Sambayanang Pilipino, hinimok ng CMSP na tulungan ang earthquake victims sa Mindanao

SHARE THE TRUTH

Send your Love Offering

SAVINGS ACCOUNT NAME

DZRV Radio Veritas Foundation, Inc.

  1. Metrobank Savings Account No.: 076-3-076270210
  2. Banco De Oro Savings Account No.: 001-630011876
  3. BPI Savings Account No.: 0213-3251-91
  4. PNB – Savings account No.: 105-910-013-091

 7,482 total reads

Hinihikayat ng Conference of Major Superiors in the Philippines (CMSP) ang lahat na magkaisa sa pagpapaabot ng tulong para sa mga pamilyang naapektuhan ng 7.8-magnitude na lindol sa Mindanao.

Sa inilunsad na “CMSP CARES: Call for Donations for the Victims of the Mindanao Earthquake,” hinikayat ng organisasyon ang publiko na makiisa sa pagtulong sa mga biktima ng kalamidad na kasalukuyang nahaharap sa pagsubok, kawalan ng katiyakan at kakulangan sa mga pangunahing pangangailangan.

Ayon sa CMSP, ito ang panahon para magbuklod bilang isang komunidad ng pananampalataya at malasakit upang maipadama ang pagmamahal at awa ng Diyos sa mga nasalanta ng sakuna.

” In this time of tragedy and uncertainty, let us come together as one community of faith and compassion. The recent earthquake in Mindanao has left many families grieving, displaced, and in urgent need of assistance. “ Bahagi ng pahayag ng CMSP.

Binigyang-diin ng samahan na sa pamamagitan ng mga donasyon ay makatutulong ang Simbahan na makapaghatid ng pagkain, malinis na tubig, pansamantalang matutuluyan, gamot, at iba pang pangunahing pangangailangan ng mga naapektuhang pamilya.

“As consecrated persons and people of goodwill, we are called to be instruments of God’s love and mercy. Through your generous donations, we can help provide food, water, shelter, medicines, and other essential needs for our brothers and sisters affected by this disaster. “ Ayon pa sa CMSP.

Paliwanag ng organisasyon mahalaga ang pakikibahagi ng lahat sa pagtugon sa pangangailangan ng mga biktima ng lindol.
Iginiit din ng CMSP na anumang halaga o uri ng tulong ay malaking ambag upang makapagbigay ng pag-asa at agarang ayuda sa mga pamilyang apektado ng sakuna.

Bukod dito, patuloy ding hinihikayat ng CMSP ang mga mananampalataya na samahan ng panalangin at konkretong pagkilos ang mga pagsisikap na makatulong sa pagbangon ng mga komunidad na sinalanta ng lindol sa Mindanao.

BE OUR PARTNERS

THIS PORTION IS BROUGHT YOU BY

ADVOCATE

Radyo Veritas Advocacy Category by Author

Veritas Editorial

Picture of Rev. Fr. Anton CT Pascual

Rev. Fr. Anton CT Pascual

GUILTY?

 9,513 total reads

 9,513 total reads Nakatanggap ang House prosecution panel ng ulat mula sa social media na maaring humingi ng “compromise agreement” ang defense panel ni VP Sara

Read More »

Bunga ng araw-araw na karahasan

 45,477 total reads

 45,477 total reads Mga Kapanalig, nitong mga nakaraang linggo, nagkaroon ng malawakang kilos-protesta sa mga bansa sa Europa gaya ng France, Italy, Spain, at Portugal. Ilan

Read More »

Umaalis ang mga nars

 101,883 total reads

 101,883 total reads Mga Kapanalig, may ganitong tanong sa isang sikat na kanta: “Napakaraming nars dito sa amin, ngunit bakit tila walang natira?” Ang sagot? “Nag-a-abroad

Read More »

MADALDAL KULANG SA GAWA

 225,123 total reads

 225,123 total reads Kapanalig, magaling itong si Department of Interior and Local Government secretary Jonvic Remulla. Sa press release lalu na sa pagsasalita sa media, magaling

Read More »

Watch Live

RELATED ARTICLES

Scroll to Top