritas Editorial

Picture of Rev. Fr. Anton CT Pascual

Rev. Fr. Anton CT Pascual

Upper-middle income na ang Pilipinas

 16,347 total views

 16,347 total views Mga Kapanalig, upgraded na daw ang Pilipinas!  Ayon sa World Bank, ang Pilipinas ay isa nang upper-middle income country. Ibig sabihin, lumampas na

Read More »

Ibinasurang paraiso

 49,429 total views

 49,429 total views Mga Kapanalig, napanood ba ninyo ang dokumentaryo tungkol sa lupang ninuno o ancestral land ng mga katutubong Aeta na ginawang tambakan ng basura

Read More »

Gaslighting

 77,780 total views

 77,780 total views Mga Kapanalig, narinig na ba ninyo ang salitang “gaslighting”? Ang gaslighting ay isang uri ng sikolohikal na manipulasyon kung saan ipinalalabas ng isang

Read More »

NASAAN ANG SIMBAHAN

 145,510 total views

 145,510 total views Kapanalig, malimit nating naririnig ang katanungang, “NASAAN ANG SIMBAHAN”? Kapag may nangyaring trahedya., sakuna., man-made calamities., kawalan ng moral na pamumuno., WHERE IS

Read More »

ACCOUNTABILITY

 167,378 total views

 167,378 total views Pananagutan… Kapanalig, ito ang kaliwa’t-kanang panawagan ng iba’t-ibang grupo.,iba’t-ibang sektor., mga religious organizations sa ating bansa. Naging marubdob., naging malakas., naging sama-sama ang

Read More »

Watch Live

RELATED ARTICLES

Scroll to Top